CHAPTER 43

67 4 3
                                    

September 28, 2015 *Monday afternoon* *Lunch*

"Aish! Leche, bahay ba nila to?"-asar na tanong ko sa sarili ko, hinde ko din alam kung paano ko nahanap yung bahay nila eh, basta binuksan ko na lang yung tracker ng phone ko tapos na- track ko na yung location ni tris, naka-open din naman kasi yung tracker ng phone nya, wuhooo, advantage ng may magandang phone. XD

Hinde na ako nag-abalang mag- doorbell at dali dali na akong pumasok sa loob ng gate nila, shete, ang laki ng bahay nila.

Tapos pagkapasok ko sa bahay mismo nila, wala manlang tao sa loob, seryoso? Wala man lang bang mga maids or what? Kase expected ko na pag mayaman, madalas may katulong sa bahay, hahaha.

Umakyat ako ng second floor at hinde ko alam kung nasan yung kwarto nya, pero nung makarating ako sa dulo, natawa agad ako dahil alam ko na agad ang kwarto nya.

Paano ba naman kasi, may nakapaskil na ' DON'T OPEN, HANDSOME KILLER INSIDE.'

Sino pa bang kilala kong feeler? Eh sya lang naman, hahaha.

Binuksan ko yung pinto at pumasok ako sa loob ng kwarto, nakita ko syang nakahiga ng naka-side view habang yakap yakap nya yung unan nyang superman yung punda, hahaha! Seriously? Ang isip bata talaga nya.

Lumapit ako sakanya at umupo ako sa tabi nya, jusko, sobrang pawis na pawis sya, kinapa ko yung noo nya at naramdaman kong sobrang init nya.

Napatingin tuloy ako sa aircon, lumapit ako don at nanlaki ang mata ko ng makita kong nakatodo na yung aircon pero pawis na pawis padin sya.

Bumalik ako sa tabi ni tris at tinanggal ko muna yung unan na yakap yakap nya, nanatili lang syang tulog at ako naman eh pumunta don sa cabinet nya at naghanap ako ng face towel at
T-shirt nya.

Pumunta ako sa cr ng kwarto nya at kumuha ako ng basin at nilagyan ko yun ng tubig na medyo mainit dahil may heater naman yung cr nya, rich kid talaga, tsk tsk.

Bumalik na ako sa kama nya atsaka ko pinunasan ng face towel ang mukha nya, tae, ang gwapo nya kahit pawis na pawis sya.

JUSKO CLOVER, NILALAGNAT YUNG TAO TAPOS PINAGNANASAAN MO PA. d>_<b

"Uy."-tawag ko sakanya para magising sya.

"Mmmm..."-sagot nya na parang hirap sya magsalita dahil sa sobrang sama ng pakiramdam nya.

"Sandal ka muna sa headboard mo, pupunasan ko yung ano..."

Biglang dumilat yung isang mata nya.

"Anong pupunasan mo?"-diretsong tanong nya sakin.

"Yung ano..."

"Yung ano nga?"

"Yung ano nga, tae ikaw na nga magpunas ng dibdib mo! Letche."-sigaw ko sabay bato sa muka nya ng face towel.

Kinuha nya yung face towel sa muka nya at naka-simangot syang tumingin sakin.

"Ikaw na, nanghihina ako."-sabi nya at bahagya syang sumandal sa head board ng kama nya.

Natawa naman ako dahil ang gwapo nya kaya kinuha ko ulit yung face towel at inalalayan ko syang hubarin yung ano..yung ehem, yung t-shirt nya, ng mahubad ko na yung t-shirt nya, napakunot ang noo ko at...

"Ano ba yan!"-reklamo ko sabay bato ulit sa muka nya ng face towel.

"Ano ba, kanina ka pa bato ng bato ah."-mahinang reklamo nya.

"Nakakadisappoint ka, alam mo yun!"-sigaw ko sakanya.

"Ano nanamang ginawa ko?"

"Wala kang abs! Letche! Ang ineexpect ko pag ganito ang scene, yung tipong yung tipong huhubarin ko yung t-shirt ng lalaki pag may lagnat, ang ineexpect ko may abs! Eh nasan yung abs mo?! NASAAAN!!! WALA KANG ABS KAHIT ISANG PIRASO MAN LANG---WALA!"

Storya Ng Bitter (On-going)Where stories live. Discover now