September 13, 2015 *sunday continuation*
"Ano palang ginagawa mo dito?"-tanong ko kay tris habang nag lalakad kami sa gilid ng kalsada, well, ako mag isang magisang naglalakad kasi medyo paika-ika pa ako masakit padin kasi tuhod ko, tapos sya na yung nag dala ng bike ko diko kasi kaya mag bike.
"Wala lang nag gagala kasi ako."
"Eh? Bkt naman dito pa sa village namin?."-tanong ko.
"Bakit? Bawal ba?."
"Oo, bawal!"
"Bakit? Sayo ba itong village na to."-pamimilosopo nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Haha, bakit ang sungit mo?"-tanong nya sakin at nagkibit balikat naman ako.
"Hinde ako masungit, ayoko lang talagang maka-close yung lalaking tulad mo."-deretso kong sagot at tumaas naman ang kilay nya.
"Wow, sa gwapo kong to, ayaw mo maka close?-mayabang na sabi nya at nag pogi sign pa.
"Yun na nga, masyado kang mayabang kaya ayaw kita maka-close."
"Grabe, bakit dika marunong magsinungaling? Haha, di ba pwedeng sabihin mo na lang na gusto mo akong maka-close? Haha, masyado kang prangka eh!"
"Wala akong pake."
Habang nag lalakad kami, may nakasalubong kaming couple na holding hands while walking, napa ngisi ako ng makita ko kung sino ung lalaki.
"Clover..."-medyo gulat na bati sakin ni vince, tinignan ko yung babaeng kasama nya atsaka tumingin ulit kay vince.
"Naks, nahanap mo na forever mo? Sus, pustahan, iiwan mo lang din yan tulad ng pang iwan mo sakin! Kasi nga walang forever."-bitter na sabi ko sa ex suitor ko atsaka sila tinaasan ng kilay.
"Tara na, gagamutin ko pa yang sugat mo,"-biglang singit ni tris atsaka nya ako hinila paalis kasama yung bike.
"Hoy, anong sinasabi mong gagamutin mo sugat ko? Ang sabi mo lang ihahatid ako."-reklamo ko ng makalayo kami kila vince.
"Sus, joke lang yung gagamutin ko sugat mo, syempre palusot ko lang yun kanina para maka-alis ka sa harap ng ex mo."-sabi nya at lalo ako nakaramdam ng ampalaya sa lalamunan.
"Excuse me, there was never an us because he left me."-bitter na sabi ko.
Hinde ko napansing nasa tapat na pala kami g bahay namin.
"Bitter ka ba dahil mahal mo pa sya? O bitter ka pa dahil nasasaktan ka pa?-inosenteng tanong nya sakin.
Umiling ako atsaka ako lumapit sakanya, tinignan ko sya sa mata bago magsalita.
"Bitter ako kasi dahil sakanya, hinde na ako naniniwalang may taong kaya pa akong mahalin ng totoo, dahil sakanya, lagi kong naiisip na ako yung babaeng madaling pagsawaan, bitter ako kasi dahil sakanya, hinde kona maramdaman yung pagtibok ng puso ko dahil sobrang manhid na."
Nakita ko yung pag lunok nya ng dalawang beses atsaka nya ako tinulak sa noo.
"Masyado kang malapit, halikan kita dyan eh."
Nanlaki mata ko dahil sa sinabi nya.
"Hoy, tumigil ka."-asar na sabi ko atsaka ko inagaw yung bike ko sakanya.
"Totoo pala, haha."
"Yung ano?"-tanong ko
"Pag-gusto mo ang isang tao, kahit gaano kadami ang sinabi nya sa harap mo, hinde mo maiintindihan yung sinasabi nya dahil nadidistract ka sa nararamdaman mo."
"W-What?"-tanong ko.
"I'm just saying that I didn't understand what your said a while ago because i got distracted by my abnormal heart beat while looking at you."
dO___Ob
Napalunok ako bigla at sya naman eh lumingon sa ibang direksyon na para bang nahihiya sya sa sinabi nya.
"H-hoy, nag effort akong i-explain kung bakit ako bitter tapos yun pala hinde mo naintindihan yung sinabe ko!? Ugh."-naiinsultong sabi ko atsaka ko sya tinignan ng masama bago ako nag salita.
"Nag effort ako pero bale wala padin pala."-bitter kong sabi papasok na sana ako sa gate ng bahay namin pero pinigilan nya ako kaya napatingin ako sakanya
"Nag effort din naman ako eh, nag effort din naman akong pigilan yung nararamdaman ko pero habang tinititigan kita, mas lalong lumalala."-seryosong sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin.
Awkward eh.
"S-Salamat sa pag hatid."-biglang sabi ko atsaka hinila yung kamay ko palayo sakanya at pumasok sa gate namin.
What the fuck what was that?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTESCOMMENT
YOU ARE READING
Storya Ng Bitter (On-going)
RandomKwento ng isang babaeng minsan Nang nasaktan kaya wala syang Lovelife ngayon, ang daming Pinagdaanan kaya bitter sya Hanggang ngayon. Hinde sya naniniwala sa forever Kaya lahat ng makakasalubong Nya, sinasabihan nya ng Pamatay nyang linya. Samahan n...