Chapter 11 (Confrontation)

205 14 0
                                    

Kristoff POV

"Teka, ako rin may ikwekwento." - saad ko.

"Eh male-late na nga tayo." - reklamo nanaman ni Roby.

"Eh tangina mo, ikaw tong marami ang sinabi. Mahalaga to, gago." - pambabasag ko kay Roby at sinimulan ko na rin.

Kahapon

"Saglit kukuha lang ako ng spoon and fork." - paalam ko sakanila dahil nakalimutan ko kumuha ng kanina nung bumibili kami ng pagkain at nung girls.

Nang makarating ako sa section kung saan nandung ang spoon at fork ay may mga narinig akong naguusap. Pabulong yung paguusap pero sapat na yung lakas para marinig ko. Dahil hindi naman sila ganun kalayo sa kinaroroonan ko.

Si Karen. Oo, si Karen nga ito.

"Maghanap ka pa ng iba mong kasama at kamo sakanila babayaran ko sila. Maitapon niyo lang to sa mga babaeng yun." - saad ni Karen. May itinuro siya pero hindi ko nakita kung sino dahil nga sa nagkukunware akong may kinukuha. Mahirap na mabisto.

"Eh paano yung pagkain namin? At tyaka. Baka magalit sila samin." - alalang tanong nung babaeng kausap ni Karen.

"Babayaran ko nga kayo at para hindi sila magalit sainyo, mag sorry kayo kunware hindi ninyo sinasadya pero itapon niyo to sakanila. Kapag hindi niyo to nagawa, ipapa bully ko kayo sa buong school." - pagbabanta pa niya.

Umalis na sila.

Sino ba ang target niya? 

Nang makakuha ako ng mga kailangan ko ay pabalik na sana ako nang..

Parang alam ko na kung sino ang target ni Karen.

Papunta na yung mga inutusan niya dun sa direksyon namin.

Tatakbo na sana ako para mapigilan sila pero masyadong mabilis ang pangyayare at natapunan na yung girls.
--

"Ang haba ng kwento mo ah, first time nagsalita ka ng mahaba." - pang aalaska ni Roby.

"Oo, mas mahaba pero baba mo." - pang-aasar ko.

"Aba, tang-"

"Ina mo."

"So si Karen ang may pakana nun?" - tanong ni Marky.

"Oo, parang ganun na nga." - sagot ko.

"Malakas ang kutob ko na siya ang may pakana ng lahat. Yung babaeng nagutos kay Hurly. Palagay ko siya yun." - sambit ni Jeric.

Maaaring siya nga yun.

"Hindi pa naman tayo sigurado kaya ang dapat muna nating gawin ay paaminin sina Hurly at Kurl." - ani naman ni Carlo.

"Oo, siguro nga. Pero sa ngayon, pumasok muna tayo dahil mag ta-time na rin." - pag aaya na ni Lance.
--

Nang makapasok kami sa room ay agad naming nakita si Hurly. Nakatitig lang kami sakanya. Hindi man lang siya makatingin samin. Tss, leche kang bugok ka.

Dumiretso na kami sa likod.

"Hi girls." - bati namin kina Michaella.

Nginitian lang nila kami. Parang may mali. Ah, siguro yung nasa bulletin board.

"Ayos lang ba kayo?" - tanong ni Deo.

"Badtrip kami, kaya wag mo na kaming badtrip-in pa." - ani naman ni Gwen.

"Ikaw lang naman ata badtrip sakin. Wag mo silang idamay." - sambit na din ni Deo.

Jusko, aso't pusa talaga tong dalawa na to.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon