Chapter 23 (Announcement)

169 8 0
                                    

Christalie POV

Pagkatapos namin kumain ay pumasok na kami dahil male-late na kami. Napasarap kasi kami sa kwentuhan at natagalan sa pagkain.

Ang sarap naman sa feeling ng wala ng pinipigilan. We felt free. Pero hanggang ngayon meron pa rin, pinipigilan na mas lalong mahulog dahil wala kaming kasiguraduhan. Pero sana nga, everything is okay and real.

We're in the hallway walking with the boys, nagtatawanan, nagkukulitan.

Nararamdaman naming may mga matatalim na mata ang nakatingin sa'min. It's because we're with the boys. Malamang ay fan girls nila tong mga to. Sanay na kami dito dahil nga close kami ng boys.

We just don't mind, wala kaming pake sakanila. Pinagpatuloy namin ang pakikipagtawanan sa boys, not until..

Lumapit yung boys sakanila at,

"Staring is rude."

"Will you mind to stop?"

"Will you also mind to go to your room now?"

"Will you also mind to stop talking behind our backs?"

"Go and get a life."

Sunod sunod na sambit nila sa mga babaeng nagbubulungan at nagtitinginan.

"Will you also stop.. pre. Ano na bang english ng ano." - napakamot si Lance sa ulo niya.

"Hindi ko rin alam pre, naubusan nga ako ng sasabihin." - napakamot rin sa ulo si Roby.

Natatawa kami sa inaasal ng dalawa.

Nagkatinginan silang dalawa at, "Bumalik na nga lang kayo sa mga room niyo!" - sabay na sambit nila.

Tuluyan na nga kaming napahagalpak sa kakatawa dahil sa dalawa.

Nakakatuwa sila at talaga ngang batas sila dahil napasunod nila ang mga babae na agad na nagsialisan kanina.

Bumalik sila sa tabi namin at isa isa kaming nakipag apir sakanila.

"You're really unbelievable, Lance. You're different." - I said, laughing.

"Believe ka nanaman sakin." - with matching, pogi pose pa.

"Oo nalang." - sambit ko habang tumatawa pa.

"Apir tayo Roby!" - sambit ko kay Roby at nakipag apir.

"Tara na nga." - aya nila na tumatawa pa rin.
--

Pagkarating namin sa room ay mabuti nalang ay wala pang teacher. Pero maya maya lang ay dumating na rin ang ESP teacher namin.

Nagpass na kaming 14 ng projects namin.

"Ang aga niyo magpass ha, good job kids." - ani niya samin.

Bumalik na kami sa upuan namin.

"How bout the others? When will you pass your projects? By the way, kaya kami busy this past few days, because we're busy about your exams and the program that will be held after. Sa isang araw na ang exams niyo at you have to review harder dahil nga hindi kami nakapagturo dahil sa paghahanda. At bilang kapalit the day after the exam. You will be having your student's day. May booths, and other stuffs. For you to enjoy and relax. That's why. Pero before that, exam muna. So you have to review hard." - mahabang litanya ni ma'am.

Marky raised his hand and, "Ma'am you've been busy this past few days, right? Almost all of the teachers didn't teach us enough for us to take the exams that fast, how can we take the exam kung wala kaming natutunan? We don't even have any idea na mag e-exam na pala."

"Mr. Ramos, wala tayong problema diyan. You're teachers will give you all the pointers, hanggang bukas. Ituturo nila lahat at dagdagan nalang ng self review. I know that will be stressing kasi di kami ganun nagturo pero we prepared a program as a sign of peace offering. We're sorry." - ma'am explained.

"Aw, really stressing.. what a kind of torture it is." - Michaella whispered.

Wala naman kaming magagawa kaya pare-parehas nalang kaming napa simangot, tyaka lang siguro kami tutubuan ng excitement kapag tapos na ang exam at mag pr-program na.

Ayos din, ano? Hirap muna bago saya.
--

Lance POV

Lunch na, pero naiinis pa rin ako eh kasi mage-exam na pala! Oo nag re-review ako pero hindi naman ako gaya ni Marky na matibay ang utak! Jusko! Ni english nga ni Christalie di ko ma-take! Ayan pa kaya?! Nakakainis naman talaga oh! Sasabog na utak ko!

Papunta na kami sa canteen ng napansin nilang nakasimangot at padabog akong naglalakad.

"Bakit Lance? Anong problema mo?" - tanong ni Deo.

"Nakakabwisit yang exam!" - bagot na sambit ko.

"Hayaan mo na, may student's day naman daw." - sambit naman ni Danlex.

"Kahit na ba no! Masakit sa patilya ang pagre-review nang sabihin mo na siguro, ilang oras lang." - simangot ko pa.

"Asan patilya mo?" - tanong ni Roby.

"Eto, gago." - pakita ko sakanya ng patilya ko.

"Akala ko bangs tawag diyan." - takang sambit niya.

Agad naman siyang tinawanan ng mga babae at sinamaan ng tingin ng mga lalaki. Aba, eh ang laking tanga nga naman neto.

"Magkaiba ang bangs at patilya, pakyu." - singhal sakanya ni Jeric.

Napakamot nalang siya sa ulo niya.

May kumalabit sakin, "Gusto mo ba sabay na tayo mag review? Para hindi ka ganun ma-stress?" - sambit ni Christalie.

Kami? Mag re-review? Sabay? Woah, bigla akong namula.

"O-oo b-ba." - nauutal na sambit ko.

"Oy, oy ano yan? Bat hindi nalang sabay sabay tayong lahat?" - singit ni Rustlene.

Nasa canteen na rin kami at paupo na.

"Oo nga! Mag sleep over nalang tayo sa bahay ng girls tapos review tayo! Kailangan natin mag over time kasi kailangan talaga natin mag review!" - pumapalakpak na sambit ni Deo.

"Nagre-review ka pala?" - basag ko sakanya.

"Eh bat ikaw?" - sambit niya rin sakin.

"Hep! Hep! Tama na yan, alam mo Deo may masasabi ka palang maganda, tama yan. Sabay sabay tayo. Bukas nang gabi ha?" - sambit ni Julia.

"Sige, kanya kanya nalang tayo ng review buddy." - sambit ni Kyla.

Lahat naman kami tumango bilang pag sang ayon.

Bat parang excited ako? Makakasama ko si Christalie mag review!

Maka concentrate kaya ako?
--

[a/n] : sorry! Ngayon lang naka update, higit sa wala akong connection ay katatapos lang ng school officer task ko, pasensiya na! Salamat.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon