Chapter 59 (Highschool Ball II)

76 3 3
                                    

Lance POV

Drop. Dead. Gorgeous.

Literal na jaw dropped.

Bakit may mga anghel sa lupa?

Nasa langit na ba ako? Kami?

"Ang ganda niyo/Ang gwapo niyo." Sabay sabay na sambit namin.

Napatawa naman kami dahil don.

Oo, alam kong maganda ang girls pero mas lalo pang nag-shine ang magaganda nilang mukha.

Oh my... Christalie.

Isinara ko na ang nakanganga kung bibig at nagtungo palapit kung nasan ang anghel ko.

"Hi, gorgeous." I greeted.

"Hey there, handsome." She giggled.

Please stop me for falling much deeper for this girl.

Nope, don't stop me. Aysh! Ang corny ko na.

"Edi kayo na may escort!" Nakangusong sambit ni Madelyn.

That made us laugh. Eh paano, mga girls namin ang ka-partner namin of course. Si Julia naman kay Carlo din.

Kaya ang kinalabasan, si Indigo ang naging escort niya. [A/N: It's Jackson] Kahit ayaw naming maging si Indigo dahil nga hindi maganda ang kutob namin sa mga naglalakad na kulay na yon. Ipinilit pa rin ni Madelyn ang gusto niya. She seems so close with those guys.

"Tara na nga lang para makita na ni Madelyn yung escort niya." Mapang-asar na sambit ni Marky.

"Aba dapat lang! At talaga namang na-o-op ako sa mga lambingan niyo."

"Julia nasan yung susi?" Sambit ni Kristoff.

"Heto oh." Sabay abot ng car keys.

As usual, hati nanaman sa dalawa ang grupo. Siyempre, hindi kasya lalo na't mga naka gown ang mga prinsesa. Hays. Minsan talaga ang hassle maging babae, ano?
--

"Wow." Parang nagniningning ang mga mata na sambit ni Christalie pagkababa ng sasakyan.

Mga matitingkad ang kulay na mga ilaw, well arranged na venua at ang mga eleganteng tao. I can feel the hsball ambiance already.

"Buti naman at may escort na ako!" Pagpaparinig ni Madelyn ng sunduin siya ni Jackson pababa ng kotse.

Napatawa nalang kami ng mahina sa inaasta niya.

Pumasok na kami ng venue at malapit na ito magsimula. Parami na rin ng parami ang tao.

"Lance, magsasayaw ka ba ng ibang babae?" Mahinang tanong ni Christalie habang nakahawak sa kamay ko.

Sabi ko na nga ba at yun ang iniisip niya, kanina pa kasi ito tahimik.

"Oo." I plainly said.

"Okay." Sambit niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Kinuha ko ang mukha niya at iniharap sakin. "Magsasayaw ako ng iba, siyempre yung mga kaibigan mo. Pero higit pa dun ikaw lang ang gusto kong isayaw. Gusto ko kamay mo lang ang hahawakan ko at mata mo lang ang tititigan ko. Don't worry."

"Talaga?" Nagliwanag na ngayon ang mukha niya.

I nodded for an answer and kissed her forehead.

"Good evening Juniors and Seniors." Rinig naming sambit ng emcees na sina Ma'am Dally at Sir Philip.

"Welcome to Northwoods Academy's Highschool ball!"

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon