Chapter 43 (Something Strange)

142 6 1
                                    

Lance POV

Wow naman! Tamo tong mga to. Tumigil pa talaga sa tapat ng mga girls pagkatapos magpakilala ha!

Pangiti-ngiti pa talaga kayong mga kulay kayo! Tsk! Kaasar.

Panget niyo naman. Ay, joke. Mabait akong tao. Be humble.

"Mas pogi pa naman tayo diyan, kala mo naman kung sino tong mga to." - bahagyang malakas na sambit ni Carlo sa tabi ko kaya naman napatingin ako sa gawi niya.

Napatingin rin yung mga bago sakanya. Pero nginitian lang siya.

Isang ngiting kakaiba. Hindi ko alam pero nabwibwisit ako.

Umupo na sila sa likuran namin and I didn't bother to look back, hindi ko sila type.

At nang tignan ko ang mga lalaking katabi ko ay pare-parehas na hindi maipinta ang mukha. Mga iritado.

At nang tignan ko naman ang girls, siguro mga tuwang tuwa.. Crush nila kaya mga yun? Wag naman sana.
--

Nang mag break time na ay patayo na sana kami at aayain na sana ang girls pero laking gulat namin na kausap nila ang mga bago.

Lumapit kami sakanila at, "Girls, can we invite you to have break time with us? You know, uhm.. Getting to know each other and getting to know the school?" - sambit ni Indigo. Yung ang pagkakaalam kong pangalan niya kasi kulay ng damit niya.

"Bakit hindi ka kumuha ng tour guide niyo? Bakit sila pa? May pa getting to know each other pa kayo." - singit ni Jeric bigla.

Napatingin silang lahat sa'min.

"Oh, hello pre. Siyempre naman mas maganda kung close na namin yung maglilibot sa amin di ba? Kumportable." - sambit naman ni Blue. At ngumiti nanaman, sa mga ngiting yan.. Di ko nagugustuhan! May kakaiba talaga.

"Bakit? Close na ba kayo?" - tanong naman ni Roby sa kabila.

"Kaya nga makikipag close eh." - sambit naman nung Green, maka ngiti naman to. Wagas.

"Dapat yung close niyo na, hindi makikipag close pa lang. Di ba?" - sarkastikong sambit naman ni Marky.

"Tama na nga yan." - biglang sambit ni Julia at lumabas na kasunod ang girls.

Lumabas rin kami agad ngunit bago pa kami lumabas ay sinamaan muna namin ng tingin ang mga lalaking to. Hindi maganda ang kutob ko sakanila.
--

Agad naman naming nakita sa labas yung girls.

Mga nakasimangot sila, naku lagot na! Galit ata sila.

"Sorry for that girls, hindi namin sinasadya. Hindi lang maganda kutob namin sakanila." - Deo said.

"Hindi pa naman natin sila kilala ah? Mabait naman sila." - Christalie mumbled.

"Mabait? Ayun nga eh, hindi pa natin sila kilala. Tapos mabait na?" - sambit ni Kristoff.

"Fine." - sabay sabay na sambit nila at umalis na.

Hindi na namin sila sinundan dahil kilala na namin sila, baka kung ano ang masabi nila kapag kinulit pa namin sila.

Siguro nagtatampo sila sa inasta namin.

I don't think na mali kami, pare parehas kami ng iniisip alam ko.

Alam ko na yung boys ay masama rin ang kutob sakanila.

Bakit ganun? May nararamdaman akong kakaiba.
--

We went to the canteen to buy our snacks.

But one table caught my attention, yung girls nagtatawanan..

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon