Chapter 50 (Another Threat II)

83 6 4
                                    

Gwen POV

Bumalik naman agad ang mood namin after what we saw earlier.. But I must say.. Nababahala din ako sa babae.

Her out fit, even her stare. Alam mong nagtatago siya at may gagawing di maganda.

At kung baliw naman yun, may ganun bang porma ang mga baliw? I don't know what to feel anymore.

Masyado na akong natatakot. Remember the threat we received last time? It bothers me, big time.

We finally reached the school. Thankfully, safe and sound.

We are busy walking in the hallway when, "Rustlene! Rustlene!" Takbo ng isa sa mga kaklase namin.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Rustlene.

Hinihinga hingal pa ang kaklase namin kaya naman huminga muna siya ng maluwag bago magsalita, "Dumiretso kayo sa may locker. Tignan niyo kung ano ang nandun." She said looking nervous.

"Ano ba kasing meron?" Pagsali ni Julia sa usapan.

"I don't know how to explain. Just.. Just go." Sambit pa niya.

Kahit nagtataka ay agad kaming nagsitakbuhan marating lang ang locker.

Agad nanghina ang tuhod namin ng makita kung ano ang nakalagay sa bawat locker namin.

Magkakatabi ang locker namin. 10 lockers each row. Pero dahil walang gumagamit ng tatlo sa dulo ay ang row na yun ay kami lang ang nag-occupy. May banner na nakasabit na tanging sa row na yun lang nakalagay.

Hindi ko kayo hahayaang maging masaya. You'll disappear soon. I promise.

Angel of Death

Puting tela ang ginamit dito at sa tingin ko.. Dugo ang ginamit panulat.

Hindi ko maiwasang mapaupo na lang. I'm damn scared. Natatakot ako. Hindi ko na rin maiwasang maluha. Ano bang ginawa namin para magkaganito ang mga pangyayare?

Nagtungo sila sa tapat ng lockers at inalis ang banner.

Sumunod din naman agad ako.

Sabay sabay naming binuksan ang lockers at nagsilaglagan ang black petals. Same as what we received last time pero petals lang ngayon. Punong puno ang lockers at nahulog na sa sahig ang iba.

Sa mga gilid pa ng lockers ay may mga nakalagay, you'll be dead.

Lahat kami ay may ganun sa lockers.

Humarap si Rustlene sa mga taong nanunuod na sa'min ngayon.

"P-tangina, sinong may gawa nito?!" Galit na galit na sigaw niya.

"Ano bang problema ng may gawa nito ha?! Lumabas ka hindi yung puro threats lang ang alam mo!"

"Dapat marunong kang lumaban ng patas hindi puro padala ka lang. T-ngina mo!"

Pinigilan naman agad siya ni Julia at Michaella.

Napaiyak nalang ako pati na ang iba, hindi namin alam kung anong nangyayare. Wala kaming kaide-ideya pero isa lang ang nangingibabaw samin.

Yun ay ang takot.

Takot na mamaya nandiyan lang pala sa tabi tabi si Angel of Death. Nakamasid at binabantayan ang bawat kilos namin.

Naupo na sa sahig si Rustlene dahil sa frustration. Dinaluhan namin siya dun.

"Everything will be okay. We'll find out who she/he is." Pagpapakalma ni Julia.

"Paano kung di natin namamalayan nandiyan na pala siya at handa na tayong patayin? F-ck! I need to know who the hell is that Angel of Death!"

"Calm down, Rustlene."

Maya maya pa ay nagsidatingan ang boys. Bulletproof boys at color boys.

Pero napansin kong inunahan ng bulletproof ang color boys sa paglapit sa'min.

"Okay lang ba kayo?" Tanong ni Jeric habang lumalapit kay Rustlene.

"Natatakot kami." Humihikbing sambit ni Christalie na yakap na ni Lance.

Nilapitan na din ni Marky si Danlex at agad pinatahan.

Ganun din si Michaella, Julia at Rustlene na nilapitan ng tuluyan nina Kristoff, Carlo at Jeric.

Maya maya pa ay nakita kong nilapitan ni Roby si Kyla at ganun din si..

Deo na palapit na sakin.

"De-deo.." Halos pabulong na sambit ko.

Agad niya akong niyakap, "Okay ka lang ba?" Mas lalo akong naiyak sa pagtatanong niya. Hindi lang takot ang nararamdaman ko kundi pati tuwa. How I miss him.

"Uy okay ka lang ba?" Sambit niya at kumawala sa yakap at hinawakan ang pisnge ko.

"Namiss kita." Hindi ko alam kung bat yan ang nasabi ko. Nawala sa isip ko ang mga nangyayare at tanging si Deo sa harap ko ang iniisip ko.

"Sorry, sorry kung laging si Blue ang kasama ko. I know you're just jealous pero hindi ko inintindi. In-ignore ko lang yun. Di ko man lang inisip yung mararamdaman mo. Ang bad ko. Sorry Deo, sorry." I said at humihikbi na.

"Hush.. Okay lang yun. Naiintindihan ko. At tama ka naman eh, wala pang tayo. Kaya mali din na ganun ang inasal ko. Wala naman akong karapatan din nun. Sorry din."

Hinampas ko siya sa braso, "Ang lakas mo namang mangonsensiya!"

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Edi ngayon may karapatan ka na. Binibigyan na kita ng karapatan." Sambit ko at ngumiti.

"Ano yun?" Nanlalaki ang matang sambit niya.

"Hindi mo ata naintindihan, mas ipapaintindi ko nalang sayo. Ang sabi ko, Tayo na."

"Uy wala ng bawian yan ha?!" Sambit niya ng pagkalakas lakas.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Whooooo! Kami na! Yes! Kami naaaa!" Sigaw niya pa.

"Kayo na?" Sabay sabay na sambit ng mga kaibigan namin.

Humarap sakin si Deo at hinawakan ang kamay ko. Intertwined, to be specific at ipinakita yun sa kanila.

"Kahit na may ganito, hindi ko maiwasang kiligin sainyo." Natatawang sambit na ni Rustlene.

Kaya natawa na rin ang iba sakanya.

"Whooo! #TeamDWen is real na! Congrats! Group hug!" Sigaw ni Carlo.

Kaya naman nakipag group hug kami sakanila, nang matapos ang group hug ay agad na ibinaling ni Deo ang tingin sa kin.

"Thank you." He said while smiling.

"Thank you for being patient." I said.

"I love you, Deo ko."

"I love you nae sa-rang, Gwen."

And from that moment, we didn't bothered to look at the people who surrounds us. Unti unting lumapat ang mga labi niya at..

I must say, that's the happiest moment in my life.

We're officially a couple!

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon