Chapter 32 (Clean Clean Clean II)

151 9 7
                                    

Julia POV

Pagkarating namin ni Michaella sa harap ng study room ay napangiti kami ng nakakaloko dahil sa plano namin.

Alam na namin tong study room nila dahil may label ang pinto. It says here, "Study room ng mga pogi". Hanggang dito ba naman sa bahay nila, nilalagyan nila ng kahanginan?

Pinihit namin ng dahan dahan ang door knob not to make any noises. Nakita na namin sina Carlo na nag aayos ng book shelves. Si Carlo na naka tungtong sa upuan at si Kristoff na inaabot ang mga libro para ilagay sa sahig dahil sa malamang ay pupunasan nila ito.

Nagtataka ako kung bakit si Carlo pa ang nakatungtong sa upuan eh tong mas matangkad naman ng kaunti si Kristoff sakanya, naghihirap eh? Pandak naman. Uy shh lang kayo wag niyo ako isusumbong!

Nakapasok na kami at dahan dahang sinara ang pinto at naglakad, they're so busy talking that they didn't notice that we're here.

Nang makalapit na kami sa likod nila ay agad namin silang ginulat at, "Bulaga!" - sabay na sambit namin ni Mich.

Agad silang nagulat dahilan para maipalo ni Kristoff ang librong hawak niya kay Carlo. Nagkataon pa naman na medyo malaki at makapal ang libro kaya napalakas ang impact kay Carlo dahilan para ma-out of balance siya at mahulog. Ayun, nabagok. Patay.

De joke, nahulog lang. Buti at pwet lang ang tumama sa sahig.

Hindi naman ganun kataas eh, tumayo agad siya habang hawak hawak ang pwet niya. Hala, masakit ata?

"Masakit?" - ngiti ko nang alanganin sakanya.

"Hindi naman masyado babe, kiss mo?" - sambit ni Carlo ng nakakaloko.

Aba nakuha pang magbiro ng loko, "Baka gusto mong dagdagan ko yang sakit ng katawan mo?" - ngiti ko sakanya.

"Sabi ko nga, hindi."

"Umano kayo dito Mich?" - at aba ang dalawa may sariling mundo na. Pwede namang ako ang tanungin pero lumapit pa talaga siya kay Mich ha.

Nako boy, Kristoff. Obvious na! Pfft, ang Mr. and Mrs. Garcia nga naman.

"Wala rin kaming magawa sa bahay eh, we went here to surprise you guys and ask if you wanna hangout. But same as you guys, epic fail ang surprise visit 'cause you're busy. Bad timing after all. So we decided to help you, instead." - napapailing na saad ni Mich.

Napatingin ako kay Carlo na nakatingin sa dalawa at nakangisi, "Tara na! Maglinis na tayo." - bulyaw niya sa dalawa.

Pero ang dalawa nanatiling naguusap, "Eyow! Earth to Mr. and Mrs. Garcia!" - pagpaparinig niya pa.

Agad na napatingin ang dalawa. Si Kristoff na napapangisi at si Michaella na nakakunot ang noo.

Tss, only if I know you're loving it, Mich.
--

Nagpupunas ng libro si Michaella at Kristoff habang nagkwekwentuhan.

While me and Carlo ang nag aabot ng libro.

"So you came here just to help me?" - ngiti niya sakin. Ang hangin talaga niya as ever.

"WE came here to help ALL of you." - taas kilay na sambit ko emphasizing the words WE and ALL.

"Oh, I see." - mahinang tawa niya na halos mawalan na ng mata.

Okay, I found it cute.

"Alis nga dyan. Ang bagal mo. Ako na muna ang tutungtong diyan." - pagpapaalis ko sakanya sa upuan. Daldal eh.

"Okay, mag-ingat ka ha." - pagpapaalala niya, thoughtful. Wow.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon