Chapter 38 (Explanations)

147 6 0
                                    

Jeric POV

We called it a day.. hay. Grabe. Wala pa din naman nagbabago. Namimiss ko na yung kaingayan ng boys at kakulitan ng girls.

Maski ako gulong-gulo na, hindi ko alam kung saan ko hahanapin lahat ng sagot sa mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Ewan ko, siguro nga talaga may dahilan pero siyempre hindi naman maiiwasan na mag-isip dahil siyempre hindi nga naman talaga namin alam kung ano iyon.

Mag-iisang linggo na. Grabe, hindi ko akalain na magkakaganito. I didn't saw this coming. Nung umamin si Deo kay Gwen pagtapos nun, kinabukasan ayun hindi na okay. Iniisip ko tuloy.. may away ba na naganap kinagabihan nun?

"Hayyyy. Home sweet home." - sigaw ni Carlo pagkapasok namin sa bahay.

Kakauwi lang kasi namin.

Ayst, tama na nga ang pag-iisip. Everything happens for a reason at baka mamaya, bukas, sa makalawa malaman ko na yung sagot sa mga tanong ko.

Alam ko namang maaayos pa ito.
--

"Boys, kain na!" - sigaw ko ng maihain ko na lahat ng pagkain na niluto ko sa lamesa.

As usual, ako nanaman ang nagluto para sa dinner. Siyempre, kapag di ako magluluto edi walang kakain? Ako kaya ko naman magluto ng pagkain ko, pero pano sila? Baka mamatay sa gutom tong mga taong to. Tao nga ba? De joke.

Paisa isa na silang dumarating, bakas pa rin talaga sa mga mukha nila na hindi sila okay. Na namimiss na nila ang girls. Well, siyempre alam ko yun. Miss ko na rin kaya sila lalo na siyempre yung lagi kong kasama na si Rustlene. Namimiss rin kaya nila kami? Namimiss rin kaya ako ni Rustlene?

Sa tingin niyo?

Nang makaupo na lahat ay nagsimula na kaming kumain, pero pansin kong para silang walang buhay kung kumain. Ang lamyaaa. Dati naman kahit puno ang mga bunganga eh nagsasalita yang mga yan. Balahura kaya yang mga yan. Eh ngayon halos titigan lang ang plato.

"Hey, food won't eat you unless you eat them." - Wow? Ansabe? Ano raw yun?

Tumingin lang sila sakin. Ang sarap makipag-usap sa hangin. Oo, sobra. Try niyo.

"Alam niyo sana sinabihan niyo akong di kayo kakain edi sana pagkain ko lang ang niluto ko."

Wala pa ring sumasagot.

"Alam niyo, kung namimiss niyo yung girls.. ako rin naman eh. Pero sana isipin niyo na magiging okay rin ang lahat. Wala namang mangyayare kung palagi tayong sisimangot. Kung ayaw nila na lumapit muna tayo edi bigyan natin sila ng space. Malalaman din natin yung mga sagot na inaantay natin. Imbes na magmukmok tayo sa isang tabi edi sana kahit man lang maging okay tayo paminsan." - litanya ko.

"I think Jeric is right, imbes na magmukmok tayo. Maghanap tayo ng libangan, baka hindi mo namamalayan.. okay na pala ang lahat." - Marky said and he smiled to encourage the others.

"Right." - sabay na sambit ni Kristoff at Roby habang nakangiti.

Maya maya pa ay ngumiti na rin paisa-isa ang mga bunsong sina Carlo, Lance at Deo..

"Right. - panggagaya ng tatlo sa sinabi ng dalawa kanina.

At nagtawanan na rin ang iba at nagkagana na kumain, bumalik na yung mood. Mga balahura na ulit sila.
--

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga pinagkainan kanina ay agad akong umakyat dito sa kwarto ko para magpahinga na.

Inaantay kong makatulog ako pero di ako dinadapuan.

Anong oras na oh.

Nakikipag titigan ako sa kisame ng biglang mag ring ang phone ko.

Kinuha ko to sa side table at sinagot habang di tinitignan ang caller, "Yoboseyo?" - ay taray, natutunan ko yun sa google eh.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon