Chapter 49 (Another Threat)

108 6 2
                                    

Kyla POV

Hanggang ngayon ay nawiwindang pa rin kaming girls sa mga kwento ni Christalie.

Eh pano, sila na agad?! That's why Lance is acting strange lately.

Cause he's jealous of Green!

Siyempre, sino nga naman bang di magseselos di ba?

Ay echosera, makapag salita naman ako kala mo di nagseselos si Roby eh.

Ano ba yan, naalala ko nanaman. Miss na miss ko na siya. Di pa rin kasi kami okay.

Kailan kaya kami magiging okay.

Kailangan ko na siguro gumawa ng move, pero paano?

Aysh.

Napatigil ako sa pag-iisip ng, "Ayiiie!!!" Pang aasar nanaman nila kay Christalie.

"Ano yun?" Tanong ko.

Hindi ko narinig eh, bakit ba.

"Ano ba yan, pre-occupied ka naman kasi sis!" Tawa ni Danlex. "Nagkiss daw sila ni Lance eh."

"Hala, omg! For real?!" Sambit ko naman.

Tinignan naman nila ako ng parang ang weird weird ko.

"Late reaction be eh." Natatawang sambit ni Julia.

Sumimangot naman ako.

"Pero nakakatampo ha." Sambit ni Rustlene habang nagdr-drive at napatingin kami sakanya.

Yep, nagdr-drive siya. On the way to school na kami eh. Ang aga aga namin nag-aasaran ano? Hindi ko nga alam kung nakatulog ng maayos si Christalie eh.

"Bakit?" Sabay sabay na tanong namin sakanya.

"Hindi nagpaalam si Christalie na sasagutin niya na eh." Nakapout na sambit niya.

"Di ba nga hindi nanligaw? Ano ba." Natatawang sambit ni Christalie.

"Sabagay. Pero dapat wag kang iiyak diyan ha." Dagdag pa ni Rustlene.

"Ano pa't mga amazona tayo? Sapakin ko siya kapag sinaktan niya ako. Biro lang, edi bantayan niyo muna mga ate kasi liligawan pa naman daw niya ako eh." Ngiti ni Christalie.

"Sus, mata lang ang walang latay." Sabay na sambit ni Julia at Rustlene na nasa harap.

Natawa nalang kami sa mga inasal nila, hay mga napaka protective na ate.

"Haynako, para di na kayo magtampo.. Itr-treat ko nalang kayo. Itigil mo na muna sa malapit na milktea shop. Maaga pa naman." Sambit ni Christalie.

"Eh paano naman kami? Nagtatampo din kami." Biro ni Gwen.

"Ano ba. Sige na, ililibre ko na kayo lahat."

"Ay aba, super blow out?" Natatawang sambit naman ni Michaella.

"Di ah, treat lang. Minsan lang to." Mapulang sambit ni Christalie.

Only if I know, gusto niya lang mag-celebrate sa pagiging official nila ni Lance eh.

I just giggled for the thought.

We immediately moved out from the car the moment it stopped in front of the shop.

Humanap kami ng malaking table dahil siyempre pito kami, di naman kami kasya sa maliit.

Nakahanap naman kami agad dahil wala pa naman gaanong tao dahil maaga pa. Mga estudyante lang din na gumagawa ng assignments and reports or etc.

"Anong gusto niyo?" Tanong ni Christalie.

"As usual." We all said in unison.

Alam niya naman na ang mga favorite namin eh. Ilang taon na kaming magkakasama.

Pumunta na siya sa counter kasama si Gwen.

Siyempre, nangunguna sa pagkain si Gwen eh.

"Naisip ko lang, yung tatlong mga ate nalang ang walang love life. Sa tingin niyo? Kailan sila magkakaroon at sa tingin niyo rin sino?" Sambit ni Danlex na tila nagde-day dream.

Well, she's talking about Michaella, Rustlene at Julia.

Yung mga ate namin. Remember?

"Haynako, kapag dumating edi dumating." Natatawang sambit ni Rustlene.

"Ako para sakin bagay si Mich at Kristoff!" Natatawang sambit ko with matching taas pa ng kamay na tila nagre-recite.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Sambit ni Gwen na nakabalik na pala.

"Kako kasi wala pang love life mga ate natin, nagtatanong ako kung sino sa tingin nila magiging love life nila at kailan."

"Ay si Julia, bagay sila ni Carlo!" Tila nagde-day dream na sambit ni Gwen naman.

"Ay si babe." Natatawang sambit ni Julia. "Lagi akong tinatawag na babe nun eh o kaya kahit anong endearments."

"Anong pakiramdam?" Tanong naman ni Michaella.

"Secret." Sambit ni Julia at kindat pa.

"Echosera ka."

"Ay ako naman!" Pagtataas din ng kamay ni Christalie. "Si Rustlene, bagay sila ni Jeric."

"Friends lang." Nakapout na sambit ni Rustlene.

"Kami rin ni Kristoff eh, friends lang." Sambit din ni Michaella.

"Eh dun naman nagsisimula yun eh." Sabay sabay na sambit nanaman namin.

Natigil ang usapan namin ng dumating na ang orders.

Agad na naming nilantakan ang blueberry, cookies and cream at cheese cake.

Habang kumakain ay napansin namin ang pagtigil ni Michaella habang nakatingin sa labas. Glass kasi kaya makikita mo yung nasa labas.

"Ano yun? May problema ba Mich?"

"Tignan niyo yung babaeng nagtatago sa may gray na kotse. Nakatingin siya satin and I found her so familiar."

And there we saw a girl hiding in a car, naka jacket siya ng black at naka-hood pa. Naka mask pa at masamang nakatingin samin.

It's really hard to identify who she is.

Rustlene is about to stand para sana puntahan yung babae pero tumakbo na palayo ang babae, ang bilis nga eh.

"Hindi maganda ang kutob ko dun. Ang sama ng tingin niya satin. Parang binabantayan niya tayo." Nakakunot noo na sambit ni Julia.

"Aysh. Bilisan na lang natin para makapasok na tayo." Sambit ni Michaella.

"Baka baliw lang." Sambit ko.

"Aysh, iba talaga eh." Kunot noong dagdag ni Rustlene.

"Hurry, it's about time. Shrug it off." Aya na samin ni Danlex na nauna ng tumayo.

Sumunod naman na kami sakanya dala dala ang mga milk tea namin na hindi naubos.

Heading to school..

Tahimik lang kami, siguro iniisip nila yung babae kanina, maski ako.

Who is she?

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon