Chapter 31 (Clean Clean Clean I)

153 6 1
                                    

Marky POV

It's Sunday morning today, as usual wala nanaman kaming gagawin.

Buti nga may nagawa kami kahapon eh, na-enjoy ko naman kahit papaano ang paglalaba laba kasama yung girls.

That's when I saw the other boys really enjoyed their day.

Siguro nga talaga ay malaki ang pinagbago simula ng dumating yung girls sa buhay namin.

Mas naging makulay, mas naging masaya.

Hindi ko maikakaila pero ganun ang naging epekto nila sa'min. Maybe they're meant to cross our lives to make us smile and happy. To make us realize that what we are thinking bout other girls is not true, siguro yung iba lang pero hindi lahat.

Napatigil naman ako sa pagiisip ng, "Hoy Marky! Kanina pa kita kinakausap. Iniisip mo nanaman ata si Danlex!" - sigaw ni Roby sa tenga ko.

"Bat ka ba naninigaw ha?! Ano ba yun ha?!" - bulyaw ko rin sakanya.

"Ano ba kako ang gagawin natin ngayon? Ke aga aga nakaka-boring."

Pinaikot ko ang tingin ko sa bahay namin at, "Maglilinis tayo." - mariin na sambit ko.

Last last week pa kami nakapag linis at bahagyang marumi na ang bahay namin.

Pero para sa isang lalaki, ang bahay na ito.. malinis na to kung tutuusin.

"Ano?!" - sabay sabay na sambit nila maliban kay Kristoff at Jeric na napakibit balikat lang.

"As I have told you, we're going to clean the house." - sambit ko pa nanaman.

Basta usapang linis, nabibingi sila.

"Malinis pa naman ang bahay ah! Iba nalang gawin natin. Sige na." - protesta ni Deo.

"Aantayin pa ba natin na dumumi ng sobra itong bahay bago maglinis? Medyo madumi na, tignan niyo marami rami nang agiw ang nakasabit." - singit naman ni Kristoff.

Tama.

"Pwede bang next week na lang? Oo, nabo-boring kami pero tinatamad kami." - nakabusangot na sambit naman ni Carlo.

"Osige, kung ayaw niyo maglinis. Wag kayong kakain. Kaming tatlo lang nila Kristoff at Marky ang kakain. Hindi pwedeng kumain ang mga tatamad-tamad." - maawtoridad na sambit ni Jeric.

Higit kasi sa siya ang pinaka matanda sa'min ay siya rin ang nagluluto ng kakainin namin kaya walang magagawa ang iba kung hindi sila papakainin ni Jeric.

Parusa nila yun, hindi sila tumulong eh. That's what being fair is.

Napasimangot naman ang apat dahil alam nilang wala silang panalo pagdating kay Jeric, "Sige na nga! Tutulong na nga!" - sabay sabay na sambit nila.

"Hindi namin kailangan ng mga napipilitan. Kung ayaw ninyo, you may leave basta wag kayo uuwi dito para lang humanap ng pagkain." - dagdag pa ni Jeric.

Indeed, siya nga ang pinaka nanay sa'min.

Nginisian sila ni Kristoff na para bang nang-aasar.

"Sabi nga namin, tutulong na kami. Voluntary to!" - nakangiting sambit ni Lance pero halata namang pilit.

Nakakatawa ang mga itsura nila. Pfft, If just Jeric isn't serious this time I'll surely laugh out loud because of their faces.

Nang mapansin ni Roby na nagpipigil ako ng tawa ay agad niya akong sinamaan ng tingin kaya agad akong napatikhim at, "Alright, tama na yan. Let's get started. Para maaga tayo matapos. Nakakahiya sa mga volunteers." - nagpipigil ng tawa na sambit ko pa rin.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon