Chapter 53 (Someone's arrival)

102 6 0
                                    

Deo POV

After the surprise para sa birthday ni Lance ay agad kaming nag martiya patungo sa bahay ng girls, nandun kasi kami naghanda para sa birthday ni Lance.

Siyempre, girls nanaman ang nag-luto. At kami ulit sa kung ano anong designs.

Well, kasama naman ng girls si Jeric na nagluto.

"So, naghanda pa kayo sa bahay ng girls?" Tanong ni Lance na naka-akbay sa girlfriend niya.

"Yes naman brother." Sagot naman ni Roby na nakahawak naman sa bewang ni Kyla.

Jusko, nagkalat ang lovers. Except kay Julia, Carlo, Rustlene at Jeric na hanggang ngayon ay friends pa rin.

Pustahan tayo, magkakatuluyan rin yang mga yan. Magkano pusta niyo oh?

Joke, masama iyon.

"Ah, kaya pala wala kayo maghapon dito."

"Oy, nandito kami! Nasa gymnasium. Naghahanda. Siyempre, di mo alam.. Tulog ka eh. Sinilip ka nga namin, tulo laway ka!" Natatawang sambit ko naman habang magkahawak kamay kami ni Gwen.

Natatawa na rin ang iba maski si Gwen kaya pinisil niya ang kamay ko.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Lance, "Oy. Asa ka naman no! Wala kayang tumulo sa laway ko."

"Tama na muna yan. Well, sigurado naman akong ayaw mag hiwalay ng mga lovers. Kaya naman, Christalie, Lance, Deo, Gwen, Roby, Kyla, Mich at Kristoff dun na kayo sa sasakyan ng boys. While Marky, Danlex, Julia, Carlo,  Jeric at ako ay dun na muna sa sasakyan namin." Mahabang litanya ni Rustlene.

"Eh paano yung bike ko?" Tanong ni Lance.

"Pinauwi ko na kanina." Sambit ni Marky.

"Okay, ciao~" Paalam ni Lance at agad na hinila si Christalie patungong sasakyan.

Kaya sumunod na lang kami.

Nang makasakay na lahat ay sinimulan nang paandarin ni Kristoff ang sasakyan habang nasa tabi niya si Mich.

Wow, relationship goals. Joke.

"Lance, anong wish mo ngayong birthday mo?" Tanong ni Gwen sa tabi ko.

"Gusto ko ngayong birthday ko, si Christalie." Sambit niya habang nakatingin kay Christalie kasabay ng pagbaba at taas ng mga kilay niya na tila ba may iniisip na kalokohan.

I know what he means.

You Lance, so pervert.

"Duh! Ano ba yan, ang dugyot mo!" Hampas sakanya ni Christalie.

Kaya naman nagtawanan ang lahat sa loob ng sasakyan.

"Haynako, Christalie ha! Wag na muna isuko ang bataan!" Natatawang sambit ni Michaella mula sa harapan.

And once again, we burst out laughing.

"Mich naman!" Asar na asar na sambit ni Christalie.

"Oy! Wag niyo naman asarin yung girlfriend ko. Namumula na oh."

Inirapan lang naman siya ni Christalie dahil dun.

"What I mean about that is, you are the best gift I ever had. Ikaw yung pinaka malaking blessing na dumating sa buhay ko." Sambit ni Lance at hinaplos pa ang pisnge ni Christalie.

"Ew!" Sabay sabay na sambit namin.

"Maka-ew kayo ah! Parang wala kayong mga jowa." Bulyaw ni Christalie.

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon