Chapter 22 (Everything is real)

190 11 3
                                    

Michaella POV

"Gumising na kayo!" - malakas na sambit ni Danlex na siya namang gumising samin. Indeed, siya nga talaga ang dakilang alarm clock.

Hindi namin magawang bumangon dahil napaka lamig at pare parehas kaming tinatamad.

"Dali na! Gising na! May pasok tayo!" - dagdag na sambit pa niya.

"Eh kasi naman! Wala naman sigurong gagawin ngayon eh." - nakapikit na sambit ni Kyla.

"Pero dba? Mahalaga ang attendace? Binibilang rin nila yun eh." - tanong ni Danlex.

"Gusto mo lang naman ata makita si Marky." - sambit ko rin na nakatalukbong pa.

"Haynako, bahala kayo. Wag niyo sabihing di ko kaya ginising at mag antay yung boys sa baba, nandyan na sila nag aantay. Sige babye na, mag aasikaso na ako kasi may hiya pa naman ako." - pagpaparinig niya samin.

Teka? Yung boys nandito? Weh?

Sabay sabay kaming napabangon at agad napatingin sa pinto kung san nakatayo si Danlex habang nakangisi.

"Seryoso?!" - sabay sabay na sambit naming anim.

"Oo."

Agad agad kaming tumayo para mag asikaso at naguunahan pa kung sinong unang gagamit ng cr.

"Tignan niyo, ngayon magmamadali kayo? Ngayon aligaga kayo? Kanina ko pa kasi kayo ginigising eh." - sambit ni Danlex.

"Pero totoo? Nandyan sila?" - tanong ni Julia at agad namang tumango si Danlex.

Anong meron? Bat ang aga nila?
--

Jeric POV

Ang aga namin ngayon, jusko. Pareparehas nga ata kaming hindi nakatulog. Eh pano kasi halatang natutuwa kami na hindi na tuloy ang plano. Ano bang meron sa mga babaeng to? Tsk tsk.

Nandito kami ngayon sa loob ng bahay nila Rustlene. Oo, ganun kaaga. Aayain sana namin sila mag breakfast.

Nagulat ako nang biglang tumawa si Carlo, "Feeling ko nagkakagulo sila sa taas."

Naririnig kasi namin yung ingay nila sa taas. Siguro nga nung sinabi ni Danlex na nandito kami nagunahan na sila kumilos.

Hays, pansin ko lang na pare-pareho kaming nakangiti ngayon. Hindi bagay kay Kristoff, labas gilagid.

Kung sumimangot nalang kaya siya? Mas gusto ko pa. Anlaswa eh.

"Ano nga ba kasing meron ngayon?" - I asked.

Sinagot nila ako ng nakangiti at sabay sabay sabing, "Wala naman."

Hays, babatukan ko na talaga tong mga to eh.
--

Maya maya pa ay bumaba na ang girls paisa-isa. Binabati rin naman nila kami ng nakangiti.

Pero lahat sila nagtatanong kung bat ang aga namin, at itong mga timang naman na to ang tanging sagot lang, "Wala naman."

Ayos dba?

Nang makababa at nakaayos na ang lahat..

"Tara boys! Kumain na ba kayo? Kain na tayo." - pag aaya ni Julia.

"We'll take you out somewhere." - maikling sambit ni Marky.

"Huh? Saan naman?" - tanong ni Rustlene.

"Basta, magbreakfast lang naman tayo." - sagot ko.

Napagusapqn na rin kasi namin kanina na ayain silang mag almusal sa labas, at alam na namin kung saan pwede!

Lumabas na kami pero may problema,

Napakamot si Deo sa ulo at, "Hindi tayo kasya sa sasakyan."

"Okay lang. Roby, gusto mo ba umangkas sa motor ko? Mag motor na tayo?" - biglang sambit ni Kyla na siya namang ikinapula ni Roby.

"A-ah.. Oo naman. Pero ako nalang mag drive, please?" - namumulang tanong ni Roby.

Tumango naman ng nakangiti si Kyla, himala at hindi naghamon ng suntukan.

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng may kumalabit sakin.

Si Rustlene pala.

Ngumiti siya sakin at, "Gusto mo, tayo din? Motor nalang."

Agad naman akong tumango at ngumiti sakanya, "Pero ako nalang din mag drive, pwede?"

"Sige ba!"

"So? Sampu nalang ang natira, right? Kukunin ko yung tatlo para apat sa kotse ko at anim sayo, Marky." - sambit ni Julia.

"Sige, kunin mo na si Carlo, Deo at Gwen. Sakin naman sina Danlex, Lance, Christalie, Michaella at Kristoff." - sambit naman ni Marky.

Nag taas naman ng thumbs up si Julia bilang pag sang-ayon.

"Let's go! Gutom na ang dragon sa tyan ko!" - sigaw ni Lance.

Agad naman silang sumakay sa mga sasakyan nila, umalis na ang mga nakakotse at sumunod na rin kami.

Kanina lang ay nakahawak si Rustlene sa balikat ko pero ngayon ay nakakapit na siya sa tyan ko, eh pano ba naman kasi, nabilisan ko. Hehez, sorna.

Pero bat ganun? May kuryente akong nararamdaman? Aish!
--

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.

Isa siyang open ground pero napakaraming bulaklak, kanina papunta dito ay bumili na yung iba ng pagkain tapos may nakalagay naman na kumot sa likod ng kotse ni Marky kaya okay na para sa biglaang picnic.

"Ang aga naman ng picnic natin." - natatawang sambit ni Rustlene habang pababa siya.

Natawa na din ako.

"Ang ganda naman dito!" - rinig kong sambit ni Christalie.

Pumunta na kami paisa isa dun sa nilalatag na ngayon ni Mich at Kristoff.

At nang maayos na lahat ay umupo na kaming lahat.

"Kain na tayo, nagugutom na ako." - sambit ni Gwen pero nakangiti.

Tinignan naman siya ni Deo at, "Sige tara kain na tayo." - habang nakangiti.

Wow, himala. Hindi sila nag away..

Nakatingin lang kami sakanilang dalawa ng.. "Ano na? Kain na!" - bulyaw ni Deo samin.

Kaya natawa naman kaming lahat sa inasal niya.

Habang kumakain ay biglang nagtanong si Carlo, "Girls, tanong ko lang. Friends na ba tayo?"

Nagkatinginan ang girls, pati na rin kaming boys..

Kinakabahan ako sa magiging sagot nila, paano kung hindi?

Eh gusto talaga namin silang maging kaibigan at ayaw nang lokohin pa.

Agad naman nanlaki ang mata nila at halatang gulat at saya ang makikita mo sa mga mukha namin ng marinig ang sagot nila na...

"Oo, friends na tayo." - sabay sabay na sambit ng girls.

Isa isa kaming nakipag kamay at yakap sakanila at binubulong na "friends".

Nag aya ng group hug si Lance at ginawa namin yun.

Habang naka group hug kami ay agad kaming nagtinginan ng mga nakangiti.

Wow, finally.. This is it.

Wala nang halong kaba na baka masaktan ang damdamin nila tungkol sa plano, walang halong kaba na baka umiyak sila ng dahil samin..

Wala na rin yung harang na pumipigil samin na mahulog ang kalooban para sakanila..

Dahil wala na ang plano..

Looking forward to gain some memories with this girls..

Ngayon pa ba na..

Everything is real..
--

[a/n]: Really really sorry for the late update, sabi ko pa naman babawi ako. Busy kasi ako ngayon sa school works ko dahil officer ako at may parating na program this week kaya ayun, pasensiya na. :) Salamat!

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon