Chapter 25 (Review Together II)

206 9 1
                                    

Michaella POV

Katatapos lang namin kumain ng dinner at bumalik na kami agad sa pagre-review. Kailangan namin matapos lahat to. Mahirap na bumagsak kahit sa isang subject lang. Graduating na kami.

Anyways, ang sarap ng dinner. Si Jeric ang nagluto. He's good at cooking.

"Oh, tapos na tayo kumain. Baka naman matulog ka na? Kaunti nalang to at matatapos na tayo." - sambit ko kay Kristoff.

"I'll try not to sleep." - ngiti niya sakin.

Napangiwi naman ako at, "Sure ka bang naiintindihan mo mga nireview natin?" - I asked.

"A hundred percent sure. Kapag ba naperfect ko or matataas ang scores ko papayag ka na ikaw ang tutor ko tuwing exams?" - saad pa niya.

Napaisip ako.. Hmm, papayag ba ako? Papayag nalang ako at baka sakaling pagsikapan niya nga kumuha ng high scores ng dahil dun.

I nodded, "Fine, just be sure to get high scores then I will."

He showed his thumbs up and nodded.

"San na nga ba tayo tumigil kanina?" - buklat ko sa libro ko, nasa Science na kami ngayon.

Patuloy ako sa pagbubuklat ng maramdaman ko ang kamay niya na magbubuklat rin sana para hanapin ang page sa libro ko pero nahawakan niya ang kamay ko.

His hand stayed like that for a minute.

Parang.. parang..

May kuryente? What was that?

"Ugh, sorry. It's in the page 143." - he then flipped the pages to find that page.

Nakatingin lang ako kay Kristoff na ngayon ay binabasa na yung nasa libro. Ano yun? Bat ganun? Bat ganun yung naramdaman ko? Bat kakaiba?

Napatingin naman siya sakin at napaiwas naman agad ako.

Ramdam ko ang pamumula ko.

Ano ba yan.
--

Julia POV

Nandito kami sa veranda ngayon, so refreshing here. Kaunting basa nalang matatapos na! Anong oras na rin kasi.

Bago kami mag review ulit ay nagkwentuhan muna kami ni Carlo.

"Julia, matanong lang. Bakit ang cold mo sa mga hindi mo ka-close? You know, parang dati nung hindi pa tayo close." - Carlo asked all of a sudden.

"Ah, because I'm not that kind of person who interacts oftenly with others. At tyaka, hirap ako magtiwala. Sabihin mo na sigurong hindi ako ganun ka friendly." - I answered and just shrugged.

"So.. parang tyaka ka lang nagiging madaldal kapag alam mong close mo na yung tao?"

I nodded, "When I feel so comfortable with the person who I am talking with."

Tumango rin siya.

"I just have a question, too. Balita ko medyo may pagka playboy ka raw or just lapitin ng girls. Bat parang hindi naman?"

Napangiti siya at, "Yung iba siguro takot sakin, samin. Kasi alam mo naman na di ba. Tapos medyo nabawasan na paglapit lapit ko sakanila kasi may crush ako." - napahagikhik siya ng mahina.

"Ikaw? May crush?" - takang tanong ko.

"Oo, masama na ba? Pero di ko sasabihin sayo." - he then let his tongue out.

Napa pout naman ako, "Ang damot. Pero sige na, enough of chitchats. Let's start reading again."

Kinuha ko na ang libro at magsisimula na sana ng makaramdam ako ng lamig.. humangin kasi.

Napahawak ako sa magkabilang braso ko.

"Are you cold?" - Carlo asked.

Sasagot palang sana ako nang hinubad ni Carlo ang jacket niya at nilagay yun sa balikat ko.

He just smiled.

Why do you have to be like that, Carlo?
--

Jeric POV

Ang lamig naman dito sa garden. Ang sarap sa feeling.

Nag re-review na ulit kami ni Rustlene. Ang galing niya rin magturo. Mas naiintindihan ko yung ibang hindi ko lubos maintindihan nung tinuro ng mga teacher namin. Para kasi silang mga nagmamadali eh.

Nagbabasa na rin ako nang may maisipan akong itanong kay Rustlene, "Psst, masarap ba yung luto ko kanina?"

Napatigil siya sa pagbabasa at napatingin sakin.

Ngumiti siya ng nakakaloko at, "Hindi. Hindi masarap." - she let her tongue out.

Tumayo ako at nginisian siya. Papalapit ako nang papalapit sakanya kaya napatayo na rin siya, "Hindi pala masarap ha." - ani ko.

Tuluyan na siyang tumakbo at hinabol ko siya. Tawa lang kami ng tawa habang naghahabulan. At nang mahuli ko siya ay agad ko siyang kiniliti.

Dahilan para matumba kami sa damuhan. Tawa siya ng tawa.

"Ta-tama na-na Je-Jeric." - ani niya habang tumatawa pa rin.

Tumigil na ako sa pagkiliti at parehas kaming nahiga sa damuhan.

Parehas naming hinahabol ang hininga namin habang nakatingin sa langit. Maraming bituin. Ang ganda.

"Ang ganda at ang dami talaga ng stars." - napatingin ako sakanya nung nagsalita siya. And again, parang pati ang mga mata niya ay nagniningning.

Kagaya nung mga mata niya nung gumawa kami ng project noon.

Mas tumabi pa ako sakanya at bumulong, "Mas maganda at mas nagniningning ka pa."
--

Kinabukasan.

Okay, exam na! On our way to school with the girls. As usual yung iba naka kotse habang kami nina Kyla, Roby at Rustlene ay naka motor.

Nagdala na rin pala kami ng uniforms namin sa bahay nila kahapon nang magpunta kami dun para nga sabay sabay na kami pumasok dahil nag sleep over kami dun.

Anong oras na din kaming natapos lahat na magreview.

Aysh, goodluck samin.

Nang makarating sa school ay agad kaming nagkatinginan, at sabay sabay na "GOODLUCK!" - sambit ng bawat isa.
--

Mabilis natapos ang exam.

That was really stressing. Biruin mo, ilang oras na review lang tapos tatapusin ang exam ng isang araw lang.

What a kind of torture is that.

Isa isa na kaming lumabas dahil paisa isa na rin kaming natatapos.

Nang makalabas ako ay inabutan ko dun ang iba pa, nang makalapit ako ay agad na nakipag apir sa girls at nakipag fist bump sa boys.

Si Gwen, Danlex, Lance at Roby nalang ang kulang.

"Pataasan tayo ng scores kapag checking na ha!" - paghahamon ni Deo sa bawat isa.

"Oo ba!" - sabay sabay na sambit namin.

"Kapag mababa lang score mo Deo, sisipain ko alaga mo." - nakangising sambit ko sakanya.

"Gago, kapag yung sayo naman ang mababa sayo ko gagawin yang sinasabi mo." - sambit niya habang masamang nakatingin sakin.

Nagsitawanan naman ang iba dahil sa paguusap namin ni Deo.

Maya maya lang ay lumabas na ang apat at katulad kanina ay nakipag apir at fist bump kami sakanila.

"Ang sakit sa bangs!" - sambit ni Roby.

"Oh nasan bangs mo?" - tanong sakanya ni Lance.

Nag aalanganin pa siya kung ano ang ituturo niya.

Hays, napaka kulit talaga nitong dalawang to.

"Tara na nga! Meryenda na tayo! Tapos na ang delubyo." - aya na samin ni Marky.

Indeed, tapos na nga ang delubyo.

Bukas na ang student's day! It's time to enjoy! Parteh!
--

OMG! COMEBACK NA GUYSEU! TELL ME, WHO'S EXCITED? WAH! COMEBACK NA NG BANGTAN!!!!

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon