Chapter 27 (Student's Day II)

155 7 0
                                    

Marky POV

Nagiikot-ikot pa rin kami ni Danlex, naghahanap ng pwedeng gawin.

Marami namang pwedeng gawin pero hindi namin trip yung iba.

"Marky, magc-cr lang ako. Pwede ba?" - tanong niya.

"Oo naman, sasamahan na kita. Aantayin kita sa labas."  - tugon ko sakanya.

Tumango naman siya.

Nag antay ako sa labas habang nasa loob pa siya, di rin naman nagtagal at lumabas na siya.

"Tara na?" - tanong niya at tumango naman ako bilang tugon.

Maglalakad na sana kami pero napatigil kami nang may humarang sa'min. Sa pagkakaalam ko, officer to ng school. Yung mga supreme.

"Excuse me? Mr. Ramos, right?" - tanong niya.

"Yep, what do you need?" - I asked.

Pero imbes na sagutin ako ay may bigla siyang nilagay sa tag isang kamay namin ni Danlex, posas.

"What are you doing? And what's this?" - kunot noong tanong ko.

"It's just for fun, para yan sa mga lovers." - nakangiting sambit niya.

"But we're not lovers." - naka taas kilay na sambit ni Danlex, naku nagmamaldita nanaman.

"But you look like one, bawal ang KJ kaya pagbigyan niyo na and besides, kapag tinanggal niyo yan maglilinis kayo ng buong school." - sambit nitong officer.

"Are you serious? Bigla niyo nalang kami haharangin at lalagyan ng posas without our permission tapos kapag hindi pumayag paglilinisin niyo? Wow, what a nice idea." - I sarcastically said.

"Eto naman si Marky, hand cuff lang yan oh." - nakangiting sambit pa nitong babae.

Magsasalita pa sana ako but Danlex already cut me off, "Halika na Marky, i-try din natin at baka maglinis pa tayo. Ayoko na maglinis kagaya nung dati na pinaglinis kami dahil kay Karen." - she smiled.

Ayoko naman na paglinisin si Danlex kaya pumayag na rin ako at umalis na kami.

Almost one day kaming naka ganun at miski sa pag kain namin ganun. Nahihirapan nga kami dahil sa naka posas ang tagisang kamay namin. But our day are full of laughters dahil sa mga fail namin dahil sa hand cuff na to kagaya ng may kukunin siya tapos may kukunin rin ako. Hindi namin tuloy alam kung papano.

Kagaya ngayon, may nakita siyang booth sa kanan at ako naman sa kabila. "Dun tayo!" - sabay naming turo at sambit. Naglakad kami sa gusto naming direksyon which is magkabilaan kaya naman nagkahilaan kami.

"Aray!" - sambit naming dalawa dahil nasaktan kami sa posas dahil nga nagkahilaan kami at magkasalungat pa ang direksiyon na pupuntahan namin. Napabalik kami sa pwesto namin at tinignan ang kamay naming naka posas.

"Masakit ba?" - tanong ko sakanya.

"Oo, pero okay lang naman. Malayo sa bituka." - saad niya ng nakangiti.

Kinuha ko ang kamay niya at pinag siklop ito, "Let me hold your hand for a while para hindi masasaktan ang kamay mo. I don't want you to get hurt." - I said, smiling.

Namula siya sa paghawak ko ng kamay niya at sa sinabi ko pero agad naman siyang ngumiti, "Okay. Thank you Marky."

And I've been holding her hand for the rest of the day with this weird feeling.
--

If They Ruled the World [BTS & Lovelyz FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon