Prologue

3.2K 110 5
                                    

"Ma'am! Can I ask you a question?"

"Yes Melissa, what's that?"

"Bakit po itong tinawag na Vampire's Forest? There's no Vampires naman ah?"

"Melissa, ang mga tao dito ay naniniwala sa mga bampira at minsan ay dito nila nakikita yun. But don't worry guys, matagal ng nawala ang mga bampira dito at safe na ang forest na ito para mag camping."

Maine rolled her eyes, nagpapansin nanaman ang Melissa na yun. Bored na bored na siya at wala naman silang ginawa kundi umakyat sa pesteng gubat upang makarating lang sila sa Vampires Forest upang mag camping.

"Gaga din tong si Ma'am, alam na ngang may lumalabas na bampira dito, dito pa tayo pinagcamping. Talagang gusto tayong mamatay ng tandang yan eh."

"Hush Hillary, marinig ka ni Ma'am."

"Whatever Maine, Vampires? I don't believe in that kind of shits."

Napatigil silang lahat pati sina Hillary and Maine dahil may narinig silang naglalakad patungo sa kanila. Nakaramdam naman ng isang bulong si Maine na mas lalong napatalon siya.

"Ikaw ay akin..."

Napatalon siya at pinagtinginan siya ng kanyang mga kaklase at pinagtawanan naman siya ng Melissa na hindi naman kagandahan at magandang ibaon ng buhay. Tinignan naman siya ni Hillary at sumesenyas na umupo na upang hindi na mapahiya.

"What's wrong Mendoza? You got scared easily. Don't worry baka mga wild animals lang ang mga iyan. Take a seat hija."

She nodded.

--

"Maine! Maine gising!"

"Hillary, please pagod ako."

"Gaga lahat naman tayo pagod kakaakyat sa gubat na to but please samahan mo ako."

"Ano bang gagawin mo?"

"I need to pee, naiihi na talaga ako."

"Hillary, kaya mo na yan."

"Well, for you kaya mo. But duwag ako Maine! Please samahan mo na ako."

Umupo si Maine habang humihikab, tumingin siya sa paligid at lahat ng tent ay sarado na at siguradong lahat ng tao ay tulog na. Tumingin siya sa orasan niya at nakita niyang madaling araw palang. Tumingin siya sa taas dahil may isang uwak na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Nakakatakot naman Hillary, pigilan mo na lang yan."

"Gaga dapat nag baon ako ng diaper sabi mo huwag na!"

Tumayo na sila at lumayo ng kaunti, at baka may makakita kay Hillary na umiihi. Napalingon siya agad dahil para bang may tao na nakamasid sa kanila. Tumingin siya kay Hillary pero nawala na ito.

"Hill? Damn it Hillary lumabas ka na. I have no time for these stupid jokes!"

May nakita siyang nakatayo at tumatawa. Nakaitim ito at hindi niya makita ang mukha dahil sa sobrang dilim at ang buwan lang ang nagbibigay liwanag. Nakalimutan niyang magbaon ng flashlight dahil hindi naman niya alam na hahantong sa ganito.

"Boo!"

"AHH-- Melissa?!"

"Aw, Baby Maine got scared easily."

"Damn it! Nasaan si Hillary?"

"Ayun tumakbo pabalik. She left you because she's scared."

She took a deep breath at sabay na silang bumalik sa may tent habang si Melissa ay tumatawa dahil sa naging reaksyon niya kanina. She just rolled her eyes.

Matagal na siyang binubully ni Melissa dahil nag-aagawan sila upang maging Top 1 pero lagi siyang natatalo at si Melissa palagi ang nagiging Top 1 at si Maine naman ay Top 2.

"Ano bang trip mo Melissa?"

"Nothing, but when I saw you two, tinakot ko kay—"

Nanigas siya sa kinatatayuan niya dahil may nanghila kay Melissa na isang malaking tao na ubod ng puti. Napatili siya at sinundan niya si Melissa pero nawala na lang ito.

--

Napunta siya sa isang batis, hindi niya na alam kung saan siya pupunta kakahanap kay Melissa. But nakita niyang may isang malaking lalaki at nakita niya si Melissa na umiiyak sa takot. She gasp when she saw the guy, may mga pangil ito na para bang kakagatin si Melissa.

"MELISSA!"

"M–Maine! Takbo!"

Pero bigo siya, nawalan ng malay si Melissa habang siya at napako sa kinatatayuan niya dahil nasa harapan niya ang isang malaking tao. Pinagmasdan niya ang mukha nito pero maputi ito at nakangisi.

"Ikaw ay akin..."

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon