8

1.5K 85 18
                                    

Maine

Nakarinig ako ng kalabog sa bandang kwarto ni Athena. Bigla akong napabalikwas dahil nasa labas si Ricardo at may kasamang isang babaeng nakaitim rin katulad niya.

Dali-dali akong pumanik at gayundin si Ricardo at ang babaeng kasama niya. Napatingin siya sa akin at hinawakan ang aking kamay at bigla kaming nakarating sa pintuan ng kwarto ng aking anak.

"Ricardo ano yun?"

"Hindi ko rin alam."

Binuksan namin at nanigas kami sa kinatatayuan namin, dahil may tatlong lalaking lumilipad na walang malay at lahat ng gamit ay lumilipad din at hindi gumagalaw. Habang ang mga mata ni Athena ay naging puti.

"A-Athena..."

Lahat ng gamit ay nagsibagsakan at napatingin sa amin ang aming anak na may halong takot sa kanyang mga mata. At nanginginig pa ang kanyang mga kamay.

"M-Mama....P-Papa.."

At biglang nawalay ng malay at biglang nawala ang tatlong lalaking kanina. Nasalo agad siya ni Ricardo dahil sa kakayahan niyang tumakbo ng mabilis. Habang ako at ang babaeng kasama niya ay naiwan nakatayo sa pintuan.

"G-Ginagamit niya na ang kanyang kakayahan, Kuya."

Napatingin agad ako sa babaeng nasa likod ko. Napakunot noo ako at tumakbo sa tabi ni Ricardo upang tignan ang aking anak. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako— alam kong bampira siya at ang anak ko pero hindi ko alam na may kakaiba pa siyang kakayahan.

"S-Sino ka ba? B-Bakit kasama mo si Ricardo? At sino yung tatlong lalaki?!"

"Ako si Rebecca, ang prinsesa ng Kahariang Vaishyas sa mundo ng mga bampira. At ako ang kapatid ni Ricardo— ang prinsipe at iyong asawa."

"P-Prinsipe?! Ricardo, prinsipe ka?"

"Oo, mahal. Ngunit matagal na akong wala sa mundo namin upang bantayan ko kayo."

Napalunok ako at pinagmasdan ang kwarto ng aking anak. Puro kalat at karamihan ay dugo, kaya nakaramdam pa ako ng kaba baka ay kinagat nila ang anak kaya't nawalan ito ng malay. Pero imposible dahil nakontrol niya ito. May iba pa bang kakayahan ang aking anak?

"S-Sino yung mga lalaki kanina? Ano kailangan nila sa anak ko?"

"Ang mga kasama ni Brielo yun— ang pinaka masamang bampira sa mundo namin. At baka nakarating na rin sa kanya ang balitang mas malakas ang anak mo kesa sa kanya kaya't gusto niya itong gamitin upang masakop ang kaharian namin at ang iba ring kaharian."

"Ngunit nasaan siya? Isa ba siya sa mga lalaking nakita ko?"

"May kakayahang maglaho si Brielo kaya't baka nung ginamit ng anak mo ang kanyang kapangyarihan ay naglaho ito at iniwan ang iba niyang kasama."

"Ngunit naglaho ang mga lalaki kanina, baka may kapangyarihan din sila?"

"Wala, ang bawat isang normal na bampira ay may kakayahang tumakbo ng mabilis at basahin ang isipan mo ngunit iba si Brielo. Ang mga naglalaho lang ay ang mga bampira na namamatay ngunit siya hindi. Kaya niyang maglaho kahit hindi pa naman siya namamatay."

Tinignan ko ang anak ko, medyo namumutla siya kaya't hiniga muna namin siya sa kanyang higaan at pinulot ang iba pang kalat. Lahat ng kanyang libro at punit-punit habang ang mga cabinet ay bali-bali. Ang mga kurtina ay nagusot na din.

"Mahal, patawad dahil hindi ko agad nasabi sayo na prinsipe ako, at may kumakalaban sa atin. At nadadamay pa ang anak natin."

"Naiintindihan ko Ricardo, at wala kang kasalanan. Ginawa mo lang iyon dahil gusto mo kaming protektahan."

"Ngunit may sasabihin lamang ako sayo, Mahal."

"Ano iyon?"

Tinignan niya ako at medyo malungkot ang kanyang mga mata habang ako ay nakakunot-noo dahil hindi na makapag hintay sa kanyang sasabihin.

"Kailangan kong isama ang ating anak sa aming mundo."

"P-Paano ako? Iiwan niyo ako dito? N-Na mag-isa?"

"Napag-isip isip ko na matutulungan kami ng ating anak. May mga kakayahan siyang wala sa lahat ng bampira— may kakayahan siyang igalaw ang mga gamit na hindi hinahawakan. Kaya niyang kontrolin ang panahon, at baka nga kaya niya ring maglaho katulad ni Brielo."

"Gusto kong sumama, Ricardo. A-Ayokong maiwan dito na hindi ko kayo kasama— lalo na at napamahal na ako sayo..."

Napatitig siya sa akin, doon ko lang naalala ang sinabi ko sa kanya kaya't napalaki ang mga mata ko at unti-unti siyang ngumingiti at niyakap lang ako ng mahigpit at hinalikan sa aking noo.

"M-Mahal na mahal kita Maine, alam kong nabigla ka din sa iyong sinabi ngunit hindi kita minamadali— mahal na mahal kita."

Napangiti ako at niyakap siya, nilagay ko ang aking noo sa kanyang dibdib. Kinulong niya ako sa kanyang bisig. Nakaramdam ako ng pagmamahal at pagprotekta.

"Mama...Papa?"

Lumingon kami at natagpuan naming nakangiti siya at halatang kinikilig din kaya't napatawa ako at nilapitan namin siya at hinalikan sa kanyang noo.

"Bakit ganyan ka makangiti, anak?"

"Papa naman, ngayon lang tayo nagkasama-sama na hindi ganito ka-sweet!"

"Sweet?"

"Hay nako Papa, pati ba namang salitang sweet hindi mo alam? Matamis ibig sabihin. Sobrang tamis niyo kaya kanina, may payakap-yakap pa kayong nalalaman!"

Napatawa kami at ginulo ko ang kanyang buhok at napatawa din siya. Napansin ko na nawala na din si Rebecca. Baka umalis na din. Ngumiti ako at tinignan si Ricardo. Mapagmahal siyang ama sa aking anak.

"Mama Papa, bakit hindi pa kayo magpakasal?"

Napalingon agad ako kay Ricardo habang tumatawa at hinalikan niya muna ang noo ni Athena at biglang tumingin sa akin ay ngumiti na nakakaloka. Kaya't napatawa kaming tatlo

Sana ganito na lang lagi...

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon