"So, kamusta ka na? Its been 4 years since I last saw you..."
Matilda smiled at tinignan niya ang binatilyo na nasa kanyang harapan. Sa mga ilang araw na nandirito siya sa Pilipinas, ngayon niya lang naramdaman ang ganitong saya. Nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang kanyang kamay at pinisil ng mahina.
"Athena...I missed you."
"Timothy, my name is now Matilda, Athena is no longer here. I mean, many things has changed. And for sure, your name is not Timothy anymore."
Ngumiti na lamang ito, si Timothy ay natagpuan rin walang malay, noong natagpuan na duguan si Athena ay nakalipas ng 3 oras ay natagpuan rin ang batang si Timothy na parehas na sitwasyon ni Athena. Napagkamalan pa itong magkapatid ngunit lumabas sa tests na hindi sila magkamag anak at isang misteryo kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa. Dahil parehas silang walang maalala, ang kanilang mga pangalan lamang ang natitira nilang ala ala.
"Y-Yeah I forgot, my name is Ace. Ace McCain, isang amerikano ang umampon sa akin, while my Mom is a pure filipina. Pero dito kami nanirahan."
"My name is Matilda Leona Concepcion, my parents are both filipino but we live in London for good, pero bumalik kami dito kasi may kailangan asikasuhin si Dad sa business."
"I'll call you Leo, pero kailangan ko lang ng konting adjustments since nasanay tayo na Athena and Timothy ang tawagan natin sa isa't-isa."
Naputol ang kanilang usapan ng dumating na ang kanilang order. Kumain muna sila bago gumala, ilang taon din silang di nagkita. Nagkabungguan sila kanina habang papunta sa cafè at namukhaan siya ni Timothy, at namukhaan rin siya ni Athena kung kaya't iniaya niya ito for lunch. Naging matalik na magkaibigan sina Athena at Timothy, habang nasa bahay ampunan sila at hinding hindi sila mapaghihiwalay nino man. Kung kaya't sobrang dinamdam ni Timothy ng malaman niya na mawawalay na sa kanya ang pinakamamahal niyang si Athena.
"By the way, dito ka ba mag-aaral for college? Kung dito, saan?" Ace asked.
"Southwood University---"
"Are you serious? Doon ako nag-aaral! Small world, mi amor." Ace said while wiggling his eyebrows making Tilly laugh. Ace/Timothy used to call Athena 'mi amor' when they were still a kid.
"Actually, mamaya ako mag eenroll, would you mind kung sasamahan mo ako?"
"Sure Athena--Leo, I'll accompany you, baka maligaw ka pa, SWU is a big school."
Napatigil sila sa kanilang kwentuhan ng makita niya ang kanyang Daddy na si Frederick na may kasamang babae na halos kaedad niya lamang, halos manginig ang kanyang laman loob sa galit ng makita niyang naghalikan ito. Nabitawan niya ang hawak niyang kubyertos, at halos lahat ng mga tao na nasa restaurant ay napatingin sa kanya. Agad siyang yumuko at kinuha iyon, unti unti siyang tumingala at nakita niya na ang kanyang Daddy ay nakatingin na sa kanya ngayon, at halatang gulat rin.
"Ace, let's go."
"W-What? Why? Hindi pa tayo tap--"
"I said let's go!"
At dali dali silang lumabas ng restaurant, at hindi man lang nasuklian ang kanilang bayad, at unti unting tumulo ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Sa hindi inaasahang tao, sa taong hindi mo inaasahang magagawa ang mga bagay na iyon, halos hindi niya matanggap ang mga pangyayari.
--
On the other side...
Tatlong araw na naninirahan sina Maine, Ricardo at Rebecca sa isang munting bahay, si Rebecca ay nakahanap na agad ng trabaho dahil sa katalinuhan nito, at napagdesisyunan ni Maine na magiging guro siya sa isang eskwelahan. Magiging Professor siya, habang si Ricardo ay hindi pa nakakapag desisyon kung ano ang uunahin niya, ang paghahanap sa anak o paghahanap ng trabaho.