MAINE
Nakalipas ng isang taon...
NAPATINGIN ako ngayon kay Rebecca na nakangisi habang may tumutulong mga dugo mula sa kanyang ilong. Araw araw na kaming nag eensayo upang paghandaan ang nalalapit na digmaan. At isang taon na ring nawawala ang aking pinaka mamahal na anak, mula ng araw na iyon ay hindi ko na kilala ang aking sarili, para bang ginagawa ko na lamang ang lahat na ito para sa Kahariang Vaishyas, ngunit may kakatiting na porsiyento na alam ko na nabubuhay pa ang aking anak na si Athena.
Isang taon na akong naninirahan sa mundo ng mga Bampira, isang taon na rin naming hinahanap si Athena. Aaminin ko, nagbago ang aking pakikitungo kay Ricardo simula nang nawalay sa akin ang aking anak. Kumbaga sa kanya ko isinisi ang lahat, ang pagkawala ni Athena, ang pagka wasak ng aking buhay, lahat ng ito, hindi na ako masaya. Gusto ko lang ay mahanap ang aking anak. Si Athena, hanggang ngayon ay nangangarap parin ako na buhay parin si Athena, kahit imposibleng buhay pa ito. Tuluyang nawala na parang bula si Brielo at ang mga ka-wala nito, kasabay ng pagkamatay ng aking anak.
"Mahal..."
Napalingon ako at nakita ko si Ricardo, pawis na pawis at halatang kakagaling lang maghanap mula sa kagubatan. Hinahanap niya parin si Athena kahit ang iba naming kawal ay sinukuan na kami sapagkat naniniwala sila na wala na talaga ang aming anak, na napaslang na talaga siya ni Brielo.
"Mahal, magpahinga ka muna. At magpalit ka rin ng iyong damit, puro pawis ka na..."
Ngumiti siya at bago siya magpalit ay hinalikan niya ang aking labi at napangiti kaming pareho, oo inaamin ko, isinisi ko lahat kay Ricardo ang mga pangyayari, ngunit nagising ang aking diwa at napag isip-isip ko na hindi niya rin ito kasalanan, na isa lamang ito sa mga problema na kailangan naming lagpasan. Naging matatag kami, mas lalo naming minahal ang isa't-isa.
"Mahal, kapag nahanap na natin si Athena ay papakasalan na kita. Maine, mahal na mahal ko kayo, mahal na mahal, kaya huwag kang susuko, sapagkat ikaw na lamang ang natitira kong inspirasyon, ang natitira kong lakas. Kayo ni Athena, nangangarap parin ako na buhay pa nga siya..."
"R-Ricardo, buhay pa si Athena... Nararandaman ko na buhay pa nga ang ating anak. Ang nangangako rin ako na hindi ako susuko. Pareho tayong lalaban..."
Pareho kaming ngumiti sa isa't-isa at napansin namin na nagliligpit na pala ng mga gamit si Rebecca, senyales na tapos na ang aming ensayo para sa araw na ito.
"Kuya...Ate, maski ako ay nararandaman na buhay pa nga ang aking pamangkin, ngunit napag-isip isip ko na kung hindi natin siya mahanap hanap sa mundo ng mga Bampira, may posibilidad kaya na ipinatapon siya sa mundo ng mga Tao?"
Napatigil ako at napatingin kay Ricardo, pati rin siya ay napatigil sa sinabi ni Rebecca. Isang taon na namin hinahanap si Athena ngunit ni isang ebidensya na nandito siya ay wala kaming mahanap...
"Isang taon na natin hinahanap ang aking pamangkin, ngunit hindi ibig sabihin non ay patay na siya... Ang damit na puro dugo ay hindi sapat na ebidensya na pinaslang nga siya ni Brielo..."
Napatango ako, may punto si Rebecca, gumaan ang aking pakiramdam sa mga salitang ibinitawan ni Rebecca, mas lumakas ang aking loob, at mas nararandaman ko na buhay pa nga si Athena...
"Rebecca, ibig sabihin ba niyan ay babalik tayo sa mundo ng mga Tao?"
Unti unting tumango si Rebecca, at ngumiti siya. Ngunit sa pagkakaalam ko ay mas mabilis ang takbo ng oras sa mundo ng mga Tao kumpara sa mundo ng mga Bampira...
"Ngunit kapatid, ang isang taon sa mundo ng mga Bampira ay katumbas ng limang taon sa mundo ng mga Tao."
Limang taon...limang taon?! Napalunok agad ako at napatingin kay Ricardo, mas mabilis nga ang takbo ng oras sa mundo ng mga Tao.
"Tama ka Kuya, kung doon nga napatapon o naninirahan si Athena ay tiyak na dalaga na siya... Dalaga na si Athena."
"18...labing walo taong gulang na si Athena."
Halos mapaiyak ako, sa tuwa? Hindi ako sigurado, kung nandoon nga si Athena sa mundo ng mga Tao ay tiyak na dalagang dalaga na siya, napaka gandang dalaga na ang aking anak.
"Babalik tayo sa mundo ng mga tao, aking kapatid..."
Napangiti ako habang pinagmamasdan si Ricardo. Malaki ang tiyansa na buhay pa nga si Athena, at sa mismong araw na ito ay hahanapin namin siya. Hahanapin namin ang aming anak...
--
After 5 years....(Mundo ng mga Tao)
Tangina.
Tangina talaga, fuck them. Fuck those fuckers. Wala talaga silang magawa sa buhay kaya pati buhay ko pinagtitripan. I immediately get my electric guitar and left the cafè. I roll my eyes in annoyance, fuck everything, fuck me, fuck them.
I am Tilly, it wasn't my real name, my real name is Athena, and I am adopted piece of shit. Ang tanging naaalala ko lang ay ang pangalan ko, yes, pangalan ko lang. I was found in the middle of nowhere, wearing a white silk, my face and my hands were covered with blood except for my silky dress, weird right? And yes that was 5 years ago, I only know my name but all my memories were gone. And I think, the police said mas maganda kung irereport ito sa TV but no one came! Walang nakakakilala sa akin, even friends or relative, wala!
Then a couple, rich married couple adopted me, and we moved here in London, and dito na kami nanirahan, for good. And they even changed my name into Matilda Leona Concepcion, ang unica hija ng mag asawang Katherine at Frederick Concepcion.
And unfortunately, nandito na ako sa Philippines, and just because the people don't know me ay pagtitripan na nila ako, kakabalik ko lang sa pinas after 4 years. I chuckled, yeah It's not fun, actually. I want to go back to London dahil may mga bagay pa akong dapat aasikasuhin.
"Fred, I already told you, huwag ka ng mag-adopt. Look at Matilda! You're raising a rebel, not a woman, papaano niya aasikasuhin ang magiging negosyo niyo one day?!"
"Mom—"
"Ni minsan hindi ko nagustuhan yang ampon mo, Fred. She's nothing but trouble..."
"But we love her, Mom. Desisyon namin to ni Kath, kung may mangyari man edi mangyari, she's just being herself, and I told you naman diba, hindi ka namin pinipilit na mahalin niyo rin pabalik si Tilly."
I roll my eyes, pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, yang bruhilda kong Lola ang sasalubong sa akin. Eh I never like her rin naman, panget kaya niya, she must be thankful I'm not a psycho, a monster or even a vampire, kung isa man ako sa tatlong yan, for sure she'll be dead.
I am Matilda, but you can call me Tilly. 18 years old, and I am nothing but trouble.
Itutuloy...