3

1.3K 89 9
                                    

Maine

Simula nung nakita ko siya doon sa Kitchen. Nagbago na since ngayon. Masyado na siyang iwas sa akin, kapag umuuwi na siya galing sa school kakain lang siya tyaka hindi na masyadong madaldal. Nagkukulong siya sa kwarto niya.

Napatingin ako sa pintuan dahil kakauwi lang niya, I took a deep breath at nilapitan siya. Pero umiwas agad siya at ngumiti ng kaunti.

"Athena, may problema ba?"

"Wala 'Ma, akyat lang ako."

Tumingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin pero pinagpatuloy niya ang pag akyat sa stairs at iniwan lang ako. Baka may problema ang anak ko kaya minsan iwas siya. Pero kapag may problema siya lumalapit siya sa akin. Pero iba ngayon, hindi niya na minsan ako kinakausap.

Nakatingin ako sa isang lasagna na nakahain sa may lamensa. Napangiti ako, ibibigay ko ito sa kanya kasi mahilig siya dito.

--

Athena

Gutom na gutom na ako.

Hindi pagkain ang kailangan ko, kundi dugo. Ewan ko kung anong nangyayari sa akin, kapag hindi ako nakakainom ng dugo ay nanghihina ako, parang hindi ako nakakahinga at parang namamatay ako. Alam ko naman na kapag sinabi ko ito kay Mama ay hindi naman niya maiintindihan ang sitwasyon ko.

Tumingin ako sa ilalim ng kama, and may nakita akong isang plastic. Kinuha ko ito at muntikan ko ng maihagis ang laman nun.

"Ba't may dugo dito?"

I ask myself, pero napatawa na lang ako kasi gutom na gutom na talaga ko. Sinipsip ko at parang sarap na sarapan ako. Napapikit ako kasi unti-unti akong sumisigla. Para bang nagkakaroon ako ng energy.

Napatigil ako, parang may nakatayong tao sa likod ko, unti-unti akong humarap at may isang lalaking nakaitim at napaatras ako, nakatawa lang siya at nakatingin sa akin. Nanginginig ako at para bang gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa kasi parang may pumipigil sa akin.

"Athena..."

"S-Sino ka?"

"Anak..."

"Don't touch me! Or I'll scream."

Tumawa lang siya pero nakakatakot ang tawa niya, parang may gagawin siyang masama. Unti-unti siyang lumalapit sa akin pero hindi ka makahalaw. Para bang nanigas ang buong katawan ko, at hindi rin ako makapagsalita.

Inakap niya ako, pero unti-unti akong nahihilo at lumalabo ang mga mata, may sinasabi pa siya pero wala na akong marinig dahil hilong-hilo na ako.

Hanggang sa mawalan ako ng malay.

--

Maine

Habang nagpeprepare ako ng lasagna para kay Athena ay nakarinig ako ng kalabog. Para bang may nahulog, kaya dali-dali akong umakyat.

Nadatnan ko si Athena na natutulog sa may kama, at nakakumot pa, nilapitan ko siya at napangiti, baka guni-guni ko lamang yun. Hinawi ko ang ang kanyang buhok na nakatakip sa kanyang mukha. Napatigil ako.

May dugo...

Napatayo ako, tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa kanya pero wala namang dugo sa katawan niya pero puro dugo ang bunganga niya hanggang sa leeg, para bang kumain ito.

Ginigising ko siya at nangmaidilat niya ang mata niya, napangiti siya sa akin, habang ako naman ay nakatingin parin sa kanyang bunganga na puro dugo.

"Anak, ano ba kinain mo? Ba't may pula? Dugo ba yan?"

"H-Ha? W-Wala to 'Ma, baka nagdugo nanaman ilong ko habang natutulog."

Napailing lang ako, dahil hindi naman sa ilong nanggagaling ang dugo kundi sa bunganga niya mismo. Kinuha ko ang towel ko at ipinunas sa kanyang bunganga hanggang sa leeg.

Napatigil ako sa pagpupunas dahil nakita kong may tinitignan sa likod ko si Athena, mukha siyang natatakot at ang mukha niya ay para bang takot na takot.

"Mama, s-sino yung nasa likod mo?"

Napatingin ako sa likod, at napatalon ako sa kama ni Athena, napaakap sa akin ang anak ko, bakit siya nandito? Ano ba pakay niya sa aming mag-ina?

Ang lalaking nakaitim.

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon