Limang araw na nakalilipas...
Halos mapaiyak si Athena sa hapdi ng mga sugat ng kanyang natamo matapos siyang manglaban at tumakas sa kaharian kung saan naghahari ang napaka walanghiyang bampira sa mundong kanyang pinanggalingan, si Brielo. Walang awang binugbog ang bata at pinagsasaktan at pinipilit na sumama sa kanya at talikuran ang kanyang mga magulang at ang kanyang kalahing mababait na bampira. Ngunit sa pagmamahal ni Athena ay nanglaban siya kaya't ngayo'y nasa isa siyang madilim na lugar kung saan siya'y nagpapahinga at hinihilom ang sariling mga sugat.
"Hindi ka ba napapagod?"
Pag-angat ng kanyang ulo ay nakita niya ang batang si Timothy, ang dahilan kung bakit siya naroroon ngayon, halos maging pula ang mata ni Athena sa sobrang galit na naramdaman niya. Ngunit napansin niyang malungkot ang batang si Timothy at tinabihan pa siya at umupo.
"Anong ginagawa mo dito?! Masaya ka na?! Malapit na akong mamatay dito, ang galing ng palabas mo, at talagang umiiyak ka pa, ipapahamak mo lang pala ako.."
"Patawarin ko ako mahal na prinsesa, ako'y napagutusan lang, lumaki kasi ako na walang nagmamahal sa akin, halos kasuklaman ako ni Ama, at ipinangako ko sa aking sarili na lahat ay gagawin ko upang mahalin ako at tanggapin ako ni Ama—kahit masama na ang aking ginagawa, basta't tanggapin lang niya ako..."
Mangiyak-ngiyak na sambit ni Timothy at yumuko na lang at pinipigilang umiyak sa harapan ng prinsesa, nakaramdam ng awa si Athena, talagang nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ni Timothy, at nararamdaman din niyang mabait ito kaya't ngumiti ito kahit kitang kita sa mukha ni Athena ang mga pasa at dugo sa kanyang mukha.
"Timothy, pinapatawad na kita, alam ko kung gaano mo kamahal ang iyong Ama, at alam ko na lahat gagawin mo para lang sa kanya, kahit alam mong nakakasakit ka na ng iba. Ngunit hindi mo kailangan gawin ito, alam ko na may iba pang paraan upang mahalin ka ni Brielo..."
"S-Salamat mahal na prinsesa, totoo nga ang sinasabi ng ibang bampira, sobrang bait mo talaga..."
Ngumiti ang dalawang bata at hinawakan ni Athena ang kamay ni Timothy at pinisil ito at binitawan din, at doon naramdaman ng batang si Timothy na may magmamahal din sa kanya, dahil ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan— at si Athena pa iyon. Ang pinakamamahal na prinsesa ng Kahariang Vaishyas.
Ngunit biglang naglaho si Timothy, nakita niya na lamang na nakahandusay ang bata na para bang sinaksak.
At ang huling naramdaman ni Athena, ay isang matalim na bagay ang sumaksak na kanyang tagiliran, kadahilanang napabagsak siya sa lapag.
--
MAINE
Halos mapasigaw sa ako sa sakit na nararamdaman ko, gusto ko nang bumalik ang anak ko, at lahat ay gagawin ko upang maibalik lang siya ng buhay. Naramdaman niyang may yumakap sa akin at napatingin ako, si Ricardo, hindi siya nakangiti ngunit makikita mo ang sakit at galit na nararamdaman niya. Limang araw na nakalilipas simulang mawala ang anak namin, limang araw na rin kaming nangungulila sa kanya. Halos mabaliw ako sa lungkot simula nung mawala si Athena. Miss na miss ko na ang anak ko.
Miss na miss ko na ang baby ko."M-Mahal, huwag ka ng umiyak, pangako ko na makikita natin ang ating anak. Maiuuwi natin siya ng buhay at walang sugat. At kapag nangyari yun pangako ko na hindi ko na hahayaang lumaban pa kayo, isa itong maling desisyon, sana ako na lang ang bumalik, sana ako nalang ang kinuha nila at hindi ang ating anak. Alam masakit para sayo ang mga nangyayari ngayon. Kaya't kapag nakuha na natin si Athena? Ibabalik ko na kayo sa mundo mg mga tao, ako na lang ang makikipag laban. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo, mahal na mahal kita Maine."
Napangiti ako at hinalikan siya sa labi at niyakap pabalik, ngunit hindi. Hindi ko hahayaan na si Ricardo naman ang mawala, lalaban ako, lalaban ako para sa aking anak. Kahit kapalit man nito ang aking buhay, basta't mabuhay lang ang aking anak—ang aming anak. Mahal na mahal namin si Athena, at sana kung nasaan man siya, sana'y ligtas siya at pinapakain. Sana hindi siya sinasaktan. Dahil kapag sinaktan niya ang aming anak, ipataramas ko sa kanya ang impyerno.
"Mahal na prinsipe! Magmadali! At may nakita kami sa harap ng pintuan ng palasyo!"
Halos lumipad na kami ni Ricardo sa bilis ng aming pagtakbo, at nadatnan namin ang isang damit, isang damit na hinding hindi ko makakalimutan. Halos mapaupo ako sa sakit na naramdaman ko, halos pumatay ako ng tao sa galit na naramdaman ko. Ngunit nahawakan agad ako ni Ricardo.
Nakita ko ang huling sinuot ni Athena bago pa man siya nakuha.
Ang isang itim na damit, na punong puno ng dugo, na parang walang awang pinagsasaksak. Puro dugo. Ngunit may isang papel na nakalagay at binasa namin iyon.
Patay na ang pinakamamahal niyong anak, at kayo naman ang isusunod ko.
— Brielo
--
Sorry po kung ngayon lang ako nakapag update, halos magdadalawang buwan na rin, talagang marami lang talagang ginagawa, at dahil summer na baka makapag ud na rin ako sa iba kong stories and salamat po sa pagbabasa, isa po kayo sa mga inspirasyon ko kung bakit ko ipinagpapatuloy ang istoryang ito at syempre inspirasyon ko rin ang MaiChard, mahal na mahal ko yung dalawang yun eh.