Maine
Napabuntong hininga na lamang ako, hindi ko alam kung papayag ba ako na isama si Athena kay Ricardo kahit may tiwala ako sa kanya. Nakakaramdam kasi ako na baka malagay sa peligro ang mag-ama ko.
Hindi ko kayang mawala silang dalawa. Lalo't nang malakas ang kalaban, ngunit may tiwala ako na kayang-kaya nilang talunin ang mga masasamang bampira na yun.
"Malalim ata ang iniisip mo, Maine?"
Biglang sumulpot sa aking harapan ang kapatid ni Ricardo na si Rebecca. Nasa kwarto kasi sina Athena at Ricardo upang bantayan ang aming anak na matulog. At baka bumalik ang mga lalaki.
"Kailangan bang isama ni Ricardo ang anak namin?"
"Siya lang ang solusyon sa aming problema. May ibang malalakas na kapangyarihan ang iyong anak, at mas makapangyarihan siya."
Napalunok ako habang tinitignan siya. Baka malagay ang anak ko sa madamang piligro. Hindi ko makakayanan yun. Mahal na mahal ko si Athena, yun nga lang ay hindi ako banpira at wala akong ganong lakas upang labanan ang kapwa bampira.
"Alam ko ang iyong iniisip, Maine. May isa pang solusyon kung gusto mo talagang sumama sa aming mundo."
"Ano yun? Please sabihin mo na sa akin. Hindi ko kaya mawalay si Athena sa akin."
"Magpakagat ka sa aking Kuya."
--
Athena
"Papa, kamukha ba kita?"
"Nak, ilong pa lang. Kamukha na kita."
Tumawa na lamang ako at niyakap ako ni Papa ng napakahigpit at napapikit na lamang ako. Ganito pala ang pakiramdam na mayakap ng isang ama. Matagal ko na ito inaasam na mangyari at ngayon ay matutupad na. Dati inaasam ko lang na sana ay makumpleto kaming tatlo, at ngayon ay natupad na rin.
"Papa, I love you."
"Mahal din kita anak, mahal na mahal ko kayo ng iyong ina."
"Papa, pakasalan mo na kaya si Mama. Alam ko naman na mahal ka din ni Mama eh, yiee—"
"Anak, ano ba ang iyong pinagsasabi? Ginagamit mo ba ang iyong kapangyarihan upang malaman ang aming nararamdaman sa isa't-isa?"
"Papa, kahit wala ka namang kapangyarihan malalaman mo iyon. Yung bawat tingin niya sa iyo. Ang lalim, napaka lalim. Intindihin mo ang bawat titig niya sa iyo. Doon mo malalaman."
"Athena..."
"Papa, alam ko naman na masamang mangialam sa mga nararamdaman ng ibang tao diba? Pero alam ko naman na mahal ka din ni Mama eh."
Napangiti na lamang si Papa sa aking sinabi. Bakit ba? Yung tingin kasi ni Mama kay Papa iba eh, mapa-teleserye ang tingin. Parang natutunaw si Papa, kaya nga ako kinikilig eh. Parang teenager kung umasta ang dalawa—hello! May anak na kaya sila at ako yun! Mga pabebe eh.
"Papa, bakit noon ayaw mong magpakilala tuwing dinadalhan mo ang ng dugo sa ilalim ng kama ko? Kaya minsan nakakatakot ka din eh."
"Kasi alam kong hindi pa tamang oras upang magpakilala saiyo."
Hinawi ni Papa ang aking buhok at hinalikan niya ako sa aking noo. Dahan-dahan siyang tumayo ang umalis, sumilip lamang siya ng kaunti at ngumiti ng matamis. Kumaway lamang ako at nagbasa na ng aking mga libro.
--
MaineNandito ako ngayon sa sala at nagbabasa ng mga magazine. Hindi ko naramdaman na nasa harapan ko na pala si Ricardo, dahan dahan kong ibinaba ito at hinarap siya at ngumiti.
Tumabi siya sa akin at hinalikan ang aking pisngi, at tinitigan. Gusto ko man siyang kausapin ngunit gusto ko rin makipag titigan sa kanyang magagandang mga mata.
"Maine, aking asawa..."
"Ricardo..."
"Nararamdaman kong may nais kang sabihin, mahal?"
Ako'y biglang kinabahan. Oo nga pala, nararamdaman at nababasa niya ang aking isipan dahil hindi siya pangkaraniwang tao, isa siyang bampira.
"K-Kailangan daw isama ang aking anak sa inyo, Ricardo alam mo namang hindi ko kaya mawalay ang aking anak."
"Maine..."
"Araw-araw akong mag-aalala kung babalik pa ba kayo o hindi na. Ayun ang aking ikinakatakot."
Niyakap ako ni Ricardo, napangiti na lamang ako. Nanggigilid ang aking mga luha, na may halong pagmamahal at kaba. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko kay Ricardo.
"Ricardo, alam ko ang isang paraan upang maisama mo rin ako."
"Maine..."
"Kagatin mo na din ako Ricardo..."
"Maine huwag ako..."
Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Pumikit ako ng mariin upang hindi masyadong masaktan sa pagkagat niya sa akin.
Ngunit imbis na kagatin ay idinampi niya ang kanyang mga labi sa akin. Hanggang sa lumalim ng lumalim na lumalim ang bawat paghalik.
Hanggang kami'y nahulog sa isang pangyayaring kanabik-nabik...
--
Sorry for the late update, priorities po kasi hehe. Yung exams and tadaaa sembreak na namin! Hope you like my update! Lovelots.