Athena
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha, tumingin ako sa paligid. Mukha may naiba, parang may naiba. Napaka tahimik, walang gumigising sa akin. Baka nagising lang ako ng maaga? Bumangon ako at tinignan ang orasan sa aking bandang tabi.
10:30 am
Napatigil lamang ako, ginigising na ako ni Mama bago mag 8:00 am pero bakit hanggang ngayon ay hindi niya parin ako pinupuntahan sa aking kwarto? Baka tulog pa siya. Ngunit maaga siyang nagigising, kung hindi man siya— si Papa ang gumigising sa akin. Ngunit wala silang dalawa. Tumakbo ako palabas at wala man lang kaamoy-amoy ang aming bahay. Sa gantong oras ay nagluluto na si Mama ng umagahan. Ngunit bakit wala? Dahan dahan akong pumunta sa harapan ng pintuan ng kanilang kwarto. Baka nandito silang dalawa. Binuksan ko iyon at sumilip.
Napatakip ako ng aking bibig, dahil baka ako'y mapasigaw. Nakita ko si Mama na natutulog at katabi si Papa na nakatitig lang sa kanya habang nakangiti. Parehas silang nakahubad at tanging kumot lang ang nakatakip sa kanila. Harot. Napangiti ako, baka magkakaroon ako ng panibagong kapatid? Excited tuloy ako! Dahan dahan akong umatras ng umatras hanggang mapalayo ako. Ngunit parang may nakatayo sa aking likod? Humarap ako at doon ako nagulat.
"P-Papa!"
"Anong ginagawa mo sa harapan ng aming pintuan, anak?"
"A-Ahh, gigisingin dapat si Mama. P-Pero napasarap ata ng tulog..."
Nakadamit na siya ng ganoon kabilis, nakaitim parin, inismiran lamang ako ni Papa at nakatitig sa akin. Uh oh... So alam niya na nasa harapan na ako ng pintuan kanina pa?
"Papa, ano pong ginawa niyo ni Mama?"
"Huwag mo ng alamin, anak."
----
Maine
Nagising ako dahil may tumatapik ng aking pisngi, ngunit naramdaman ko na lang na may humahalik sa aking mga labi. At dumilat ako at nakita ko si Ricardo, sobrang lapit ng aming mga mukha. Nakangiti siya at tangkang halikan ako muli ngunit umiwas ako.
"Umagang-umaga Ricardo."
"Tanghaling tapat na mahal ko, at ang pagkakaalam ko ay hindi pa kumakain si Athena."
Doon agad ako napabalikwas, dali-daling dinampot ang mga damit mula sa lapag at nagbihis na sa banyo. Hindi pa pala ako nakahanda ng umagahan. Baka gutom na ang aking anak, dali-dali din akong nagtoothbrush. Napahinto ako nung naalala ko ang mga pangyayaring naganap kagabi. Doon ko naramdaman na minamahal pala ang isang babaeng katulad ko. Mahal ako ni Ricardo at alam kong hindi niya ako iiwan.
Lumabas na kami ni Ricardo sa aming silid at nakaamoy ako ng may nagluluto, nagkatinginan kami ni Ricardo at bumaba, nadatnan naming nagluluto si Athena ng agahan. Hindi pa niya ito ginagawa kasi umaga ako naghahanda ng agahan. Ngayon lang talaga ako tinanghali ng gising dahil may nangyari nga sa amin kagabi.
"Athena?"
Saad ni Ricardo habang pinagmamasdan ang aming anak na ngayon ay naghahain ng mga pagkain. May sinangag, tocino na may kamatis na may suka. Tapa at bangus.
"A-Anak, ikaw nagluto?"
Tumango lamang ito at ngumiti ng malungkot. Hindi niya kami pinansin ngunit pinagpatuloy niya lamang ang paghahain ng mga pagkain at pinggan.
--
Naiwan sa sala si Ricardo habang ako ay papunta sa kwarto ni Athena upang kausapin, kanina pa kasi siya parang matamlay, parang may dinadalang problema na ayaw sabihin sa akin.
Binuksan ko ang kanyang pintuan at nadatnan ko siyang nakaluhod sa altar, madilim ang paligid, ang sinag lamang ng araw ang nagbibigay ilaw sa kanyang kwarto. Nadatnan ko siyang nagdadasal.
"Kayo na po bahala kay Mommy kapag umalis kami ni Papa dito. Hindi man ako normal na tao na katulad ng iba, alam kong may dahilan po kayo kung bakit ako naging ganito. Bantayan niyo po si Mommy habang wala kami ni Papa dito, alam ko pong malulungkot si Mama kapag umalis kami pero para naman ito sa mga kauri namin. Kung mamamatay man ako, kayo na rin po bahala sa akin, inaasahan ko na sasalubungin niyo po ako. Kayo na rin po bahala kay Mommy kapag nawala na po ako, she's everything and she's my hero, and she will always be special to me. Kayo na rin po bahala kay Papa, At the end of the day I love them regardless of how much we argue, or whatever we go through, because I know they'll always be there. Life hasn't always been fair, sometimes it has been very mean. I fell down along the way, I got wounds that couldn't be seen. But through it all Mommy never left my side, her constant love is the reason my tears have finally tried. K-Kayo na rin po bahala kay Papa, kahit sa sandaling panahon, pinaramdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Kung mawala man ako, alam kong everything's worth it.
...kasi alam ko naman pong mamamatay din ako sa huli."