11

1.1K 84 11
                                    

"R-Ricardo...isama mo na ako, ayokong mawalay sa inyo. Ayokong mawalay sa anak ko, ayoko siyang mapahamak..."

Pinahid ni Ricardo ang mga natitirang luha na lumalabas sa aking mga mata. Niyakap niya ako ng mahigpit at paulit-ulit na binubulong na mahal na mahal niya ako, na poprotektahan niya ang aming anak na si Athena. Pero alam kong hindi pa iyon sapat na dahilan upang makampante ako na nasa maayos na kalagayan ang aming anak. At siya rin.

"Babalik kami, mahal ko...babalik kami ni Athena. Hinding-hindi namin ikaw iiwan...."

"Ricardo...hindi pa iyon ang sapat na dahilan upang makampante ako, hindi pa dapat na dahilan upang magtiwala ako na nasa maayos kayong kalagayan. Nag-aalala din naman ako, para sa anak natin at para na rin sa iyo. Intindihin mo naman ang sitwasyon ko Ricardo...isama mo na ako."

Gusto kong sumama hindi dahil gusto kong maging isa sa kanila, pero para mabantayan ang mag-ama ko. Napamahal na sa akin si Ricardo, binigyan niya ulit ng rason upang mabuhay ulit dito sa mundo, kahit hindi siya isang normal na tao ay minahal ko siya. Pinatibok niya ang aking puso, ipinaramdam niya sa akin na minamahal ang isang babaeng katulad ko.

"Mahal na mahal kita, kung pwede lang sana ako na lang ang lumaban ay gugustuhin ko, ngunit gusto nilang lumaban din ang ating anak. At ngayon, wala na talaga akong magagawa kundi sumunod sa kanila. Mahal na mahal kita Maine, wala papantay sa iyo, minahal kita ng buong-buo at hindi kita ipagpapalit kanino man. Pangako, kahit kapalit man nito ang aking buhay..."

"R-Ricardo...."

"Hindi ako makakasigurado na mabubuhay ako sa labanan, masasama at malalakas na ang mga kalaban kaya't kailangang maghanda. Basta lagi mong tatandaan, mawala man ako o hindi, lagi akong nandito. Binabantayan kayo, minamahal ka araw-araw."

Sa bawat bigkas ng mga salitang inilalabas niya sa kanyang bibig ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin, ngunit parang sa tono niya ay nagpapaalam na siya, na parang pakiramdam niya na talagang mamamatay siya sa labanan. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin nasasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko tungo sa kanya. Na napamahal na ako, na nahulog na ako sa kanya. Na nahulog na ako sa isang bampira.

"Mahal din kita Ricardo..."

Napatigil siya at sa ilang sandali pa lamang ay iniyakap niya ako at idinampi niya ang kanyang mga labi sa akin. Napapikit na lamang ako, sa apat na salita ay nasabi ko rin sa kanya ang tunay kong nararamdaman tungo kay Ricardo.

"Ikaw ba'y nagbibiro, mahal ko?"

"Hindi ako nagbibiro Ricardo, sa simula pa lamang ay alam na ng puso ko na ikaw. Binigyan mo ako ng rason upang mabuhay ulit dito, akala ko magiging ganito na lang ang aking buhay, na dalawa lang kami ng ating anak. Ngunit hindi pala, babalik ka sa amin. Kahit sino ka man o kahit ano ka man Ricardo, mahal kita, mahal na mahal kita. Kaya't doble na lang ang aking pag-aalala. Kasi pati na rin ikaw ay mawawalay na sa akin, hindi ko kayang mawala ka sa akin. Lalo na't napamahal na ako sa iyo. Na nahulog na ang aking loob, kaya't kampante na lang ako dahil alam kong sasaluhin mo rin ako...mahal na mahal kita."

Mas lalo siyang napatawa at iniyakap ako ng sobrang higpit, hinalikan niya ang aking mga labi. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal talaga ako ni Ricardo. Na importante ako sa kanya, nahulog na ako sa kanya, ipinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa.

Unti-unti na niyang inilalabas ang kanyang nga pangil, at inilapit sa aking leeg. Naramdaman ko ang kanyang mga pangil na handang kagatin ako. Napapikit na lamang ako, hanggang sa nakaramdam na ako ng sakit na nagpapahina ng aking katawan. At naramdaman ko na sinalo ako ni Ricardo at wala na akong maalala pagkatapos non.

Basta ang alam ko ay isa na akong ganap na bampira.

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon