Athena
Napatingin ako kay Mama tyaka ang lalaking kasama niya sa may sala. Hindi ko alam kung bakit sila magkayakap at bakit sila magkasama?
Diba yan yung lalaking nakaitim na madalas namin makita?!
Napasinghap ako nung muli silang nagyakapan. Balak ko sanang pumanik ngunit parang may nagsasabi na huwag at kilalanin ko muna ang lalaking kasama ni Mama.
"Mama? Sino siya?"
Natulak palayo ni Mama ang lalaking nakaitim. Napakunot noo ako, sino ba talaga siya? Ano ba talaga pakay niya sa amin ni Mama? Sino ba talaga siya sa buhay ko at buhay namin ni Mama?
"A-Athena! Bakit gising ka pa anak? Diba may sakit ka?"
"H-Hindi na, Mama..."
Ngumiti ako pero tumingin ako sa lalaking nakaitim, kung papaano siya makatingin sa akin. Nakakatakot, parang mangangain? Napalunok ako.
"M-Mama? Sino ba talaga siya?"
"Nak, siya si Ricardo."
Lumapit ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Sobrang puti niya, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makalapit sa kanya ng ganito, na hindi siya naglalaho na parang bula.
"Bakit kayo magkayakap kanina, Ma?"
Alanganing tumingin si Mama doon sa Ricardo at habang ito namang lalaking to ay dahan-dahang tumango. Kaya mas lalo kumunot-noo ko.
"Nak, huwag kang magugulat sa sasabihin ni Mama ah?"
"Bakit 'Ma? May dapat ba akong malaman?"
Tumingin ako kay Ricardo na ngayon ay nasa likuran na ni Mama. Ba't ang bilis niyang maglakad? Nakatingin lang ako dito habang siya'y nakatingin kay Mama na ngayon ay nasa harapan ko rin.
"Athena, siya ang totoo mong Ama."
Napasinghap ako, paano naging siya? Ang pagkakaalam ko ay wala na akong ama, hindi ko alam kung wala na siya o bigla na lang nawala. Pero siya? Ang lalaking nakaitim na ito? Siya ang Ama ko?!
"S-Siya?"
--
Maine
Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala ang aking anak na si Ricardo nga ang kanyang ama. Pati rin naman ako eh, ngayon ay nakatulala si Athena kay Ricardo habang siya naman ay lumuhod at unti-unting niyakap ang aming anak.
"Athena? K-Kay gandang pangalan..."
Napalunok ako at naiiyak sa kaganapan ngayon, hindi ko alam kung ano ba nararamdaman ko, parang nagwawala ang puso ko at gustong lumabas dahil sa wakas ay nakilala na niya ang kanyang ama.
"I-Ikaw? Ikaw...I-Ikaw ang Papa k-ko?"
"Oo ako nga, at matagal na ko na itong inaasam na makasama kita anak. Makasama ko kayo ng iyong ina."
Maya-maya ay nakita kong naluha ang aking anak, kaya't niyakap ito ni Ricardo ng mahigpit at yumakap pabalik ang aking anak. Napangiti ako, dahil alam ko na matagal niya ng gustong makilala ang tunay niyang ama.
"P-Pero bakit ngayon ka lang, Papa? Bakit sa katagal tagal ng panahon, ngayon ka lang nagpakilala."
"Dahil naghihintay ako ng tamang oras upang harapin ko kayo."
"Pero—bakit naman?"
"Anak, alam kong imposibleng maniwala ka sa aking sasabihin ngunit hindi ako isang taong katulad ng iyong ina."
"A-Ano ka ba, Papa?"
Napabuntong hininga si Ricardo habang nakakunot noo parin ang aking anak, ngayon naman ay kinakabhaan ako dahil baka matakot siya sa sasabihin ni Ricardo.
"Ako'y isang bampira."
Napasinghap ang aking anak na para bang hindi makapaniwala. Tumingin sa akin si Athena na may halong takot sa kanyang mga mata.
"Anak—"
"B-Bampira din ba ako? Katulad mo rin ba ako, Papa?"
"Oo anak."
"Kaya ba lagi akong nanghihina kapag hindi nakakatikim ng dugo?"
Doon na ako nabigla sa sinabi ni Athena. Kaya pala minsan ay may nakikita akong pula sa mga labi niya, tama nga ako. Dugo ang iniinom ng aking anak.
"Wait— Athena, bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"S-Sorry Mama, natatakot din kasi ako. Parang sa tingin ko, hindi mo ako paniniwalaan tyaka baka matakot ka sa akin."
"R-Ricardo, bampira din ba ang anak ko?"
"Oo, dahil kapag ang isang bampira at ang isang tao ay nagkaroon ng supling ay may posibilidad na mapasa ng bampira ang kanyang kakayahan sa kanyang magiging anak, at naging bampira si Athena. Patawad, asawa ko."
Napaupo ako sa may sala habang mag katabi naman si Athena at Ricardo. Nilalambing niya ang aming anak, at nakakalambot ng puso na makita ang iyong anak at ang kanyang ama na magkasama muli. Ngunit may naalala lamang ako.
"Ricardo, kapag ba nakagat ang isang tao ng bampira ay may posibilidad na maging bampira din ito?"
"Oo, dahil may tatlong klase yan. Isa kapag nakagat ka ay magiging isang bampira ka at pangalawa ay sisipsipin lamang ang iyong dugo at ang pangatlo ay mamamatay ka."
"Isang beses ay nakagat ako ni Athena sa may bandang leeg. Bampira na ba ako?"
Napangiti si Ricardo at lumapit at tumabi sa akin, pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. Maitim ito at parang hindi nakakasawa titigan.
"Si Athena ay kalahating bampira at kalahating tao, asawa ko. Kaya't sinipsip lamang niya ang iyong dugo, imposibleng maging bampira ka. Kung ako ang kumagat sayo, tiyak na magiging bampira ka dahil isa akong bampira."
Napatingin kami kay Athena na ngayon ay naghihikab, sabagay ay gabi na at kailangan niya ng matulog. Napangiti kami at napatingin din sa amin ang aming anak kaya't ngumiti ito at sinabing...
"Mama, bagay kayo ni Papa."