Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdang matulog ang aming munting angel na si Athena, nasa aking tabi si Ricardo habang pinagmamasdan naman ako. Medyo nakakailang sa una ngunit ramdam na talaga ang pagmamahal niya sa akin.
"Mahal, halika na sa ating silid upang makapag pahinga na, at alam kong ligtas dito si Athena. Walang tao o ano mang bampira ang pwedeng makapasok sa silid na ito kundi tayo lang..."
Tumango ako at ngumiti ng matamis at tinignan ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga mata ay isa sa mga magagandang mata na aking nasilayan, napaka itim ito at minsa'y nagiging pula. Na noon ay dati kong kinakatakutan.
"S-Salamat Ricardo..."
"Para saan Mahal? Hindi mo kailangan magpasalamat—"
"D-Dahil ginagawa mo ito para sa amin ng anak natin, pinoprotektahan mo kami sa masasamang nilalang at kulang na lang ay isakripisyo mo ang sarili mong buhay para sa amin ni Athena, salamat Mahal. Hindi ko nagkamali na minahal kita..."
"M-Mahal..."
Nakita kong mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha na unti-unting lumalamabas sa kanyang mga mata. Niyakap ko siya at tumawa ng kaunti, hindi ko inakala na isang Ricardo na masungit at srikto ay mapapaiyak ko ng ganito. Mahal na mahal ko siya at alam kong mahal na mahal niya din ako.
--
Kinaumagahan ay nagising na ako sa sarili naming silid ni Ricardo, doble ang laki kesa sa kwarto ng aming anak na si Athena. Lahat ay itim ngunit napapaligiran naman ito ng kakaibang bulaklak at mas mabango sa normal.
"Ngayon na ang inyong ensayo ni Rebecca, tuturuan ka na niyang ipagtanggol ang iyong sarili, mahal."
"Naghihintay na ba siya sa labas, mahal?"
"Oo mahal ngunit inumin mo muna ito upang mas maging malakas ka ngayong umaga..."
Ininum ko ito at tumalab nga, nawala ang aking antok at mas naging malakas ako, kailangan ko siguro ito araw araw upang magkaroon ako ng enerhiya mag ensayo araw araw.
--
"Kailangan ay palagi kang alerto sa iyong paligid Maine. Marami sila, pakiramdaman mo lalo na't isa ka ng ganap na bampira tulad namin..."
Striktong pagkakasabi ni Rebecca, seryoso siya sa lahat ng bagay kaya't seryosohin mo rin ito dahil sa pagkaka alam ko ay masama daw magalit ang isang Rebecca, masungit at strikto ito katulad ng kanilang amang hari na ngayo'y nasa kamay nila Brielo— ang masamag bampira.
"Naiintindihan mo ba Maine?"
"Oo Rebecca."
"Mabuti kung gayon, sa panahon ngayon ay mahirap na magtiwala kung kanino-kanino, lalo na sa kalagayan natin ngayon. Isang maling galaw ay patay ka na agad kaya't dapat maging malawak ang iyong kaisipan. Mablis dapat ang iyong mga kamay at paa upang ipagtanggol ang sarili natin...dahil sa huli ay isa na lang ang ating mapagkakatiwalaan—"
"—ang ating sarili, Maine."
Nakakatakot na sambit ni Rebecca at tinuruan niya akong gumamit ng mga espada upang mas mapadali ang pakikipag laban. Tinuruan niya rin akong ilabas ng dali-dali ang aming mga pangil, kung gaano tumakbo ng mabilis katulad sa kanya, at pakiramdaman ang paligid. Magaling siya magturo kaya nga lang ay masungit at strikto, nakakatakot pa.
"M-Mga mahal na prinsesa! May masamang balita."
Nakaramdam ako ng takot at pangamba kung ako na nangyayari, kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala at takot katulad ng sa akin, nanginginig din ito lalo na ang mga kamay.
"Ano ang nangyari?"
"Ang inyong anak na si Athena..."
"Ano nangyari sa aking anak?!"
"Kinuha po siya ni Brielo."
---
A/N: New story check it out!
The Chosen One
It's not your typical story, it's full of mystery and about MaiChard also. It's all about Savannah— Maine and Richard's daughter who have a special ability to dream about the future, control everything and everyone by just staring at them and reading everyone's mind.