7

1.5K 80 12
                                    

Maine

Halos gabi-gabi nandito si Ricardo upang bantayan kami at alagaan ang anak namin. Parang tao din siya kung kumilos, pero mas lalong lumalala si Athena.

"Ricardo, ganyan ba talaga ang anak natin? Yung halos araw-araw ay kailangang uminom ng dugo?"

"Oo, dahil mas lalo siyang lumalakas kapag nakakainom ng dugo— at mas lalo kung dugo ng tao. Ngunit alam kong hindi ka papayag kapag ang ipinainom ko sa anak natin ay dugo ng tao."

"Paano kapag hindi siya nakainom ng dugo?"

"Manghihina siya at unti-unting mamamatay."

Doon ako biglang napatingin sa kanya, dahil nandito kami ngayon sa may sala. Alas dose na at natutulog na din si Athena. Nandun siya sa mag kwarto, ngunit ang ipinagtataka ko lang ay bampira ang anak ko at ang alam ko ay hindi sila natutulog.

"Kaya kong basahin ang mga iniisip mo, asawa ko. Dahil may dugong tao si Athena kaya't may kakayahan siyang matulog din katulad niyo."

Ngumiti siya at doon ko pinagmasdan ang maputi niyang mukha. May dimples, katulad ng anak ko. Magaganda ang kanyang mga mata kahit nagiging pula ito. Doon ko lang napansin na unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa mukha ko.

Hanggang sa mahalikan niya ako...

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan muli. Habang ako ay napapikit— hindi alam ang gagawin. Kung hahalik pabalik o hahayaan ko lang siyang halikan ako.

"Ilang taon akong nagtiis na mahalikan kita ng ganito, Maine. Mahal kita hindi mo lang alam. Mahal na mahal kita— mahal ko kayong dalawa ng anak natin. Pangako hindi kita iiwan."

"N-Ngunit sabi mo na bawal mag-ibigan ang tao at ang isang bampira, diba?"

"Wala akong pakialam, sunusunod ko lang ang sigaw ng aking puso— at ikaw iyon."

Niyakap niya ako ng mahigpit, at niyakap ko siya pabalik. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko sa kanya dahil kakakilala palang namin. At ayoko siyang saktan kung sabihin ko sa kanyang mahal ko siya kahit hindi pa.

"Hindi kita minamadali ngunit alam ko, mamahalin mo rin ako— alam kong walang makakapaghiwalay sa atin."

"Paano ka nakakasiguro, Ricardo?"

"Huwag mo ng tanungin, mahal. Sapagkat ako'y sigurado sa aking nararamdaman. Mahal kita."

Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang pisngi. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasaya— wala pang lalaking pinaramdam sa akin na mahalaga ako, si Ricardo lang. Siya lang ang nagparamdam sa akin na ako ang klaseng babae na dapat iniingatan at minamahal.

"Natatakot ako, Ricardo."

"Ano ang iyong kinakatakot, mahal ko?"

"Baka malagay sa masama ang ating anak. Dahil isa siyang bampira."

"Iingatan ko siya— iingatan ko kayong dalawa. Walang sinumang makasakit sa inyo."

Pinunasan niya ang mga natitira kong mga luha at hinalikan ang aking noo. Habang ako ay unti-unting nakaramdam ng antok. Habang nakayakap sa kanyang bisig. At alam kong hindi niya ako iniwan ng gabing iyon.

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon