14

930 66 13
                                    

Flashback...

Naglalakad ang munting prinsesa ng kahariang Vaishyas na si Athena, hindi niya inakala na ganitong kalaki ang kaharian at ganito kaganda. May mga ginto at lahat ito ay itim. Wala sa normal na mundo kung saan siya dati nabibilang. Nag-eensayo siya ng patago palagi upang matutunang lumaban sa masasamang bampira katulad ni Brielo, nagagamit niya na ang kanyang mga kapangyarihan tulad ng paglaho, pagtakbo, pagbasa ng isip, pagkontrol ng bagay at ng panahon. Ngunit hanggang ngayon ay inaaral niya pang magkontrol ng isang tao. Alam niyang may kakayahan siya ng ganung uri.

Napahinto ng paglalakad si Athena ng may marinig siya ng isang hikbi na para bang umiiyak. Naglaho siya at nilapitan ang isang batang lalaki ng hindi napapansin, tinitigan niya ang isang lalaki na kasing edad lamang niya, marami itong pasa at namumula ang kaliwang pisngi nito. Maputi katulad niya at halatang isang bampira rin. Nagpakita siya sa batang lalaki at halatang nagulat ito at dali-daling tumayo upang ayusin ang sarili, yumuko na lamang ito at hindi pinansin ang prinsesa.

"A-Ayos ka lang ba? Ako nga pala si—"

"Ikaw si Athena, ang anak ni Prinsipe Ricardo, ikaw ang panibagong prinsesa ng kahariang Vaishyas."

"Ay, kilala mo na pala ako, ano name mo?"

"H-Ha name?"

"Ano pangalan mo? Ngayon lang kita nakita dito tyaka ikaw lang ang kaisa-isang bata na nakita ko simula na nakapunta ako sa mundong ito."

"A-Ako nga pala si Timothy, anak ng isang normal na tao, ngunit ang ama ko ay isang bampira din. T-Tyaka yung ibang bata ay nasa kani-kanilang tahanan dahil alam nila na malapit na ang digmaan."

"D-Digmaan? Kailan? Bakit?"

Ngumisi ito ng nakakatakot at tinitigan ang prinsesa, seryoso ito ng pananalita na para bang hindi isang normal na bata na katulad niya. Nakaramdam siya ng takot at pangamba kaya't nanatili na lang siyang tahimik.

"Alam mo ba ang rason kung bakit ka nandito, mahal na prinsesa? Hindi ka dadalin ng mahal na prinsipe kung walang dahilan. Matagal ng nawala si Prinsipe Ricardo sa mundo natin, nagbabalik lang siya dahil may isang rason."

"A-Ano yun?"

"Malalaman at malalaman mo din mahal na prinsesa, ngunit ito lang ang masasabi ko sa iyo..."

Napabalikwas si Athena ng makita niya ang isang lalaki na biglang sumulpot sa likod ng bata na si Timothy, hindi niya inakala na kasabwat ito.

Si Brielo.

"—Patawad Athena..."

--

MAINE

Napabalikwas ako sa higaan, nawalan daw ako ng malay pagkatapos sabihin na kinuha ni Brielo si Athena. Unti-unting tumutulo ang aking mga luha, kanina pa galit na galit si Ricardo dahil sa hindi pagbabantay ng maayos sa aming anak. Kanina pa ako nag-aalala. Paano kung saktan nila si Athena? Paano kung...

Hindi. Hindi mapapahamak ang anak ko, kilala ko si Athena. Hindi niya hahayaan na saktan siya ng iba. Hindi niya hahayaan na tratuhin siya ng ganun. Pero kanina pa ako ganito, para bang may mas masamang mangyayari. Bumukas ang pinto at nakita niya si Ricardo, namumula ang mga mata nito ngunit unti-unting bumabalik sa normal. Nilapitan siya nito at niyakap.

"N-Nasaan na ang ating anak? Nasaan si Athena? M-Mahal?"

"Shhh... Gumagawa sila ng paraan upang mahanap ang ating anak, sa sandaling panahon na nakilala ko ang ating anak ay kilalang kilala ko na siya, hindi hahayaan ni Athena na may manakit sa kanya. Hindi niya hahayaan na saktan siya ng iba. Matatag na bata si Athena, matapang ang ating anak. Huwag kang mag-alala Mahal. Mas malakas si Athena kesa kay Brielo. Ang ating anak ang pinaka malakas. Maaasahan natin si Athena. Hindi siya susuko..."

Biglang bumukas ulit ang pinto at iniluwa si Rebecca, ang kapatid ni Ricardo. Halatang pagod sa kakahanap kay Athena. Ngunit ang seryosong mukha nito ay napalitan ng pangamba.

"Kailangan natin maghanda, Kuya."

"B-Bakit Rebecca..."

"Dahil nakuha na nila ang aking pamangkin ay ito ang senyales ng panibagong digmaan."

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon