Maine
Naka tatlo na ata akong baso ng kape, binabantayan ko si Athena. Kanina pa kasi siya mahina, wala namang lagnat pero ang putla-putla ng mukha niya. Kanina pa ako nag-aalala.
Maya-maya ay biglang bumukas ang bintana, nagsitaasan ang mga balahibo ko, sobrang lakas ng hangin at yung kurtina ay halos tangayin na palayo.
"M-Mama..."
"Anak, okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang."
"Mama, nanghihina ako..."
Pagkasabi niya ay biglang sumara ang bintana, pati ang anak ko ay napatili and gayundin ako. Lumapit ako kay Athena at niyakap siya ng mahigpit.
"Anak, wala lang yun. Sobrang lakas kasi ng hangin."
"Mama, nagugutom na ako..."
Napangiti ako, at kinuha ang soup na kanina ko pa dala. Sinubuan ko siya at buti naman ay nakakakain na siya, hindi niya na ako iniiwasan. Napangiti ako dahil nawala-wala na din ang pamumutla ng mukha niya.
"Athena, take a rest na."
"Yes Mama."
Hinalikan ko ang kanyang noo at napangiti lang siya, ilang saglit din ay nakatulog na siya ng mahimbing. Plano ko sanang matulog sa tabi niya dahil pati din ako ay natatakot na sa karanasan namin dito— lalo na sa lalaking nakaitim na palagi naming nakikita.
Kung kelang malapit na ang birthday ng anak ko, nagkakaganito siya, laging nagkakasakit. Nag-aalala din ako para sa kanya.
--
Nandito ngayon ako sa kusina upang mag init ng pagkain dahil hindi pa ako nagdidinner, gutom na din ako at puro na lang kape ang iniinom ko. Baka masama na din yun.
Maya-maya ay biglang lumakas nanaman ang hangin. Napatingin ako sa may bintana, nakasara naman ito. Kinikilabutan ako, pinikit ko ang mga mata ko. At inimulat ito muli.
Ang lalaking nakaitim.
Nakangiti ito, ang mga mata niya ay hindi na pula hindi katulad noon ay nakakatakot, maputla din siya—sobrang puti niya. Nakatayo siya sa harapan ko.
Bigla siyang lumapit sa akin, habang ako ay paatras ng paatras. Hanggang sa napasandal na ako sa pader. Napalunok ako, dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"S-Sino k-ka?"
"Mahal kong asawa..."
Napalaki ang mga mata ko, hindi. Hindi ito maaari, mukha siyang bampira, dahil may kaunting pangil ito. Hanggang sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, at nagkadikit ang mga noo namin.
Hindi. Hindi ito maaari, kamukha niya ang lalaking huli kong naaalala sa gubat bago pa ako mabuntis—hindi kaya siya ang...
Hindi ako nakagalaw, hindi ko alam kung bakit. Pero pinagmamasdan ko pa din siya, kamukha niya talaga. Habang sa mas lumapit pa ang mukha niya sa akin, hanggang sa magdikit na din ang ilong namin.
"A-Asawa?"
Ngumiti siya at inilayo na ang mukha niya sa mukha ko. At nakahinga ako ng maluwag.
"Matagal na akong naghintay."
"Sino ka ba talaga?"
"Ako si Ricardo."
Hindi ko alam kung tama ba itong itatanong ko sa kanya, ewan ko kung ano ba talaga tong si Ricardo. Bampira ba talaga 'to? O sadyang mahilig lang siya mag-itim.
"A-Ano ka ba? Bakit ka laging sumusulpot?! Tinatakot mo na kami ng anak ko!"
"Anak natin..."
"N-No! Hindi maaari! I-Ikaw... ikaw?!"
Ngumiti siya at dahan-dahang tumango sa tanong ko, hindi ako nakagalaw. Siya ang ama ng anak ko, siya ang ama ni Athena. Itong taong nakaitim, itong si Ricardo.
"Hindi ako isang tao, ako'y isang bampira."
"Hindi nakakatawa yang joke mo."
"Hindi kita niloloko. Sa una pa lang ay gusto na kita, kaya't sinundan kita. Alam kong pinagbabawal ang magkagusto ang isang bampira sa isang karaniwang tao—"
"I-Ikaw? B-Bampira?!"
"Oo, kaya nung nabuntis kita ay nalaman ng aking ina kaya't pinalayas nila ako sa mundo namin, kaya nandito ako upang bantayan ko kayo lalo na't mag-ina ko kayo."
Medyo naguluhan ako kaya't iniwan ko siya doon sa may kusina at umupo dito sa sala, habang papunta na ako ay nandun na siya kaagad kaya ako ay nagulat.
"P-Paano ka nakarating diyan?!"
"Hindi nga ako tao. Ilang beses ko ba uulitin sayo? Ayaw mo parin ba maniwala sa akin?"
Bigla siyang sumulpot sa unahan ko kaya mas lalo akong napasinghap. Ngumiti siya at hinawakan ang magkabilang braso ko at unti-unting nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Matagal na akong naghihintay na mapasaakin ka, asawa ko. Alam kong ito ang tamang oras upang magsama na tayo at pati ng ating anak."
Hanggang sa maramdaman kong nagdikit ang aming mga labi, napapikit na lamang ako. Hindi lang ito isang halik, nararamdaman kong may halong pagmamahal.
Dahan-dahan niyang inialis ang labi niya sa akin at ngumiti, habang ako ay nanigas sa kinatatayuan ko. Unti-unti niya akong iniyakap ng sobrang higpit.
Hanggang sa...
"Mama? Sino siya?"