4

1.3K 86 10
                                    

Maine

Nagbuntong hininga na lamang ako, baka guni-guni ko ulit ito. Ilang hours na rin ako hindi nakakakain ng lunch, aaminin ko na nagugutom na ako pero kailangan ko pa talaga i-submit tong paper works kasi maaga daw uuwi ang Big Boss namin.

Kaya kaming dalawa ni Hillary, mukhang may sakit sa sobrang payat. Last week pa kasi kami rush sa trabaho dahil baon na kami sa paper works, natabunan na kami.

"Maine, punta lamg ako sa may kitchen. Gawa ako coffee."

Tumango na lang ako kay Hillary at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Habang may pinipirmahan ako, pata bang may nakatayong lalaking nakaitim. I blink 2 times at nakita kong wala na. Baka gutom lang to.

Maya-maya ay nakita ko ng may dala-dalang kape si Hillary, napangiti ako at iniabot niya na sa akin ang kape. Uminom muna ako at napapikit dahil hindi lang gutom ang nararamdaman namin, pati na rin ang antok. Paputol-putol ang tulog ko kasi lagi na akong nakabantay kay Athena.

Simula nung nakita namin yung lalaking nakaitim, nagbabago na ang buhay namin. Palagi na kaming takot, pero lagi ko namang sinasabi sa anak ko na guni-guni lang namin yun pero hanggang ngayon ay takot pa din siya.

--

Athena

"Hoy weirdo."

"May itim na kapangyarihan. Hahahaha!"

"Naging si flash ang bruha."

Napayuko ako at diniretso ang paglalakad. Simula nung nangyari yun, hindi ko na alam kung meron pang makikipagkaibigan sa akin. Dahil sabi nila, weirdo or hindi daw ang normal.

I ran through the back of our school, walang ganong tao. Uwian na kasi kaya yung iba nagsiuwian na, kaya kumonti na ang mang-aasar sa akin. Umupo ako sa may bench malapit sa punong mangga. Napayuko na lang ako at hinayaang maging mapag-isa. Wala nammg gustong makipag kaibigan sa akin.

Napaluha ako, wala namang gusto makipag kaibigan sa akin. Yung iba takot habang yung iba naman sinasabi na weird ako, napailing na lang ako. Napatigil ako dahil may isang lalaking nakaitim na nasa tabi ko.

Hindi ako muna gumalaw. Pinagmasdan ko siya, lalo na ang ma mata niyang nagiging pula. Nakatingin lang siya sa akin, ngumiti siya at habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba talaga pakay niya sa amin ni Mama. Hinawakan niya ang mukha ko.

At niyakap...

---

Maine

"Is this the phone number of Mrs. Mendoza?"

"Yes ako nga po, bakit?"

"Sinugod po namin sa clinic si Athena dahil nawalan po ng malay kanina."

Agad akong napatayo at napatingin sa akin si Hillary, nagtataka siya siguro pero kailangan ko talagang umalis. Ano nanaman ba nangyari sa kanya? Lagi na lang ganito. Ang gara na.

"Oh? Saan ka nanaman ba pupunta?"

"Sa School, nawalan daw ng malay si Athena."

"Jusko po..."

"I-Ikaw muna bahala dito, Hill."

"S-Sige sige."

---

Pagpunta ko ay wala ng ganong tao, yung guard naman ay nakasinukd sa akin dahil nasa dulo pa ang clinic. Habang naglalakad ay may nadaanan akong isang classroom.

May nakaitim...

Napahinto ako at pati na rin yung guard na kasama ko, pagtingin ko sa classroom ay wala na, habang yung guard ay kakamot-kamot sa ulo dahil sa inaakto ko.

"Kuya, may tao po ba kanina dito? Yung nakaitim?"

"Ma'am kanina pa po walang tao diyan dahil sa mga kindergarten students yan, kanina pa po sila nagsiuwian."

Napatango ako at pinagpatuloy ang paglalakad at nakarating na rin kaming clinic, pagpasok ay may 2 nurse na nakabantay sa anak ko, paglapit ko ay agad akong napanganga

"A-Ano yung itim sa may pisngi niya?"

"Kayo na po ba yung guardian ng bata?"

"Y-Yes, I'm the Mother. Ano yung nasa cheeks niya? Parang ugat na nakalabas pero kulay itim."

"Hindi rin po namin alam Ma'am, nung nakita na siyang walang malay diyan po sa may likod ng school ay may ugat na itim na siya sa pisngi."

"Baka may nakakagat sa anak ko?"

"Hindi rin po namin mai-explain Ma'am."

Iniwan na ako ng nga nurses at I brushed Athena's hair using my fingers. Dumilat siya at napangiti, bigla niya akong niyakap na mahigpit. Pero bigla akong nakaramdam ng matulis sa may leeg ko.

"Aray!"

Kinagat niya ako sa may leeg, pagkapa ko ay may kaunting dugo. Pagkakita ko kay Athena ay may kaunting dugo siya sa may bibig, at unti-unting nawawala ang mga itim sa kanyang pisngi.

Tumawa siya at pinunasan ang bibig niya na puro dugo, dali-dali akong pumunta sa malapit na CR. May bakas na kagat, at may kaunting dugo pa. Pinunasan ko ng tubig pero medyo mahapdi.

"Sorry Mama."

Napalingon agad ako, nandun na siya sa likod ko ng ganun kabilis, kinilabutan ako dahil nakangiti lang siya na may pangil pa. Hindi. Hindi maaari.

Bampira anak ko?

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon