2

1.5K 96 9
                                    

Athena

"So 'nak, musta naman ang new school mo?"

"Okay lang naman Mama."

Ngumiti ako, hinatid kasi ako ni Mama bago pa siya  pumasok sa work niya. Kahapon pa ako may napapansin sa kanya, ang weird niya talaga since kahapon pagka-uwi ko galing school.

--

Pag-uwi ko walang tao sa may sala, pumunta ako sa kitchen sa backyard namin pero wala talaga siya, nakasanayan ko na nga na tuwing umuuwi ako lagi siyang nasa sala nanunuod  ng TV or nasa kitchen upang magluto dahil hindi naman palagi natutulog si Mama tuwing hapon.

I checked her on her room and I saw her. Nasa lapag siya nakahiga at may unan pa at kumot pero sa lapag. Yung bed namin sobrang ayos naman. Sumalpak ako sa lapag at ginising siya, pagkagising niya bigla siyang napasigaw sa akin.

"'Ma? Bakit ka diyan natutulog? Bakit sa lapag?"

"U-Uhh... Paano nangyari–dito ako natulog?"

"Ma, kakauwi ko lang galing sa school."

Tumingin siya sa paligid na para bang may hinahanap. Ngunit hindi niya mahanap, parang tao yung hinahanap niya eh. Ewan ko lang, ramdam ko lang.

"Athena, wala bang lalaking nakaitim ang nakapasok sa bahay natin?"

"Why Mama? May magnanakaw ba?"

Napapikit siya at bigla-biglang tumakbo sa may first floor namin. Nakita ko yung plate basag. Napakunot noo naman ako, ano bang nangyayari sa kanya?

"Ma? May nangyari ba kanina habang wala ako?"

"Wala....wala Athena, so kamusta school?"

I tried to stared at her eyes to find some answers. Nakasanayan ko na ito, I can feel if someone's lying or may problem na dinadala. I can feel it, parang bumibigat ang pakiramdam ko kapag kausap ko sila, parang nararamdaman ko ang nararamdaman nila.

"Mama naman, alam ko naman na may problem eh.."

"Anak, huwag makulit. Walang problem si Mommy, pagod lang siguro ako."

"You're lying Ma..."

"Hm? Paano mo naman nasabi?"

"Because I can feel it."

I stared again at her eyes, she looked away and I smirked. Nagsisinungaling nga si Mama. She'll never look away if everything's fine. She'll never act that way if she's okay.

--

Pagkapasok ko sa school ay marami akong kaklase na bumati sa akin. Grade 7 life is so challenging. Iba na pala ang highschool life sa grade school  life, mas mahirap at mas masaya. I never felt this happy before, parang ang gaang-gaan ng pakiramdam ko kapag nandito ako.

"Watch out!"

Napatingin ako, yung mga lalaking naglalaro ng skateboard ay babangga sa akin. I closed my eyes pero napadilat ako kasi sobrang bilis kong nakaiwas. Few of the students looked at me at parang na curious sa nangyari.

"H-How did you end up there, Athena?"

My classmate asks, babanggain na sana nila ako pero para akong lumipad sa sobrang bilis. Umiwas ako pero hindi ganoon kabilis pero ang weird parang lumipad ako. Kaya karamihan sa kaklase ko ay nakatingin sa akin. Yung iba nakatingin pero yung iba pinagbubulungan ako.

I looked at them pero yung iba biglang nagsi-alisan na yung iba biglang umiwas sa akin. Napayuko ako at tuloy tuloy sa paglalakad habang sila ay pinag-uusapan ako. This is not good.

--

Maine

I looked at Hillary. She smiled at me at pinagpatuloy ang pagtatrabaho namin. Pinaghahandaan kasi namin ang 13th birthday ni Athena. Ang plano namin ay surprise kasi dalaga na siya at we want her birthday to be memorable.

"So 13 na next week ang inaanak ko, she still don't know her own Father."

"Hillary naman, maski naman ako hindi kilala ang ama niya."

"Maine naman, seryoso ka ba talaga diyan? Ano yun? Nangyari ang milagro achuhu na yun sa batis?! Hindi ko naman mapagtanungan si Melissa kasi nasa Mental na ngayon ay hindi makausap."

Tama, nasa Mental na ngayon si Melissa dahil sa hindi alam na pangyayari sa amin sa batis. Yung iba sinasabi ako daw ang may gawa pero hindi naman talaga ako, mas pinaliwalaan nila yung mga chismis kesa sa totoong nangyari.

"Huy Maine, it's getting late na rin. At mag-isa si Athena sa bahay, you need to go home."

I looked at my watch at nakita kong 7:40pm na din, tumayo ako, dahil hindi naman ako mago-Over time. At baka may mangyaring masama sa anak ko

--

Pagkauwi ko ay napaka dilim sa paligid. I tried to open the switch of our light pero sira pala—pundi ang ilaw. Napamura ako at dali-daling pumunta sa may kusina

I heard scratches sa kusina kaya tumakbo ako, I saw someone. Binuksan ko ang ilaw pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. I saw Athena

"Athena! Anong ginagawa mo?!"

"M-Mommy..."

She's crying and yung raw meat na nasa refrigerator namin, na dapat lulutuin ko for our lunch tomorrow at yung dugo na nasa ref din namin dahil magluluto sana ako dinuguan bukas din pero ininum niya ang dugo ng baboy at kinain ang raw meat na nasa ref. Her face and her clothes—puro dugo

"M-Mommy, I want blood."

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon