Past
Napaluha ako, hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Natagpuan kasi kami na walang malay sa may batis. Si Melissa ay hanggang ngayon ay comatose dahil sa nangyaring hindi namin maipaliwanag. Kahit sa pulis o sa doktor.
Buntis ako.
Hindi ko alam kung kaninong ama dahil wala naman akong boyfriend. Galit na galit sa akin sina Mama at Papa at kinamumuhian nila ako dahil nagbigay dumi ako sa pangalan namin.
"Hillary, pasensya na..."
"Ano ba Maine, tinulungan mo ako noon at ngayon ay ako naman ang tutulong sayo."
Napangiti ako at iniyakap siyang mahigpit. Pinalayas ako nina Mama at Papa dahil buntis ako, at wala na daw akong karapatang pumasok sa aming bahay. Wala akong trabaho ngayon kaya inaalala ko ang pag-aaral ko na ilang buwan na lang ay graduate na kami.
"I can help you to pay for your tuition fees, Maine."
"Hillary, marami ka ng naitulong sa akin. Hayaan mo naman ako na maging independent sa sarili ko kasi baka masanay ako na sayo lang lagi nakasalalay."
Naalala ko ang isang matipuno at maputing lalaki. Siya lang ang naalala ko pagkatapos naming mawala sa gubat ni Melissa. At hanggang ngayon ay pinagtatatanong padin ako ng magulang ni Melissa kung ano ba talaga ang nangyari sa amin ngunit wala akong maisabi kasi wala talaga akong maalala.
"Maine, sino ba yung lalaki na sinasabi mo?"
"Hindi ko rin alam, Hillary."
--
At hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino ang ama ng anak ko. At ngayon ay lumaki na si Athena. Hindi maiiwasang magtanong tungkol sa kanyang ama. At hanggang ngayon ay wala parin akong maisagot sa kanyang tanong na halos matagal na niyang hinihintay ang sagot.
"Ma, una na ako..."
"Athena, kain ka muna agahan."
"Huwag na 'Ma at baka mahuli pa ako sa school."
Napangiti ako, maputi ito at matangos ang ilong. Buhok niya ay kulot at may dimples pa. Ang mga mata niya ay para bang sa akin. Tinignan ko siyang lumabas at sumakay na sa school bus niya.
Napatigil ako sa pagkakain dahil parang may lalaking nakatayo sa may hagdan. Napatayo ako at ipinikit ang mga mata at inimulat ito muli at wala na ito. Baka nga namalikmata lamang ako.
Napailing na lang ako at iniligpit ang pinagkainan ko. Habang nagliligpit ay para bang may nakatingin sa akin. Tumaas ang mga balahibo ko at binalewala ang naramdaman ko. Napatingin ulit ako sa aking likod ngunit wala paring tao.
--
Past
"Took a deep breath po Misis—"
"I...I-I said I don't h-have a husband!"
I screamed and screamed because of the pain. Ngayong araw ay nanganganak ako sa magiging anak ko. Napapikit ako at umiyak habang umiiri. Sobrang hinang-hina na ako at kulang na lang ay sumuko ako. Nandito lang si Hilarry at wala ang mga magulang ko. Kailangan ko sila—lalo na ang misteryosong nakabuntis sa akin.
"Nandito lang ako..."
"Ungaaaaaaa~"
Napatingin ako sa isang lalaking nasa tabi ko. Nakaitim siya katulad ng lalaking huli kong natatandaan bago ako mabuntis ngunit nabaling ang aking atensyon sa iyak ng aking anak. Napangiti ako ngunit nawalan na rin ng malay.
--
I screamed.
Nasa harapan ko ang isang matipunong lalaki. Sobrang pamilyar ng mukha niya, nabitawan ko ang pinggan na hawak ko. Nakangiti siya at sobrang puti ng kanyang mukha, ang mga mata niya ang para bang nagiging pula, at ang kanyang ngipin ay matutulis. Ngunit nangingibabaw ang kanyang kagwapuhan.
"Asawa ko..."
Unti-unting lumalabo ang mga mata ko.