12

1K 80 7
                                    

Noong naimulat ko na ang aking mga mata, nasa isa akong kakaibang lugar, hindi ko alam kung nasaan ako, ngunit ang alam ko lamang ay nakahiga ako sa napaka lambot na higaan at may dalawang tao na nag-uusap.

"R-Ricardo?"

Napatingin ako sa isang lalaking naka suot na itim na damit, humarap siya sa akin at ngumiti. Si Ricardo pala iyon at kausap ang aming anak na si Athena. Napaka ganda ng kanilang mga suot. Para kaming nasa isang kaharian, puro ginto ang nasa paligid ngunit itim parin ang mga gamitan. Itim na rin ang suot ng aking anak.

"Gising ka na, Mahal."

"Goodmorning Mama."

Ngumiti ako at dahan-dahang umupo sa kama, medyo masakit ang nasa bandang leeg ko. Napatingin ako sa isang salamin na nasa bandang kaliwa ko, nakita ko na napaka putla ko, medyo pumayat din ako, at medyo gumanda. Anong nangyari sa akin? Humaba din ang aking mga buhok, at naging kulot. Mas lalo naging pula ang aking mga labi.

"M-Mahal, anong nangyari sa akin?"

Ngumisi ito at hinalikan ang aking mga labi kasabay ng pag-hagikgik  ng aking anak na nasa harapan ko na. Doon ko lang nalaman na natawag ko palang mahal si Ricardo. Namula ang aking mga pisngi at hinawakan naman iyon ni Ricardo.

"Mahal, nandito ka na sa aming kaharian. At isa ka ng ganap na bampira, tuturuan ka na lamang ng aking kapatid na lumaban upang ipagtanggol ang iyong sarili."

"Salamat Mahal."

Nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil nanghihina ako, para bang gutom na gutom ako ngunit ayoko ng pagkain, gusto ko ng iba. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngunit gutom na talaga ako. Nakita ko na may isang bampira na may dala-dala na isang malaking baso na dugo. Para ba akong isang bata na natatakam na matikman iyon, umupo agad ako ng maayos at pilit na iniaabot ang baso ng dugo. Nang akong maabot iyon ay dire-diretsong ininom at masarap pala ito. Hanggang sa maubos iyon, bigla na lamang ako sumigla at nagkaroon ng enerhiya.

"Mahal, magpahinga ka muna at mamaya ay hapunan na rin natin."

Tumango ako at pinagmasdan ang aming anak na ngayo'y nakaupo sa isang malaking upuan, na may nakapaligid na itim na rosas, napaka ganda ng kanyang suot, medyo mahaba ngunit itim ito na may bulaklak. Nababagay sa kanya ang mga ganyang klaseng damit. Doon ko lamang nalaman na ako rin ay nakasuot na halos katulad sa aking anak. Itim rin katulad doon, ngunit mas magarbo nga lang sa aking anak.

"Nandito na rin ba si Rebecca? Ang iyong kapatid?"

"Oo mahal, naghahanda na rin siya sa ensayo niyo para bukas."

--

Kakatapos lang namin maghapunan, masarap ang pagkain ngunit ang inumin ay dugo— ng isang hayop. Hindi sila umiinom ng dugo ng tao dahil ipinagbabawal ito sa kaharian. Nandito kami ngayong tatlo, nagiikot sa kaharian. Malaki ito para lamang sa aming tatlo, maraming guwardiya na nakabantay ngunit kalayuan nga lang upang mapag-isa kaming mag-anak. Gabi na rin kaya medyo delikado, ngunit nandito kami ngayon sa labas, pinagmamasdan ang buwan. Nasa gitna naman si Athena na ngayo'y tulog na sa mga bisig ni Ricardo habang ako ay nakasandal sa kanyang balikat.

"Mahal, salamat dahil hindi mo kami pinabayaan ni Athena."

"Mahal, ako dapat nagpapasalamat dahil kahit immortal ako ay tinanggap niyo ako at nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa aking buhay. Salamat Maine."

"Mahal kita, Ricardo."

"Mahal na mahal din kita, Maine."

At unti-unti nagtagpo ang aming labi.

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon