Chapter Four

127 3 0
                                    

Napapagod na napaupo na lang ako sa couch matapos kong tumakas sa party na yun. naiinis lang ako kapag naaalala ko ang nangyari.

Bwisit na lalaki yun! Dinaig nya pa ang bagyo sa pagiging mahangin nya. Sino ba sya? Akala nya ba na porket gwapo sya, may appeal at sikat eh papatulan ko na sya? Yan ang mahirap sa lalaki eh. Masyadong MAYABANG!

Anong akala nya na matapos nyang tanungin ang pangalan ko eh magiging ganun na lang kadali ang lahat? At ano? Itatanong nya kung anong numero ko? Itetext nya ko kung pwede kaming mag date na dalawa tapos magiging sweet sya, dadaan daanin nya ko sa bulaklak at kung anong pagkain? Walanghiya sya tapos pag naging kami na, malalaman ko na lang na may pinopormahan syang iba?

NO WAYYYY!! Sigaw ng utak ko habang iniisip kung anong mangyayari kung ganun nga.

Paranoid na kung paranoid pero nag iingat lang ako. Para sa katulad kong naniniwala sa Chivalry, hindi magiging madali ang lahat kung liligawan nya ko.

Naalala ko naman ang nangyari kanina..

"Hi" biglang sabi ng hindi ko kilalang nilalang na malamang nakatayo sa harapan ko at gusto ng makipagkilala.

Hindi ko pinansin ang lalaki sa harap ko dahil sinusubukan kong ubusin tong isang plato ng pagkain na nilapag ng walanghiyang beatrice na to na kala mo hindi ako nakakain ng ilang araw sa dami.

"Ehem" Sh*t hindi ba nakakaintindi tong bwisit na to na ayoko syang kausapin? Naiinis na nilapag ko sa plato and tinidor at masamang tiningnan ang lalaki sa harapan ko.

"Whoaaaaa!! Teka lang para namang ako ang balak mong kainin sa tingin mong yan." preskong sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay. "Well, hindi naman ako tatanggi sayo" sabay tingin sakin mula ulo hanggang dibdib at nagkibit balikat "Maganda ka naman, sexy" patuloy nya.

At talagang sinusubok ako ng hay*p na to ah. Padabog akong tumayo mula sa kinauupuan ko at kuyom kamao ko syang tiningnan.

"FYI. Hindi ako pumapatol sa katulad mong anak ni satanas at sinalo mo na yata lahat ng hangin kapag may bagyo sa yabang at gaspang ng ugali mo" sabi ko sabay lakad palabas ng reception area para magpahangin ng sundan ako nito.

Bigla ako nitong hinawakan sa braso at mukhang sya pa ang naiinis na tiningnan ako.

" Teka nga. Sinusubukan ko lang namang magpakilala sayo but i think you're one of those girls with bitter past and that might be the reason why you treat guys like that" sabi nya na parang siguradonh sigurado sa nakaraan ko.

"Well miss, dahil tinarayan mo na rin lang ako. I won't be asking for your permission so i can introduce myself. By the way, I'm Lucas Nathan De Chavez. I'm not sure if that sounds familiar to you but it's nice meeting you Denny"
Sabay lakad palayo matapos nya akong halikan sa pisngi leaving me speechless.

How the f*ck did that effin' guy know my name?

And that's what happened. I just found myself going home after what he said.

Wala din namang magandang nangyari sa party dahil wala don ang taong inaasahan ko. Maybe it's for the better. Siguro nga hindi pa panahon para magkita kami.

Siguro kasi hindi ko pa kaya. Siguro hinahanda lang ako ng panahon para magpalakas, para maging okay na.

Sana kasi ganun kadali makalimot. Pero hindi lalo na kung alam mong sayang. Dapat naging kayo kung naging matapat lang ako sa sarili ko.

Yung alam mong may laban ka.

Yung alam mong may pag asa kayong dalawa pero wrong timing.

bigla ko na namang naalala ang nangyari noon.

2ND YEAR HIGHSCHOOL...

Nakangiti kong pinapanood ang school dance troupe namin habang nagbibigay aliw sa mga estudyante dito sa campus. Pangarap ko din sanang sumali sa grupo nila pero may pagkamahiyain kasi ako. Alam ko namang may ibubuga ako kung sayawan lang din ang pag uusapan pero saka na lang siguro. Para kasing hindi ko naman kayang pagsabayin ang mag aral ng sayaw habang nag-aaral.

Napawi naman ang ngiti ko ng biglang may humarang na dalawang lalaki sa pinapanood ko. Aba't talaga naman!..

Sisigawan ko na sana sila ng bigla silang maupo sa plantbox katapat ng classroom namin. Buti naman!

Muli kong sinulyapan ang dalawang lalaki na ngayo'y nakaupo na ng mapansin kong parang pamilyar ang isa sa kanila.

Nakasideview sya kaya hindi ko masyadong kita ang buong mukha nya pero agaran kong napansin ang matangos nyang ilong, manipis na labi na medyo mamulamula at ang kanang kilay nya na nagmukhang maangas dahil may hati ang gilid nito. In short, Oo Gwapo nga!

Pero pamilyar sya parang nakita ko na sya dati.

"Denny !" Tawag ng kaklase kong si May. Lumingon ako sa kanya para sana magtanong kung bakit nya ako tinawag ng mapansing para syang uod na inasinan sa kilos nya.

Halata mong kinikilig!

Paniguradong may nakita na naman tong bagong salta na ika nya nga eh magiging future nya.

"Alam ko na yang ganyang tinginan May. Tigilan mo ko"

"Eeeehhhhh Sige na. Malapit lang yung room nila promise. Wala pang limang minuto. Babalik din tayo agad dito. " kinikilig na sabi nya sakin

Ganyan nga ang gawain namin. Kapag may natipuhan na naman tong kaibigan ko, ako ang palagi nyang sinasama para sumilay sa bago nyang crush.

Oo silay! Kung naghighschool ka at nagkacrush ka dapat alam mo yun! Lahat siguro dumaan dun lalo na ang mga pabebe girls. Talagang walang makakapigil sa kanila.

Napabuntong hininga na lang ako. Eto na naman kami, magmumukha na namang stalker na kunwari may bibilhin sa canteen pero may kasamang pagsilay sa crush nya sa kabilang building.

"Oo na, limang minuto lang huh" pagsang ayon ko dito.

Natutuwa namang niyakap nya ko at hinila agad sa braso at nagkwento na nga sya tungkol sa bago nyang crush.

Pero isa lang ang tumatak sa isip ko kundi pangalan ng bago nyang crush.

"Xander" utas ko matapos balikan ang nakaraan.

Malalim na hininga lang ang pinakawalan ko at napapagod na hinubad lahat ng damit at sapatos upang makapaligo at makapagpahinga na dahil siguradong marami na namang mangyayari kinabukasan.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora