Chapter Thirty five

88 2 0
                                    

"What did he tell you? Did he said something offensive?... Denny C'mon... "

Kanina pa ko kinukulit ni Lucas kung anong ginawa namin ni Eric. Kesyo hindi daw siya nakatulog ng maayos kagabi, na sinubukan niya daw pumuslit sa kwarto ko pero nahuli siya ni Angel.

He's going nuts!

Tumigil naman ako sa paglalakad at hinarap ito. It's now seven in the morning at ngayon na kami magsisimula for the photoshoot.

"Stop it Lucas. What we talked about is really personal you know.. samin na lang yun." inis na sabi ko dito. Paano'y hindi ko na mabilang kung ilang beses na nitong tinanong ang tungkol doon. "You're being paranoid. Tss"

"You can't blame me. Bakit sa loob ka kayo ng kwarto mo nag usap? He can just ask you out.. yung.. yung kita ko." He irritatingly said.

Wow. This guy is real possessive. Natatawa namang binalingan ko ulit ito.

"San mo naman kami gustong mag-usap aber? Sa labas ng kwarto? Sa hallway ganun? " pang-aasar ko dito. As usual, kumunot lamang ang noo nito sa sinabi ko.

"He better keep his distance hon.. because this" sabi nito while pointing his finger on my left chest. "That part is taken.. you get that?" mayabang na sabi nito.

"You're too confident Lucas. Baka nakakalimutan mo na hindi pa kita sinasagot." pagsusungit ko dito. Aba matindi kung makabakod eh hindi naman kami.

"W-whatt?!" palatak nito. "Anong sinasabi mo hon? I thought.." naguguluhang sabi nito. Aba't anong akala nito sakin?

"Hoy De Chavez hindi ako cheap ha. Akala ko ba liligawan mo ko? eh ni pinitas na gumamela o kaya chocnut man lang wala kang binibigay sakin." Inis na inis na sabi ko dito. Ngayon lang ako nagka-oras na punahin ang panliligaw nito sakin kung nanliligaw nga.

"Do you need those? Kaya mo namang bilhin na yun eh so bakit kita bibigyan nun hon?" Napanganga naman ako sa sinabi nito. Seryoso?

Pinukol ko naman ito ng masamang tingin habang umaapuhap ng sasabihin. Hindi tuloy maiwasang magbukas sara ng bibig ko. Naikuyom ko naman ang palad at tinalikuran ito. Tado!

"Wait hon. Sht. Did I said something wrong?" anito habang lakad takbo na hinahabol ako.

Hindi ko naman ito pinansin at nagpupuyos ang loob na nagmartsang naglakad na lamang ako papunta sa kinaroroonan nina Angel at ni Justin na siya uli naming photographer.

"Oh. Nandito na pala sila. We can start the shoot now Justin." Angel said.

Tipid na nginitian ko naman ito. "Goodmorning guys. I'm sorry to keep you waiting." mahinahon na sabi ko naman sa mga staff. Ngumiti naman ang mga ito pabalik.

"That's okay Denny. Kakatapos lang naman naming mag-set up." Paliwanag ni Justin.

Nahagip naman ng kaliwang mata ko si Eric na seryosong nakaupo sa isang white folded chair habang nasa harap nito ang isang tasang kape. Now, he's drinking coffee? Eh?

Mukhang napansin naman nito na may nakatingin sa kanya kaya naman napatunghay naman ang mukha nito at diretsong napatingin sakin. Nilapitan ko naman agad ito saka umupo sa tabi nito.

"Hey! You okay?" masiglang tanong ko dito. He doesn't look okay to me though but I still want to ask.

Ngumiti naman ito sakin at tumango tango. "Yeah. You know me. Tahimik lang ako kapag may iniisip." paliwanag nito habang sumisimsim sa kapeng hawak.

"It's really unusual seeing you drinking a cup of coffee you know?" biro ko dito.

Natawa naman ito sa sinabi ko. "You really know me no doubt." obvious ba? "I just found that it's a good thing.. It somehow helps.. pampagising." sabi na lamang nito habang ngayo'y nakatingin na sakin.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora