Chapter Thity one

82 3 1
                                    

This chapter is dedicated as promised to CpmMacaraeg . Special mention ka na naman gurl. Thank you for your continuos votes and comments. :)
--

Halos malamukos ko na ang dyaryong hawak ko sa higpit ng pagkakahawak ko dito. Panibagong balita na naman ang bumungad sa akin kinaumagahan matapos ng nangyari kahapon.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nababasa ko ngayon. Papaanong hindi? Hindi ko malaman kung sinong sisisihin sa nangyari..

F*ck this mess!!

Inis na kinuha ko naman ang iphone ko sa ibabaw ng couch na kinauupuan ko ngayon.

Eric calling...

Sh*t! Hindi ko na mabilang kung ilang missed call na ba ang natanggap ko sa gagong 'to. Ito ang unang beses na nagalit ako sa kanya. Panay din ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko patungkol sa pumutok na balita.

Hinayaan ko lamang itong tumawag ng tumawag pero wala akong balak sagutin ang mga tawag niya. Hindi ko pa din mapigilan ang inis sa nangyari...

Lucas..

Damn that guy! I've been trying to contact him to explain what happened na mali ang akala niya! Mapapatay ko talaga ang gagong kumuha ng litrato namin ni Eric.

Nakatikom naman ang labing tumayo na ako sa higaan para kumain. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa nangyayari dahil hindi naman ito ang unang beses na nasangkot ako sa mga ganitong klase ng balita.

At ang ayoko kapag naiistress ako ay yung ganito! Napapakain ako ng madami.

corned beef, sunny side up egg, hotdog, hot chocolate at tinapay!

Oo! Sa kanila ko ibinubunton ang frustration ko ngayong araw na to. Napipilitan ko namang binuksan ang t.v para makinig sa walang katotohanang tsismis sa showbiz at hindi nga ako nagkamali dahil bumungad agad sa harapan ko ang balita tungkol sa amin ni Eric

"Maraming netizens nga ang nagulat ng kumalat ang larawan ng sikat na modelong si Denny Sevilla at ang manager nitong si Eric Vladov matapos makuhanang magkahalikan ang dalawa sa labas mismo ng condo unit ng nasabing modelo... Mukhang mali nga ang haka haka sa relasyon nito kay Lucas De Chavez na kamakailan lamang ay naugnay din sa parehong kontrobersiya..."

Inis na napasuklay na lamang ako ng buhok at bahagyang ginulo gulo pa ito. Eto na nga bang sinasabi ko. Hindi ko na din sinubukang mag log in sa mga Social Networking sites dahil ang mundo ay punong puno ng mga judgemental na frogletss!!

Pinatay ko na din ang t.v at baka hindi ako makapagpigil ay masira ko pa ito. Hindi ko akalaing may mga alagad din ng mga walang magawa sa buhay na kumuha ng larawan namin ni Eric maging dito sa condo na tinitirhan ko na naglakas loob pang ipost sa isang kilalang network official facebook page ang picture namin habang naka-pose ito sa camera at nakangiti habang naka-peace sign kung saan malinaw na nahagip ng camera nito ang magkalalat na labi namin ni Eric.

Ipinilig ko naman ang ulo sa naalala. Hindi ko naman lubos akalaing magagawa iyon ni Eric. Para naman kasi itong nakadrugs sa nangyari kahapon. Lasing na lasing itong dumating sa lobby ng condo na ikinagulat ko.

Hindi ko naman mapigilan na tulungan ito paakyat sa condo unit ko. Nakagalitan ko pa nga ito sa pagmamaneho ng lasing.

At ang baklang iyon! Muntakan ba namang itulak ako sa pasandal sa pinto ng unit at bigla akong halikan kaya napahawak naman ako sa magkabilang balikat nito kaya naman nagmukhang nagmemake-out nga kami kahit ang totoo ay pilit ko itong itinutulak palayo.

Hindi ko din alam kung talagang nagkasundo yata ang sanlibutan na bwisitin ako ngayong araw na 'to dahil nabungaran ko na lang ang dyaryong yun sa tapat ng pintuan ko kaya hindi ako makalabas ng condo ngayon dahil baka maya maya ay lundagin na lang ako ng media sa labas!

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora