Chapter Sixteen

64 2 0
                                    

Inis na ipinilig ko ang ulo ng maalala ang nangyari sa pagitan namin ni Satan tatlong araw na ang nakakaraan.

Hindi ko lubos maisip na nangyari nga ang bagay na iyon. Shit happens. Wala namang nangyari sa aming dalawa, hanggang doon lang yun. Matapos yun ay agad din naman akong umalis ng mapagtanto kung anong nangyari.

Pinabayaan din naman ako nitong makaalis. Siguro'y nagsisisi din sa nagawa. Ilang araw din naman na ang nagdaan.

Dapat hindi mo na iniisip yun. Pangaral ko sa sarili ko habang paulit ulit tinatapik ang noo.

"Penny for your thought?" Napalingon naman ako dito na ngayo'y pinagmamasdan ang katangahan na ginagawa ko sa sarili ko.

"Nah. I'm just thinking about the shoot. We still have 4 days but I'm looking forward for the other week para ma enjoy ko naman ang activities dito sa Palawan" sagot ko dito na sana'y hindi nahalatang binabago ko ang usapan.

But what I said is true. Two weeks kaming mag sstay dito. One week for the photoshoot and we requested to Catalina na magpapaiwan muna kami dito ni Eric for a week staycation.

"Yeah! Me too. Nagtanong tanong din naman ako sa mga tao dito. I even research for the activities we can do while we're here. It's going to be fun." Natutuwang sabi nito habang nakapamulsa ang mga kamay.

"Anyway, have you already eaten lunch?"

Bigla namang kumalam ang sikmura ko sa sinabi nito. Hindi pa din ako nakakapat umagahan. Parang wala akong ganang kumain kahit anong pilit ko.

Agad naman akong umiling bilang tugon sa tanong nito at natatawa naman nitong hinila ang kamay ko ng marinig ang pagmamaktol ng tiyan ko. Shit.

"Alright. We'll eat together. Hindi pa din ako kumakain babes. May nakita din akong sikat na makakainan malapit sa resort natin so let's go para makakain na yang halimaw mo sa tiyan." Pabirong sabi nito at nagpa-giya na lamang ako.

I'm hungry alright.

MABILIS din naman kaming nakarating sa sinabi nitong sikat na resto and yeah mukhang masasarap naman ang putahe. Mas malimit ang seafoods dahil malapit kami sa tabing dagat at isa din naman yun sa pangunahing kabuhayan ng mga tao dito.

Hinayaan ko namang si Eric na ang pumili sa kakainin namin. I trust his taste. Sanay sya sa pagkaing Pilipino kaya mas alam nya kung ano ang tamang piliin.

Agad naman kaming naupo ng mapansing marami ang nakatingin sa pwesto namin. Mukhang nakuha na naman namin ang atensyon ng ibang tao dito. May isa naman akong napansin na nagpapabalik balik ang tingin sa pwesto namin at sa kabilang table sa kanang gawi ng resto.

Teka nga..

Pamilyar ang babaeng yun ah.

Shit. Tama! Sya yung isa sa mga fangirls ni Satan kahapon. Yung isa sa mga nagtangkang humabol samin.

Kunot noo ko naman itong tiningnan ng mapansing di ito tumitigil sa kakatingin samin at sa kabilang table. Napabaling naman ang tingin ko sa kabila para makita ang tinitingnan nito.

Fudge!

Nanlaki naman ng bahagya ang mata ko sa nakita. Shit. Mukhang alam ko na kung bakit ganoon na lamang makatingin ang babae sa amin habang nakaawang ang bibig.

Sino ba namang hindi mabibigla kapag nakita mo na ibang babae ang kasama ng idol mo at masayang kumakain habang ang rumored girlfriend nito ay iba ding kasama?!

Gagong satanas na 'to.

Tatlong araw na hindi nagpakita. Yun naman pala ay may kinakalantari ng iba. Hindi ko naman namamalayang napahigpit na pala ang kapit ko sa tinidor na hawak ko.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora