Chapter Forty one (II)

58 3 6
                                    

Still Eric and Denny's Chapter. This is a continuation. Anyway, Thank you @GeraldFugaban for your votes :)


"Eric no!" Sht. Basa na ko. Pinagbigyan ko kasi ito sa gusto nito na itry muna namin ang Safari Splash bago ako nito pagbigyan sa gusto ko sa Drop tower. At mukhang iniinis naman ako nito dahil kanina pa ang pagwisik sakin nito ng tubig. Dagdag pang talagang hindi maiiwasang mabasa ka talaga.

Panay lamang ang tawa nito sa akin na siyang lalong nagpadagdag sa inis ko.

"You're doing this on purpose Eric!" pambibintang ko dito. Ayaw lang siguro nitong matuloy kami sa pagsakay sa gusto ko kaya tuwang tuwa siyang basang basa na kami.

"What?! Of course not." nakangising pagtanggi nito. Pinanliitan ko lamang ito ng mata.

"Kapag lalo akong nagkasakit. Kasalanan mo!" pangongonsensya ko dito. Alam naman nitong kanina pa ko sinisipon. Parang lalo tuloy lumala yung sipon ko. The water is so cold for pete's sake!

"Sht. I'm s-sorry. I forgot." nagsising sabi nito. He looks so damn guilty. Sabi ko na nga ba.

"You could have told me na ayaw mo talaga. I hate you." nanunubig ang mga matang sabi ko dito. He can't blame me. Paano kung bigla na lamang akong lagnatin nito.

Hindi pwede! I can't let that happen.

Madami pa kong pending appointments na kailangan kong tapusin. Bahgya na nga naming napakiusapan si Mr.Valdez na i-reschedule na lang ang commercial dahil nagkasakit ako. Pumayag naman ito dahil pinaliwanagan na din naman ito ng sarili nitong secretary.

Agad naman nitong hinawakan ang kamay ko. Pinabayaan ko na lang. Wala akong lakas na makipagtalo. Lumabas naman kami ng Skyranch at dumiretso sa kotse nito. May kinuha ito sa backseat ng sasakyan saka iniabot sa akin ang maliit na bag.

"You should change. Kumpleto yan. May towel na din diyan sa loob."

"Saan naman ako magpapalit?" tanong ko dito. May CR naman siguro sa loob.

"You can just change at the backseat babes. Heavily tinted naman ang mga bintana so I assure you, walang makakakita sayo diyan." saka binuksan nito ang likod ng sasakyan.

"What?! No way.. bakit hindi na lang tayo bumalik sa loob? Baka may CR doon. Imposibleng wala." katwiran ko dito.

"Maghahanap pa tayo kung saan and what if.. what if hindi malinis?"

Hindi na ako nakipagtalo dito. This man is really OC. Gusto palagi malinis. Isa din yun sa dahilan kung bakit noon ay pinagkamalan ko talaga itong bakla. He's a freak. He wants everything in order. For him, cleanliness is a must. Tsk.

Pumasok na ko para wala na itong masabi. Agad ko namang binuksan ang bag na dinala nito and true to his words... kumpleto nga ang mga gamit ko dito even toiletries meron din, even my.. Fck. Bakit may underwear ako dito? Don't tell me hinalungkat niya ang... Sht this guy!

Pinamulahan tuloy ako s nakita ngunit bigla din naman akong napakunot ng noo ng mapansing isang malaking tshirt ang laman nito at isang jogger pants. Too conservative. Ugh.

Nakasimangot ko lamang na isinusuot ang mga dala nito. Wala naman akong pagpipilian. Eto lamang ang laman ng bag. Agad din naman akong lumabas ng kotse pagkapalit ko ng damit. Mabuti na lamang at may nakita akong ibang cap sa likod ng sasakyan ni Eric at may iilan din akong mga damit na nakita.

Agad ko naman itong isinuot at lumabas na. It's so cloudy outside. Mukhang papagabi na. Napatingin naman ako sa relo na suot ko. It's almost 6pm. Ang bilis ng oras. Marami rami na din naman kaming nasakyan bago ang Safari splash.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora