Chapter Thirty four

83 2 1
                                    

This chapter is dedicated to @layrobilsilongan . Thank you for your votes. Leave your comments na din. mabait si author promise. Enjoy! :)


Yakap yakap ko lamang si Eric habang hinahayaan ko lang itong umiyak. Ito ang unang beses na nakita kong naging mahina siya. Ni isang beses hindi ko kinakitaan ng lungkot o kahinaan si Eric.. ngayon lang.

"I'm s-sorry.." garalgal ang boses na sabi nito. " I didn't expect that I'll lose it. You do know how many times I tried to look for my father." nahihirapang sabi nito.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon dahil saksi ako doon. Saksi ako kung paano makiusap kay Eric ang sarili nitong ina para mahanap ang nawawala nitong asawa.

Tanda ko pa kung paanong lumuhod sa harap ni Eric ang ina nito habang umiiyak. Umaasang mahanap pa ang asawa. Malinaw pa din sa aking memorya kung paano pinipilit ni Eric na magpakatatag para sa kanilang dalawa.

Tita Meredith loves her husband to eternity. Kahit hindi ko alam ang pinagdaanan nila noong nawala si Tito Henry, alam kong sobra itong nahirapan dahil mag-isa nitong itinaguyod si Eric. Walang sinuman ang tumulong sa dalawa.

Ikinuwento kasi noon ni Eric ang nangyari noon na hindi tanggap ng mga magulang ni Tita Meredith ang ama nito kaya nagtanan ang dalawa kung kaya't lubos na nahirapan si Tita ng nawala ang asawa nito.

"H-how's Tita?" nag-aalalang tanong ko dito. Kasalukuyan kasi itong nasa States at doon na naninirahan. Si Eric ang nagdesisyon na ilayo muna pansamantala ang ina dahil hindi daw ito makakalimot kung mananatili ito dito.

Mukhang hindi naging maganda ang tanong ko dahil nalungkot naman ang mga mata nito.

"She's doing fine.." sumeryoso naman ang mukha nito. " I don't know how to tell her. Ayoko ng malaman pa niya. She's already ok, tanggap na niyang wala na si papa."

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Kung ganoon ay hindi pa din pala talaga alam ni Tita ang nalaman ni Eric. Agad ko namang hinawakan ang kamay nito.

"Eric, she deserves to know.." malumanay na pagpapaliwanag ko dito. "She's been longing for your father eversince.. wag mong ipagkait sa kanyang malaman ang nangyari.. It's still her husband we're talking." pagpapaintindi ko dito.

Agad naman nitong inalis ang pagkakahawak ko sakamay nito at nahihirapang isinuklay ang dalawang kamay sa buhok nito. I know he's frustrated and all but Tita has to know.

Tiim labi naman ako nitong hinarap. "How can I tell her Denny?!" madiing sabi nito. "How can you tell your mother that your father is dead and that he had another family? huh?!" galit na sabi nito na ikinabigla ko.

"P-paano..ng?" nahihirapang tanong ko dito pero mahihinag mura na lang ang narinig ko dito.

Nanginginig naman ang labi nito sa pagpipigil ng pag-iyak. Oh God. Paano?

"He had a.. family D-denny.. I saw her.. h-her wife.." nahihirapang sabi nito. "I saw her at my father's grave.." aniya.

Naluluha naman ako sa nakikita ko. Ngayon ko na naiintindihan kung bakit. Masasaktan si Tita. Hinaplos haplos ko lamang ang likod nito sinusubukang pakalmahin dahil ramdam ko ang galit niya.

"She knew that I'm his child Denny.. She explained that.. t-that my father had a terrible amnesia when the accident happened." galit na sabi nito. "Hindi niya kami naalala that's why he had another family... a-another children with that woman!!." 

"Tama na Eric. P-please.. wala silang kasalanan. I don't know who she is pero mabuti siyang tao kung inaalagaan niya ang papa mo.." sabi ko dito habang sinusubukan siyang pakalmahin.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora