Chapter Forty four

88 2 17
                                    

I woke up surprised that I just don't care anymore. Natuyo na yata lahat ng luha ko mula sa walang tigil na pag-iyak ko kanina. I just so hate it. 

Bakit ba lagi na lang akong umiiyak sa mga walang kwentang bagay. I really don't understand why I suddenly became so weak when he came into the picture. That Lucas Nathan De Chavez is nothing but an ass.

Napabuntong hininga na lang ako. I'm tired. Wala pa man akong ginagawa ngayong araw na 'to pero pakiramdam ko pagod na pagod na yung buong katawan ko. 

But maybe it's better this way.

I'm sorry... but I love you... too much

Napapikit na lang ako ng maalala ang huling sinabi niya. Am I supposed to believe it? I don't know. There's something that's bothering me. What if hindi naman talaga totoo?

I need to get out of here.. Masyado ko ng ikinukulong ang sarili ko sa kanya. I need to breathe some fresh air I think..so that's what I'm going to do.

I opened my closet to look for something to wear. It's 11pm, maaga pa naman... para sa akin. It's the best time to party. Nakaligo na din ako at nakapag-ayos na. Nang makapili ng susuotin ay agad ko namang hinagilap ang cellphone ko.

I need my friends. I miss them actually..

"Hello." masayang bati nito sa kabilang linya. Napangiti naman ako. 

"H-hey. nasan kayo?" agad kong tanong sa kaibigan ko. Yeah. I'm talking to Beatrice.

"Yan talaga ang bungad mo sakin bes?" nagtatampong sabi nito. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakalabi na ngayon ang isang 'to. "Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Ilang linggo kang hindi nagparamdam. Nagtatampo na nga kami." sunod sunod na sabi nito.

I'm guilty alright. Nawalan na ako ng time sa kanila. 

I sighed. "I'm sorry. I'm just b-busy." pagpapalusot ko dito. 

"Okay fine. Anong kailangan mo?" mataray na tanong nito. napangiwi na lang ako sa tono nito. Talagang hindi maitatago ang pagkainis nito sa akin.

"I uhm.. I j-just miss you guys." pag-amin ko.

We've been friends for years. Masayahing tao si Bea and I know when she's pissed off and why. Lagi na lamang kasi akong hindi sumasama sa lakad nila nitong mga nakaraang araw. Alam kong nagtatampo siya and she has the right to.. ayoko sanang isipin niya na kaibigan ko lang sila kapag may kailangan ako sa kanila.

They are all important to me but I guess.. hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong bagay. I can't blame them. Kahit naman ako.. Noong mga panahon na may mga boyfriend yung mga kaibigan ko noong college kami ay pakiramdam ko napag-iiwanan ako.

That time.. when I felt like I'm alone dahil busy sila sa mga sarili nilang lovelife at ako? Napag-iiwanan na. Nawawalan na din sila ng time sa aming magkakaibigan dahil mas pinipili nilang kasama ang mga nobyo nila.

"I'm sorry." sabi ko dito nang hindi ko na narinig na sumagot ito sa sinabi ko.

"Revel Club at the palace complex. Siguro naman alam mo na kung saan yun? Malapit lang ang condo mo dito." She said bago pinatay ang tawag.

I really have to make it up to them. Mabuti naman at malapit lang ang club na pinuntahan ng mga ito. Revel is  luxurious nightclub in BGC. It's at the palace complex. The perfect place for celebrities like me since it's a high end nighclub.


I arrived at the place minutes after.  Madami ng tao but of course, they're all socialites. Dire-diretso na akong pumasok sa loob pagkatapos maicheck ang reservation to find my friends at hindi naman ako nahirapang hanapin silang tatlo dahil mukhang inaantay din naman ako ng mga ito.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora