Chapter Twenty One

52 3 0
                                    

We're here in Makati. Dito kasi gaganapin ang press conference for Catalina Israel's collection. Nagkita na din kami kanina pero hindi naman din nagtagal ang pag uusap namin because she has to attend some guests.

Catalina is in her early thirties. Napakabata pa din nitong tingnan. She's a fashion designer pero mas pinili nito ang pag-dedesign ng mga lingerie other than clothes and gowns. Mahilig kasi itong mangolekta ng mga undergarments nung kabataan niya. She actually told me the story how did she ended up collecting it.

Natanaw ko naman mula sa kinatatayuan ko si Eric kausap ni Angel. Nag aaway ba sila?

Agad ko namang nilapitan ang dalawa pero nahuli ata ako dahil naglalakad na palayo si Angel.

"What happened? Bakit parang nag aaway kayo? May problema ba in relation sa press release Eric?"

Hindi naman ito kaagad nakasagot sa tanong ko. Pinagmasdan ko itong magtaas baba ang dibdib habang magkatikom ang dalawang labi. Kapagkuwan ay humarap naman agad ito sa akin.

"I'm sorry you have to witness that. It's just a misunderstanding. Let's go back? Nag aantay na ang media." Agad na sabi nito at hinawakan ang kaliwang braso ko at agad iyong ikinawit sa kanang braso niya.

"You look beautiful tonight." bulong naman nito na agad na ikinapamula ng pisngi ko. This gay! Shit.

Inihila naman ako nito ng upuan para makaupo na. We're up on the stage with a long table covered with white table cloth. May mga pangalan din naman namin sa harap at napansin ko din ang mga nakapatong na mic dito. Marami na ding reporters ang nag aantay sa amin at hindi din nakaligtas sa mata ko ang mga cameraman at floor organizer na nagbibigay ng signal sa mga ito.

"Goodevening Ladies and gentlemen. We would like to thank everyone for coming tonight. As everyone knows, this will be an event for the pre-launching of Catalina Israel's collection. We'd like to welcome our guests..."

Nagsimula ng mag opening ang emcee at isa isa na nga kaming ipinakilala sa media. That's part of the event.

Matapos noon ay namalayan ko na lamang na nagsasalita na sa unahan si Catalina at nagbibigay ng papuri sa mga staffs ng photoshoot ganun na din sa mga naging parte ng summer collection niya. Narinig ko din ang pagtawag nito sa pangalan ko.

Ngayon nama'y pinapalabas na sa screen ang teaser ng magiging commercial ng C.I's Collection. Matagal ng naishoot ang teaser na yan bago ko pa gawin ang fashion show sa New york. Katulad nga ng sabi ko na delay lamang ang nasabing photoshoot dahil sa hiningi kong bakasyon.

Namalayan ko na lang na nag uumpisa na pa lang magtanong ang media.

"So why did you choose to do the photoshoot here in our country? Why not in New york since that's where your main office is located?" tanong ng isang babae na wari ko'y nasa late twenties pa lamang ang edad.

Agad naman itong sinagot ni Catalina.

"Well, This is the country where I started collecting undergarments when I was a teenager. That's where it all began. I still remember when my friends and I went to a private resort unplanned. Natandaan ko pa nga noon ng pagtawanan ako ng mga ito dahil bulalaklaki pa ang suot kong underwear at take note. Hindi pa magkaterno." Kwento nito at doon ay nagtawanan kaming lahat sa sinabi nito.

That's true. She once told me that story at nandun pa naman daw ang crush niya. Akala niya naman daw kasi noon na kapag summer kelangan colorful din miski bikini. That's why she promised herself noon na kokolektahin niya lahat ng mga bagong usong bikinis.

Madami dami na din ang natanong ng mga ito tungkol sa produkto na sinasagot naman namin agad.

Natanong na din ako ng mga ito kung kamusta din ang experience ko during the project. Of course I told them that I enjoyed every bit of it.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora