Chapter Thirty eight

98 5 4
                                    

"Are you sure you're doing fine babes? pwede naman nating ipagpaliban na muna ang photoshoot." Eric said while brushing my hair. Yup! Siya ang nagsusuklay sa akin. 

Pakiramdam ko kasi ay wala akong lakas ngayong umaga matapos naming makabalik kahapon. We're now in my condo. Pakiramdam ko kasi ay magkakasakit ako. Ganito lagi ako kapag magkakasakit, tamad sa lahat ng bagay.

"No Eric. Don't do that.. baka magalit na sa atin si Mr. Valdez kapag nakiusap na naman tayong i-reschedule ito. You know it's been delayed a long time ago. Sobra sobra na nga ang nahingi kong palugit sa mga ito."

"But I know you're not feeling well Denny." pagbanggit nito sa pangalan ko at kapag ganoon. Alam kong seryoso na ito.

Agad ko naman itong hinarap mula sa pagkakatingin sa vanity mirror at hinawakan ang kamay nitong hanggang ngayon ay hawak pa din ang hairbrush ko. He looks cute.

Napapaso namang inilapag nito ang kamay niyang hawak ko. Napatawa tuloy ako ng bahagya. Ano bang problema nito. Lately ko lang napapansin na lagi itong naiilang sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay may malala akong sakit at hindi ito pupwedeng madikit sa akin.

 Bakit kasi hindi na lamang ito naging bakla talaga. That would make things less complicated lalo na yung ganito. Dati rati sobrng touchy ko sa kanya at wala lamang dito dati iyon pero simula ng liwanagin niya sa akin na hindi nga siyang bakla. Hayy ewan ko.

"D-did you already told tita about what happened?"pag-iiba ko ng usapan. Ilang beses ko din namang hindi kinulit si Eric tungkol sa mga sinabi nito sa akin. I don't want to pressure him.

He just sighed then placed his two fingers on his nose bridged na parang nahihirapan itong pag-usapan iyon.

"I'm s-sorry. I should have not ask about that."

"No. ahm.. it's fine. Naghahanap lang ako ng magandang pgkakataon para masabi kay mommy ang lahat. The last time I checked on her , she's doing fine. Mukhang maayos naman ang pag-aalaga ng personal nurse nito sa kanya."

I get it. I know what he means. Alam kong mahihirapan talaga siyang ipaliwanag kay Tita ang nangyari knowing that Tita is already doing fine. I don't know if she can bear the truth of her husband who had another family.. That would hurt.

"Have you seen your siblings with your dad's you know.." nag-aalangang sabi ko dito. Of course I know he has step-siblings with his dad. Ilang taon din namang nagsama ang daddy nito at ang naging asawa nito.

"N-no.. I'm not sure if I.." nahihirapang sabi nito.

Napatayo naman ako at agad itong niyakap. "I'm sorry if I have to ask that Eric. Ayoko namang kimkimin mo na lang sa sarili mo ang lahat. I'm here." pag-alo ko dito. habang patuloy pa din itong niyayakap.

Niyakap din naman ako nito pabalik at ibinaon ang mukha sa mga leeg ko.

"Thank you for always being here."

"It's oka-- achuuu.." Sht. Natuluyan na. Natatawa namang humiwalay ito sa akin.

"I'm sorry.. acchuuu.. Eric!!" pagmamaktol ko dito at wala naman itong ginawa kundi tawanan ako. Damn.

"W-wait here. I'll just buy some meds." natatawa pa ding sabi nito. I hate this. Eto ang pinakaayaw kong sakit sa lahat. Kapag nagsimula na kasi akong sipunin, alam kong sunod sunod na. Naiiyak namang napatango na lamang ako dito.

"Do you want to eat anything?" habol na tanong nito. Napanguso naman ako. He knows me very well. Alam niyang matakaw ako kapag ganitong may sakit ako. Oo, kabaliktaran ako ng iba na walang ganang kumain kapag may sakit.

Hindi na naman nito inantay pa ang sagot ko at dire-diretsong lumabas ng pinto.

-

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa panonood ng tv habang inaantay ito. I just feel really tired kahit na wala pa akong ginagawa.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora