Chapter Forty three

43 3 1
                                    

Napipilitang tumayo ako sa pagkakahiga. Hindi ko na din alam kung anong oras na. Kanina pa naman ako gising pero kanina pa din ako tulala sa kisame.

Hindi ko na din makita si Eric. Mukhang umalis agad pagkahatid sa akin kagabi.

Hindi ko tuloy maiwasang magtampo sa isang yun. Basta na lang ako iniwan. Pwede namang dito na lang siya matulog sa condo ko.

"Fuckshit naman. Sandaliii!" galit na sigaw ko sa labas. Paano'y kanina pa hindi tumitigil sa pagkatok yung nasa labas.

Sunod sunod na pagkatok pa ang narinig ko.

Inis tuloy na ginulo ko ang buhok habang nakakuyom ang kamao. Hindi ko tuloy maiwasang magdabog. Tatamaan talaga sa akin ang walanghiyang 'to.

Agad ko namang tinungo ang pinto at binuksan ito.

"ANONG KAILANGAN-?" bungad ko dito pero hindi ko naman na naituloy ang sasabihin ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

What the hell is he doing here?!

Mas lalo namang nasira ang umaga ko. Anong ginagawa ng satanas na 'to dito? Bigla tuloy umakyat sa ulo lahat ng dugo ko.

Naaalala ko pa din kung paano ako nito sinigawan sa huli naming pag-uusap.. and now he's here?!

Nanatili namang nakatitig lamang ako dito pero agad din namang nangunot ang noo ko ng mapansin ang gusot sa mukha nito.

At bakit ang aga aga pero pakiramdam ko ay siya pa ang galit? Ayos ah!

"What the hell are you doing here?!" I said in gritted teeth.

Hindi man lang ako nito pinansin. Hinawi pa ako nito sa gilid ng pinto at tuloy tuloy na pumasok sa unit ko.

"And what do you think you're doing huh?" sigaw ko dito habang sinusundan ito.

Nalibot na ata lahat nito ang sulok ng unit ko. Nakakuyom ang isang kamao, magkasalubong ang kilay at nakatiim ang mga labi nito habang wari mo ay may hinahanap sa kung saan.

"Ilabas mo na siya Denny." nanggigil na sabi nito.

"Anong ilalabas ko?" naguguluhang tanong ko dito saka ito sinundan ng pumasok ito sa kwarto ko. Anak ng-

Balak ko pa nga itong pagalitan ng bigla akong harapin nito. Magkasalubong ang kilay ni Lucas, nakahawak ang magkabilang kamay sa baywang at umuusok ang ilong sa inis. Tinaasan ko tuloy ito ng kilay. Ano bang problema ng isang 'to?

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko ng bigla itong magsalita na ikinakunot ng noo ko.

"Nasaan sabi Denny eh." galit na sabi nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo huh? At a-ano.. Denny na lang ngayon? What happened to hon?" taas noong tanong ko dito. Walanghiyang 'to! Ni hindi pa nga ito nagsosorry ng sigawan niya ako sa telepono. Kung galit siya puwes, Mas galit ako!

Nginisian lamang ako nito saka nang-uuyam na tumingin sa akin.

"Oh c'mon. I waited for you yesterday for fck's sake. Don't play games with me Denny. I saw that bastard Eric carrying you to your unit." galit na pagpapaliwanag nito. "Anong ginawa niyo huh? Are you with him the whole day? Kaya ba hindi ka sumasagot sa mga tawag ko? Is that it?" 

Napanganga na lang ako sa sinabi nito. 

"Ano? C'mon! Speak up. Where did you two go huh?" hindi na lamang ako umimik sa sinabi nito. Ano bang pinagsasasabi nitong gagong 'to? Agang aga pero ang init ng ulo.

"Ohh.." sabi nito na parang may napagtanto. "Baka naman may nangyari na sa inyo. Ganun ba yun Denny? Am I right?" sarkastikong pagkakasabi nito na ikinabigla ko. A-ano daw?

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora