Chapter Fifteen

81 3 0
                                    

Hinihingal namang napaupo na lang ako sa buhanginan at tinanaw kung gaano kalayo na ang natakbo namin.

Tumatawa namang naupo din sa tabi ko ang bwisit na gunggong na to na wala na atang ginawa sa buhay kundi ang inisin ako.

"Anong nakakatawa dun ha?!" I spat at him and still trying to catch my breath. Shit. "Do you think what you did is funny? Ano na lang sasabihin ng mga yun huh. Alam mo ba na kahit iilan lang silang nakarinig ng sinabi mo eh kakalat pa din yun sa iba." Naiinis na sabi ko dito.

Tumingin naman 'to sakin pero hindi nagsalita. Pinagmamasdan lamang ako nito na inis na inis sa nangyayari habang hindi pinapansin ang sinasabi ko.

"Ano hindi ka talaga magsasalita diyan? Bawiin mo yung sinabi mo dun. Linawin mo na hindi tayo kung hindi pagsisihan mo 'to De Chavez!!" Nangangalit ang ngipin na dugtong ko pa. Parang gusto kong manakal ngayon.

Nagulat naman ako ng bigla itong dumukwang palapit kaya nanlalaki ang mata kong napaatras dito.

"Ano...ng gina..gawa mo? Luma..yo ka nga" sabay tulak ko dito palayo pero tumigil lamang ito sa paglapit.

Shit. Nakalimutan kong hubad baro pa din pala sya.

Napapaso namang inalis ko ang sariling kamay sa pagkakalapat sa dibdib nito. Para lamang akong tumutulak ng pader. F*ck

"Maganda ka pala talaga. Even up close, you still manage to look beautiful." Sabay baba ng tingin nito sa labi ko. Wala naman sa sariling nakagat ko ito.

"Want me to kiss you?" Nakangising tanong nito na di alintana na sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

Naiilang naman na lumayo ako rito at tumingin sa harap. Kainis. Umayos naman ito ng upo at nakalapat ang dalawang kamay sa likuran.

"Masarap pala sa pakiramdam na malayo ka muna ano? Want me to tell you a truth?" Bigla na lamang na tanong nito.

"What truth?" I asked halfly interested.

He smiled and he continued..

"I came here when I saw your picture on instagram. You were.. I don't know. Hmm. You just captured me." Namumulang sabi nito.

Biruin mo naman na namumula rin pala ang isang to. Puro kayabangan lang naman ang alam kong alam nitong gawin.

Hindi ko naman pinahalatang kahit papano eh naapektuhan ako sa sinabi nya. I'm used to a lot of people admiring my beauty pero ayokong puro yun na lang ang nakikita nila sa akin. I'm more than that.

"Well" simula ko at lumingon dito. "Sanay na ko sa mga ganyang papuri. Wala ng bago." Mayabang na sabi ko dito trying to lessen the lighten up the situation.

Masarap din namang minsan eh matino kang makapag usap sa mga tao hindi yung palagi na lang kayong nag aaway.

I just flashed him my sweet smile after I said that.

Bumuka naman ang labi nito na akala ko ay may sasabihin pero hindi na umimik. Nakatingin lamang ito sa akin at mataman akong tiningnan.

"You're... Shit!" Sabay hawak nito sa kaliwang dibdib na parang nasasaktan. Imbis na mag alala ay naiinis na napakuyom ang kamao ko sa buhangin.

"Are you telling me that I look like Shit? Naiinis na sabi ko dito. Agad naman itong napalingon at natatarantang binawi ang sinabi nito kanina.

"No. Of course not. That's not what I mean. I'm about to say that you're more beautiful when you smile." Namula naman ako sa sinabi nito.

"Let me take a picture of you para may silbi naman yang camera mo. Hand it to me" nakangiting suhestiyon nito.

And I already told you that I love pictures right? Kaya agad ko namang iniabot ang camera ko dito at nagsimulang tumingin sa camera habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod at matamang tiningnan ang lens nito.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora