Chapter Twenty

56 2 0
                                    

Days passed.

Ilang araw ko na ding pinag iisipan ang sinabi ni Lucas and I really find it hard to believe kung totoo ba lahat ng pinapakita at ang lahat ng sinabi niya.

I'm now back here at Taguig.

Hindi ko na din muna sinasagot ang mga tawag at text ni Lucas. Mas mabuti na sigurong dumistansya na lang muna ako dito habang kinakapa ko pa sa sarili ko kung tama bang bigyan ko sya ng chance na patunayan ang sarili niya.

We have to sort things out. Alone.

Bigla namang may kumatok sa pinto at pinagbuksan ko naman ito agad.

"Oh Eric. Buti naman at naisipan mo kong bisitahin. Akala ko kasi ay nag resign ka na sa pagiging manager ko. Sabihin mo lang. Kayang kaya naman kitang palitan." I harshly said habang naiinis na nakatingin sa kanya. Bakit ba kasi ngayon lamang ito nagpakita? Ilang araw na din ang lumipas simula ng iwanan ako nito sa Palawan kasama ni Lucas.

Buong akala ko pa naman ay ito ang unang taong maglalayo sakin sa kung sino mang nagpapakita sakin ng motibo pero hindi and it's very unusual of him na iwanan na lang ako ng walang pasabi.

This is the first time!

Nilampasan naman ako nito at tuloy tuloy na pumasok sa condo ko. Aba't ! Dineadma ako bes! Shit.

Napawi naman ang pagkakasimagot ko ng ilapag nito sa counter table ang Contis' na dala. Bigla naman akong napalunok sa nakita. Damn this gay! Alam na alam niya talaga kung paano ako aamuhin. That's my favorite Mango Bravo at Oo mababaw lang ang kaligayahan ko.

I like all foods with Mango. Wala akong pakialam kung mataas ang sugar niya at masisira ang diet ko. I can eat 5-7 mangoes a day or more than that.

Kunwari namang hindi ko ito pinansin at diretsong naupo sa couch kahit na gustong gusto ko na talagang lantakan yung dala niya.

No. No. No

Babae pa din ako noh at karapatan ko ang magpakipot at magtampo. Ikaw kaya ang iwanan sa taong pilit mong iniiwasan. Hindi ka ba maiinis?

Sumunod naman ito sakin kapagkuwan at lumuhod sa tapat ko sabay hawak sa kamay.

"Hey babes. I'm sorry alright. I had something important to deal with kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo. Don't make this hard for me please." Sabi nito sa nagmamakaawang tono.

Bakit ba parang ako ang kumakawa sa kanya base na din sa itsura niya? Ako na naman ang bibigay. Ako na lang ang iintindi? Ako na lang lagi ang magpaparaya? Lagi na lang ako.

NO WAY!

Inis namang hinawi ko ang kamay nito at humalukipkip habang nakanguso. Oo na nagpapacute na ko. Kelangan niyang turuan ng leksyon.

Ang mga babae hindi dapat basta basta na lang INIIWAN !

Tumayo naman ito at akmang aalis na kinalaki ng mata ko. Halalala hindi effective? Cute ko kaya kanina. Dineadma na naman ako nitong baklang 'to. Namumuro na 'to sakin ah.

Padabog na tumayo naman ako at sinundan ito at akmang tatalakan ko na sana para awayin ng mapansing dumiretso ito sa kitchen at kumuha ng pinggan at tinidor.

Aba't feel at home lang?

Binuksan naman nito ang ref ko na hindi naman siya inaano at pinakelaman ang gamit doon. Mukhang may hinahanap. Aba aba.

Kapagkuwan ay kinuha naman nito ang kutsilyo ng makita ang hinahanap at binuksan na nga ang cake na dala. Shit.

Lalo lamang akong napalunok. Pakiramdam ko ay tinatawag na ko ng Mango Bravo. Tinatakam ako sa nagdadamihan nitong toppings na Mangga. Mukhang pinadagdagan ni Eric yung toppings ah.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora