Chapter Forty one (I)

53 2 1
                                    

I'm just staring at Eric the whole time. He's driving and I don't have any idea where we're going. Kanina ko pa ito kinukulit kung saan ako nito balak dalhin but he just smiled, he said that it's a secret.

"Hindi kaya balak mo akong itanan?" sabi ko dito and fck. How i wish I never said that dahil muntik ko ng maiuntog ng ulo ko sa harap ng bigla itong huminto.

"Sht. I'm sorry. Are you okay?" hindi ko naman ito sinagot at sinamaan ko lamang ito ng tingin.

"Are you planning to kill me Eric?!" sigaw ko dito. Paano'y kanina ko pa ito tinatanong kung saan kami pupunta pero ni hindi man lang ito sumagot. Panay lamang ang ngiti nito sa akin.

"Of course not! babes naman. Ano ba namang klaseng tanong yan?" inis na sabi naman nito. Aba't siya pa talaga ang balak magalit ngayon.

"Eh ang simple simple naman ng tanong ko ah. Where.are.you.planning.to.take.me?" mabagal na tanong ko dito. "That's it. Bakit hindi mo masagot?"

Napakamot naman ito sa ulo saka nahihiyang tumingin sa akin.

"I.. I actually don't know." pag-amin nito. Nanlalaki naman ng bahagya ang mata ko at hindi ko mapigilang maiawang ang bibig sa sagot nito. So ano? Mag-aaksaya na lang kami ng gasolina? Kaya pala kanina pa kami paikot ikot kung saan. Hinahayaan ko lamang itong mag-drive. We're now travelling for almost 2hrs. Kaya pala hanggang ngayon ay hindi pa din namin nararating ang pupuntahan.

Itinikom ko na lamang ang bibig ko.

"Let's go to tagaytay." sabi ko dito, wala akong balak makipagtalo. Not now, sayang ang oras.

Namamanghang nakatingin naman sakin ito. Mukhang magsasalita pa sana ito ng sunod sunod na pagbusina sa likod ang marinig namin.

"Fck. C'mon Eric.. Drive." utos ko dito na agad naman nitong sinunod. I think it's the best time to experience Sky Ranch. I've been checking it on their website. Mukhang maganda.

"Are you sure Denny? You're still sick. Baka mas lalo kang magkasakit kung sa tagaytay tayo pupunta. Malamig doon." he said.

"I don't care. Just Drive." sabi ko na lamang dito habang panay ang singhot sa bwisit na sipon na 'to. I don't get it. Sa dinami dami ng sakit, this is the worst sickness I don't wanna have.

HINDI ko naman namalayan na nakatulog na ako sa biyahe. Nagising na lang ako ng tapikin ako nito sa pisngi. Looks like we're here. Pupungas pungas ko pang idinilat ang mga mata ko. Darn it! Mukhang maayos naman ang tulog ko sa biyahe because I kinda feel better.

"Alright babes. Nakabili na ko ng tickets natin, Let's go? or gusto mo munang kumain?" nag-alalang tanong nito. Pinakiramdaman ko naman agad ang sarili ko. Mukhang hindi pa naman ako nagugutom. Madami akong kinain kanina sa condo.

Umiling lamang ako dito. Mamaya na siguro. Isa pa, baka masuka lang ako kapag kumain na agad kami bago pa ang mga rides. I'm excited alright.

"Let's eat later." maigsing sabi ko dito saka akmang lalabas na ng kotse ng iupo ulit ako nito at saka ipinasuot sa akin ang baseball cap nito. Damn! I almost forget it. Inayos ko na lamang ito saka lumabas na ng sasakyan.

"So.. What do you want to try first?" tanong nito sa akin bago pa kami makapasok.

Napatingin naman ako sa may kalakihang Ferris Wheel. I want to try that pero mainit pa. I want to enjoy that at night. Hapon na din naman kami nakadating ni Eric dahil sa ilang beses din naman kasi kaming nagpaikot ikot at tumigil para umihi o kumain.

Napangisi naman ako sa nakita. I'm excited. Agad ko namang itinuro kay Eric ang gusto kong sakyan. I think it's called Super Viking. Yung parang barko na pataas ng pataas ang patakbo. Napatingin naman ako kay Eric at napapalunok na nakatingin din ito doon.

#COMPLICATED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora