Chapter 10-I miss you

56 4 4
                                    

Von's POV

"Bading ka! Simple simple di mo magawa tsss. Weak!"

Pangaasar ka sa kaibigan kong Duwag. Pssh! Paano ba naman? Umamin lang di pa magawa?!

"Wow! Nahiya naman ako sayo noh? Ikaw nga eh ayaw pa umamin, inalababo din naman!"

Sagot naman ni Rey sa pangiinsulto ko sakanya.

"Eh? Atleast ako aamin pero di pa sa ngayon, eh ikaw?! Tska di ko naman dinedeny Gusto ko talaga siya."

"Ewan ko sayo. Tssk! Pero seryoso pre? Paano ko aamin? Ayoko pa din pero wala nakong ligtas eh. Nadulas ako."

"Tanga ka kasi! Edi umamin ka na, pero sabihin mo yung gusto mo. Ganto nalang, sabihin mo totoo mong nararamdaman pero sabihin mo rin na di ka pa aware sa ganyan. Pero Aaminin mong Gusto mo siya."

Napaisip naman siya sa sinabi ko.  Bago niya ishoot ang bola. Naglalaro kasi kami basketball eh. Tutal sabado ngayon free kami.

At tska Sembreak kasi eh, 1 week pa bago ulit magpasukan. Miss ko na siya..

"Hoy! Vonn!!"

"Ay putspa! Ano ba?! Bat ka ba naninigaw?! Bading ka eh!"

Paano ba naman sigawan ka sa tainga eh katabi ko lang naman. Parang sira eh. 😑

"Lutang ka kasi pre. Kanina pa ko nagsasalita dito eh."

"Oh eh ano ba yun?"

"Oo. Yun ang gagawin ko. Aamin na ko pero Ayoko munang madiliin ang lahat. Dadahan-dahanin ko."

"Yan! Wag kang bading!"

"Ikaw bading oy!"

"Si edison talaga bading. Hahahaha"

"Hahahahaha."

Matapos naming magtawanan, maglaro at mambully ay napagdisisyonan naming umupo muna.

Habang umiinom ako ng Gatorade, Nagscroll ako sa Fb ko.

Scroll...

Scroll...

Scroll...

"Wtf?!"

Napamura nalang ako. Sa nakita ko,

Nakita ko lang naman ang pinakamagandang babae sa paningin ko.

Ay alam ko na! May naisip ako. Sana magwork. Haha

Fuck! Tinamaan na yata talaga ako. Lintek na yan!

Sooner or later, You'll be mine My Queen😏

---

Niza's POV

"Kath Bilisan mo naman kilos inaantay na tayo nila Jazz at Dana. Bagal bagal eh."

Sabi ko kay kath na kasalukuyang nagliligpit at nagkukuha ng gamit sa locker niya.

Bagal eh. Kanina pa text ng text yung dalawa eh. Pupunta kasi kaming mall, you know Girl bonding at miss na namin isa't isa eh. Kahit lagi kami nagkikita. Malapit na din kasi magpasukan kaya nageenjoy muna kami.

"Teka! May hinahanap ako eh. Di yun pwede mawala bigay pa naman sakin yun ni Clay."

"Ano ba kasi yun??"

"Yung friendship Bracelet namin, di yun pwede mawala huhuhu. Tulungan mo nga ko bes. Kesa dada ka ng dada diyan"

Hay nako! Inutusan pa ko eh. Pssh. Tinulungan ko nalang siya ng matapos na.

Love LastWhere stories live. Discover now