Chapter 13-Bye? For Now

45 3 0
                                        

Kath's POV

Sayaw dito... Sayaw dun.... Hataw dito... Hataw dun...

Yan lang yata ang ginawa ko ngayong araw, dahil sa half day lang pasok ko naisipan ko munang tumambay sa Studio ng Dance Club. Wala din naman akong gagawin sa bahay eh tska gusto ko munang magisa, at magisip ng mabuti.

Matapos yung nangyari nung gabing yun, di ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

*FLASHBACK*

"AYOKO! AYOKONG UMUWEH!! SABEHEN MO SHAKEN MAHEL MO BA KO KATH HA?! KASI AKEH MAHEL NA MAHEL KITA!!"

Nastatwa ako sa sinabi niya, di ako makagalaw. Parang gustong magparty ng puso ko pero ang kalahati nito parang nasasaktan.

Bakit? Kasi..

Nasaktan ko lang naman yung taong nagmamahal sakin.

Yung taong mahal ko, nasaktan ko sa isang maling pagkakaintindihan.

Magsasalita na sana kung mali nung magsalita siya..

"Ano?! Tititigan mo lang ba ko ha kath?! Mahal kita Kath!! Mahal kita!!! Pero bakit kailangan mong sabihin sa iba na di ako nababagay sayo?! Para mo na ding sinabing ayaw mo sakin??"
(A/n: isipin niyo nalang lasing si Clay. Mukha kasing tenge kapag panay ano shalita hahaha)

"Clay let me explain first. Mali ka lang ng pagkakaintindi. Lahat ng narinig mo ay di totoo, pero yung tot---"

Di ko na natapos sasabihin ko dahil nagsalita nanaman siya.

"Ayoko... Ayoko ng pakinggan mga dahilan mo. Baka mamaya yan lang din ang maging dahilan para bawiin ko yung sinabi ko. Baka magawa ko pang saktan ka. Sorry Kath, Mahal kita pero.... Let me find myself first. Let me show you what a real ideal man would be!"

*END OF FLASHBACK*

Matapos niya itong sabihin, Umalis siya at di na muling nagpakita sakin.

Naiwan akong tulala at umiiyak, buti at nandoon si Gab para damayan akong magdrama.

Ansakit lang kasi di niya ko hinayaang magpaliwanag. May dahilan naman kung bat ko yun nasabi eh. Di lang siya nakinig.

Inuna niyang isipin ang narramdaman niya, di niya muna inisip kung sakali na may dahilan naman pala.

Di ko namalayan na habang sumsayaw ako may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.

Hala! Ayan nanaman, umiiyak nanaman ako. Ano ba yan. Lagi nalang, tuwing sasayaw ako at bigla ko nalang maaalala yung mga masasayang araw kasama yung bestfriend ko.

Sana kasi di ko nalang siya minahal, sana kasi di ako nainlove sa kanya.. Edi sana may bestfriend pa ko hanggang ngayon.

Kaso... May salita nga palang Sana. Hanggang sana na nga lang ba?

Love LastWhere stories live. Discover now