Chapter 17-Without you

27 5 0
                                    

Clay's POV

On my way to Denise's House...

Ano gagawin ko sakanila? Wala bonding lang kami. Simula kasi nung nakilala ko siya, siya na din ang lagi kong kasama eh. Ewan ko pero ang gaan ng loob ko sakanya, siguro dahil masaya siya kasama. Nawala yung mga iniisip ko at hinanakit ko.

Pero still I'm finding myself kung paano ko ba ulit ito ibubuild. Para pag nagkita kami ulit eh, Kaya ko na.

Si Denise siya yung tipo ng taong, masarap kasama, Palangiti, kahit sobrang lungkot mo mapapagaan niya, at sympre mabait.

Kaya din siguro naging ganto kami ka close bigla.

*knock*knock*knock*

Pagbukas niya ng pinto siya agad ang nakita ko, kaya Bineso niya ako. Well normal lang kasi sweet din tong taong to.

"You ready?"

Ngumiti ito saka tumango.

Sumakay na kami ng kotse ko at pumunta sa isang Mall. Well sabi ko nga magbobonding lang kami. A Friendly ... Basta yun hahaha.

"Nandito na tayo, Ano tara?"

Pagaaya ko nung nakapagpark nako. Pero napansin kung tulala si Denise.

"Uyy! Denise ok ka lang ba?"

Masuyong tanong ko. Pero mukang di niya padin naririnig at napapansin dahil sa bintana lang siya nakadungaw.

Hinarap ko siya at hinawakan ang kamay pero....

"Oh bakit clay??"

Shit! Magkadikit mukha namin. Bat parang... Tch! Awkward naman.

"A-ah sabi ko ok ka lang ba? Tulala ka kasi eh?"

Sambit ko sabay alis sa pagkakadikit namin. At bumaling sa harapan.

"Ah oo ok lang ako, yaan mo na. Oh tara na?"

Nakangiting pagaaya nito ngunit halata naman ang lungkot sa mukha nito.

Ngumiti nalang din ako bilang sagot dito.

Nagikot ikot kami sa loob ng mall, nagarcade, sumayaw,nagwindow shopping, at kumain.

Pero sa lahat ng ginawa namin, Isang bagay o tao lang pumapasok sa isip ko ngayon eh.

Kathryn.....

Bakit ko siya iniisip?? Diba nga ginagawa ko to para baguhin sarili ko eh bakit parang Ang hirap lalo eh. Lalo na kung wala siya sa tabi ko.

Pero alam kung magiging ok lang ang lahat, Magiging masaya ulit kami, magkakasama at mageenjoy.

But....

Damn! I really miss her.

---

Habang kumakain kami ni Denise at nagkwekwentuhan may nahagilap ang mga mata ko, Pamilyar sa akin yung babae pero di ko makita yung mukha niya.

Paano ko nasabing pamilyar? Dahil kasi sa Likod niya at kilos niya. Parang pamilyar saakin lahat yun.

Aish! Kung ano ano nanaman siguro iniisip ko kaya ako ganto.

"Clay are you listening?"

Natauhan naman ako sa mga sinabi ngkausap ko.

"Ay sorry. May nakita kasi kung babae, She seems so familiar to me, Wonder who she is."

"Baka one of your closet friends?"

"Hindi ko din alam eh, Siguro? Yaan na natin. Btw, you saying?"

Love LastWhere stories live. Discover now