Chapter 1

1.4K 63 24
                                    

Chapter 1

Alesandra Lucero

__________

 “Naku! Lagot na!” 

 

Napasigaw na ako sa sobrang pagkagulat. Nagmamadali na akong bumangon, six-thirty na nang magising ako. Eh, seven-thirty ng umaga pasok namin. Mabilis na akong pumasok sa banyo at nagwisik-wisik. Haha. Joke lang, naligo naman ako at nagbihis na din kaagad pagkatapos dahil mali-late na kami.

Baka malate pa kami, unang araw pa naman ng pasok ngayon. Hindi naman kasi ako ginising ng pinsan ko. Napasarap kasi ang tulog ko, kaya hindi ako kusang nagising, nasanay din ako sa matagal na bakasyon.

“Bakla! Hoy, Alesandra Lucero, bilisan mo!” sigaw na ni Jenny sakin, yung pinsan ko.

“Oo, nandiyan na!” sigaw ko ring sagot.

Seven na ako natapos. Lagot na talaga. Tumakbo na ako pababa. Tinawag na ako sa buong pangalan, kaya alam kong naiinis na yan. Pero kapag hindi ‘Bakla’ o ‘Ales’ ang tawag niyan sa akin. Hindi yung pinapaalis, ah. A-les. Haha. Nang makababa na ako dumeretso na ako kagad sa kusina at naabutan ko dun ang Tita ko at tsaka ang nagiisa kong kapatid na lalaki.

“Kumain ka na muna, anak.” Yaya na sa akin ni Tita Joy.

Kung tinatanong niyo kung bakit tita lang at hindi nanay o tatay ay dahil ulila na kami ng kapatid ko. Namatay sa isang aksidente ang mga magulang namin sampung taon na halos ang nakakaraan.

At dahil dun, si tita na siyang kapatid ni Papa ang tumulong at nagkupkop samin, meron siyang isang anak na babae at yun na nga si Jenny, si tito Benny naman na asawa ni tita Joy ay nagtratrabaho sa ibang bansa. Anak na din ang turing nila sa amin dalawa ni Allen.

“Good morning, Tita. Good morning, kulet!” Bati ko sa kanila at sabay gulo ng buhok ng kapatid ko.

Thirteen years old na si Allen, ang kapatid ko, samantalang Nineteen naman na ako.

 

“Ate, di porket magulo ang buhok mo, guguluhin mo na din ang akin.” Masungit na sabi ng kapatid ko.

Napahawak naman ako sa buhok ko, hindi pa nga pala ako nagsusuklay. “Oh, gamitin mo na bakla! bilisan mo na!”

Inabutan ako ni Jenny ng suklay, nagsusuklay ako habang kumukuha ng tinapay na may palaman na ham sa lamesa. Kailangan nang magmadali, eh. Multi-tasking na.

“Eh, kung ginising mo kasi ako ng maaga diba?” Sabi ko habang ngumunguya.

“Anak, wag mag sasalita habang may laman pang pagkain ang bibig mo.” Saway sakin ni Tita, 

Lumunok muna ako bago magsalita. “Opo, sorry po.”

"Maaga pa lang ginigising na kita, ikaw lang ang hindi magising gising diyan, kung hindi pa kita tinulak para mahulog sa kama, hindi ka magigising!”

Tama nagising ako nang naramdaman kong bumagsak ako sa sahig! Ang sakit kaya nang pagkahulog ko. Pero nagising naman ako, kaya ayos lang. Haha.

Tinapos na namin ang pagkain namin, nagtoothbrush at sabay sabay na kaming nagpaalam kay Tita Joy.

“Bye Tita!”

“Bye Ma!”

Sabay na sigaw naming tatlo.

“Magiingat kayo mga Anak!” Sagot naman ni tita, tsaka na kami lumabas nang bahay.

“Bye, mga ate.” Walang ganang sabi ni Allen.

Nakarating na kami eskwelahan niya. Walking distance lang naman ito sa bahay namin kaya mabilis kaming nakarating. Sa isang public school lang nagaaral si Allen, di ko pa kasi kayang pagaralin siya sa isang private school, pero ayos lang naman daw yun sa kanya.

“Bye Kulet.”

Nag wave pa kami ni Jenny sa kanya, kumaway din siya samin pero nakatalikod na siya. Napakasungit talaga ‘nung kapatid kong ‘yun, ang advantage lang sa akin ng pagkasungit niya ay hindi siya lapitin ng babae dahil sa kasungitan niya kahit na pogi ito. Siyempre pogi yan, mana yata sa ate niyang maganda. Chos!

“Sana hindi tayo matraffic!” Sabi ni Jenny, nang makasakay na kami sa Jeep.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa school buti nalang talaga at hindi traffic.

Saan kami nagaaral? Sa Penderson University lang naman! Natanggap ako sa Scholarship kaya ako nakapasok dito, hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga akalain na nakakapagaral ako sa University na ito. 3rd year na kami at BS in Accountancy ang course namin pareho ni Jenny. Hindi ko mapigilang matuwa, isang taon nalang at ga-graduate na kami!

Naglalakad na kami papasok, pero sabay ding mabilis na tumakbo ng bigla naming marinig yung bell.

“Bakla! Bilis takbo, late na tayo!”

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon